Chapter 7: Trust no one.
{ Garnet’s POV }
Putspang horror movie na yun. Buti na lang na charge ko kagabi ang tablet ko bago magbrown out, kundi namatay na ako sa kaboringan sa kwarto. Letse ang aga aga pinapapunta kami sa gym at minamadali pa kami ha? Anong akala nila kabayo kami na mabilis tumakbo? Kung sa bagay, lagi naman ganyan eh.
Naligo muna ako at nag tooth brush bago umalis ng kwarto ko patungong gym. Pero habang papalapit ako, napapansin ko na parang may pinagkakaguluhan sa loob. Nakita ko sila Kyra na umiiyak at si Winter na parang galit na galit habang umiiyak. Nag aaway nanaman sila yata nila Kyra pero hindi ko alam kung tungkol saan nanaman. Kinutuban na ako na may mali dahil sa naririnig kong usap usapan ng iba.
Wala na akong nagawa kundi tumakbo nang marinig ko ang malalakas na sigawan nang iba. Pero mistulan akong nabato nang maabot ko na ang pintuan ng gym. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o hallucination na ito dahil sa kakapanood ko ng mga horror movies. Tila isa akong karakter ng horror movie na hindi makapaniwala sa nasa harapan niya.
“Huta.” Napalingon ako kay Hans na nanlalaki ang mata habang nakatingin rin sa pinagkakaguluhan nang lahat. Basag ang ulo. Lasog lasog ang mga binti. Warak ang tiyan at nakaluwa ang bituka. Tumutulong dugo. Nakabitay na parang isda. Perfect scene for a horror movie. Hindi ko inakalang hahantong sa ganito si Jewel. Ngunit natigil agad ang pagtitig ko sa bangkay niya nang sumigaw si Winter.
“I’m sure this is all your doing you bitch! Ginagantihan mo kami ni Jewel!” sigaw ni Winter na inaawat nila Walter palayo kay Kyra. Hindi ko maintindihan ang malanding ito eh. Wala namang ginagawang masama si Kyra pero lagi niyang kinakalaban. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanila. Bakas na bakas sa mukha ni Winter ang galit.
“Pwede ba Winter tumahimik ka na! walang maitutulong ang ginagawa mo!” inis na sambit ni Ashley kaya bahagya siyang natahimik. Nagsidatingan ang mga pulis at ambulansya. Sinarado na nila ang pintuan nang gym at inasikaso na ng school ang pangyayari. Nagsimula nang magsialisan ang mga studyante at kahit ang mga staff. Tanging ang presidente na lang ng school ang humarap sa mga pulis.
BINABASA MO ANG
Anonymosities: New Generation
ActionA group of teenagers became the toys of the ruthless psycho-gang, Anonymosities. How would they survive the game they don't even know how to play? Cover made by: @sam09zel