Finale
Third Person’s POV
“hoy tange bakit ka sumisigaw?” nanghihina man ay nagawa pang batukan ni Lance si Ashley na nakapikit at sumisigaw. Nanlaki ang mata niya at napayakap na lang kay Lance. Umiyak na lang siya nang umiyak hanggang sa inilabas ni Lance ang cellphone niya. “19 percent, makakatawag pa ako.” Nakangiti niyang sabi.
“Sino tatawagan mo?” may halong kuryusidad na tanong ni Ashley.
“yung lola ko, kakamustahin ko.” sarcastic na sagot ni lance na agad namang nakatanggap nang batok. Inirapan siya ni Ashley at nagpout. Sabay nilang inantay ang pagsikat nang araw nang tumahimik bigla. Nahiga na lang si Ashley sa balikat ni Lance.
“alam mo, may isang taong pinili kong mahalin.” Tahimik pa rin kaya napangiti si Ashley. “Ikaw, Lance.” Pero nabigla siya nang may tumulong likido sa pisngi niya. Nng una akala niya naiiyak sa Lance, tutuksuhin niya pa sana pero nang hawakan niya ang likido at tinignan.
“L-lance?”kinabahan siya bigla kaya tinignan niya si Lance. Napatayo siya at nanlaki ang mata niya dahil sa gulat. May nakasaksak na napalaso sa ulo niya at doon nanggagaling ang dugo. Natumba si Lance kaya namutla si Ashley. Nilapitan niya ito.
“L-LANCE!” naiiyak niyang sabi. hindi na pumipintig ang puso nito at namumutla na ang kanyang balat. Dahan dahan siyang napapikit kaya wala nang nagawa si Ashley kundi umiyak na lang.
“Sinabihan k-ko naman na siya eh, makakabawi ako.” Halos maihi na si Ashley nang makita si Garnet na nakatayo habang duguan pa. hawak niya ang pana at may nakasaksak na dito na palaso. “Run bitch!” napatakbo nga si Ashley at namalayan niya na lang na pababa na pala siya nang dock nang school.
“awwww, wala ka nang matakbuhan no?” napalingon siya kay Garnet na nakaamba na ang pana para tirahin siya. Naiyak na lang muli si Ashley. “Ano ba ang nagawa ko sayo?!” sigaw na lang ni Ashley habang paurong nang paurong. Napahinto siya nang wala na siyang maapakan. Nasa dulo na siya nang dock.
“Wala, gusto ko lang makabawi sa ginawa sa akin ni Lance. Bye bitch!” napapikit na lang si Ashley. Ilang sandali pa ay wala siyang naramdamang lumusot sa laman niya. Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya saka niya nakitang nakabulagta na si Garnet at tuluyan nang naputulan nang hinga.
Nakarinig siya nang mga tunog nang sirena kaya napalingon siya. Napaiyak na lang siyang muli nang makita ang maraming speed boat na may mga pulis at mga imbesitgador na nakasakay. Natumba na lang siya at dahan dahang napapikit. Ang huli niyang nakita bago mawalan nang malay ang mga naka ngiting kaibigan niya…..nung buhay pa sila.
----------
Kalma lang, may Epilogue pa.
Read. Vote. Comment ♥
END OF FINALE.
BINABASA MO ANG
Anonymosities: New Generation
ActionA group of teenagers became the toys of the ruthless psycho-gang, Anonymosities. How would they survive the game they don't even know how to play? Cover made by: @sam09zel