Chapter 3: Conspirator.

1.5K 37 17
                                    

Chapter 3: Conspirator.

 

{ Kyra’s POV }

 

KINAHAPUNAN.

Nakakainis sila Ashley! Hindi man lang nila ako ginising. Nagulat na lang ako ng pagka gising ko may nakadikit na na sticky note sa noo ko. punta na kami sa Archery Club. Yan lang ang nakalagay! Wala man lang good afternoon! Walang hiya talaga. Dali dali akong naghilamos at agad na nagpalit ng suot ko. Sinuklay ko na rin ang buhok ko saka lumabas ng kwarto ko.

“Oy Kyra! Bagong gising ah. Saan ka papunta?” nagulat ako nang paglabas ko abs nanaman ni Alexis nakita ko. wala na bang oras na wala tong tshirt? Nakakasilaw rin kaya yung yummy---este yung abs niya. baka mamaya, may mga maglaway na lang dito pag may nakakita eh.

“Uso magsuot ng tshirt. Tchk. Mag suot ka nga.” Ngumisi lang siya sa akin. Inirapan ko siya at agad naman siyang pumasok sa kwartong katabi lang pala ng amin. Pagkalabas niya ay sabay kaming naglakad. Ay oo nga pala! Saan kaya yung Archery club na iyon?

“Saan ka papunta?” pa-cool niyang tanong. Inirapan ko lang siya at inis na inisip yung----teka nga, pwede ko naman siyang tanungin imbes na pahirapan ko ang sarili kong isipin kung asan ba iyon eh kabago bago ko dito.

“Saan ba yung Archery club?” bigla siyang napatingin sa akin na bakas ang pagtataka sa mukha niya. ngumiti lang ako sa kanya na para bang nagsasabing ‘anong-akala-mo-sa-akin-hindi-magaling?’.

“hindi, nagulat lang ako kasi di karaniwan na nag a-archery ang mga babae dito eh. Halos lahat kasi dito, nasa mga sorority ng pagandahan.” Napairap naman ako. di ko na kailangang sumali diyan kasi alam kong maganda na ako. tsaka, paano niya nabasa yung iniisip ko? mind reader ba siya? Pero well, unique kasi ako. Maganda na nga, maganda na, magaling pa sa archery. Saan ka nun?

Napatingin ako sa hinintuan namin. Nakita ko sa pinto na ito na nga ang Archery club. Sobra sa laki ang space ng archery club, sakto lang sa kakailanganing space para sa shooting range. Transparent ang mga bintana kaya makikita mo mula sa labas ang loob nito.

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon