Chapter 15: The Fall of the Knights.
{ Kyra’s POV }
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa mapansin kong wala na si Hans sa sa likod ko. napahinto na talaga ako sa pagtakbo at gustuhin ko mang mag-pahinga ay hindi ko magawa dahil baka mahuli nila ako. Nilingon ko ang dinaanan namin ni hans pero wala ni anino siya.
“Hans! Letseng 69 ka! Asan ka?!” inis kong sigaw. Binalikan ko ang mga nadaanan namin pero halos mamatay na ako nang makita ang duguang katawan ni Hans. Labas ang bituka niya at nagkalat ang utak niya sa sahig. Napaiyak na lang ako at naghanap nang mapagtataguan.
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa makabangga ko ang salarin. Nakasuot siya nang maskara at naka jacket. Nasuntok niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Dali dali akong gumapang at nang mahakawan ko ang isang kahoy ay agad ko itong hinampas sa kanya.
Nang matumba ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakbong muli ang kaso nga lang, nahakawan niya ako sa paa kaya nadapa ako. Paglingon ko ay wala na akong nakita kundi mga salamin na lang.
“A-asan na siya?!” kabado kong sabi. palingon ako nang palingon hanggang sa maramdaman ko ang namamasa sa ulo ko. agad akong napahawak at nakita kong dugo ito. “S-saan ko ito nakuha?!” taka kong tanong. Hindi ko na lang ito pinansin at tumakbo na.
Napunta ako sa isang kwartong punong puno ng mga manika. Nakakatakot nga lang dahil mukhang matatanda na ito at ang ilan ay butas na ang pisngi. Kahit duwag ay napilitan akong magtago sa isa sa mga ito. tinakpan ko na lang ang bibig ko para mapigilan ang sarili ko sa paggawa nang ingay.
“asan na yung letseng Kyra na iyon?!” kinabahan ako sa boses. Napakapamilyar niya. Hindi ko matandaan kung kanino itong boses basta ang alam ko, nakakatakot ito at bakas sa boses niya ang urge na mapatay ako.
BINABASA MO ANG
Anonymosities: New Generation
БоевикA group of teenagers became the toys of the ruthless psycho-gang, Anonymosities. How would they survive the game they don't even know how to play? Cover made by: @sam09zel