Chapter 11: Fatality.

798 29 17
                                    

Chapter 11: Fatality.

 

{ Third Person’s POV }

 

Kabadong naghihintay si Kyra at si Ashley sa susunod na mangyayari. Anim na bus ang inaantay pang mapuno. Habang kabado silang nakaupo ay napansin naman ni Walter ito kaya nilapitan niya si Ash at Kyra. Hindi niya alam kung bakit namumutla ang dalawa.

“anong nangyayari sa inyo?” Napailing lang si Ashley kahit sa kaloob looban niya ay malapit na siyang pumutok dahil sa takot. Hindi siya sigurado kung sino pa ba ang dapat pagkatiwalaan sa kanila lalo pa’t dahil sa sinabi ni Hans na maaaring sila nga ang pawns sa laro ng sickfucks na anonymosities.

“hey.” Lumapit si Alexis sa kanila. Hindi niya alam kung bakit kaba ang nakapinta sa mukha ni Ash at Kyra kaya napilitan siyang maupo sa likuran ng dalawa. Si Walter naman ay inilipat ang gamit at naupo sa katabing upuan nila Ash at Kyra.

“W-Walter...A-Alexis...i—I have to tell you s-something..” naantig naman ng dalawa na napaka importante ng sasabihin ni Ashley kaya lumapit sila. Nanlaki ang mata nila dahil sa narinig. Hindi sila makapaniwala sa nasabi ni Ashley. Galit ang unang namuo sa dibdib ni Walter. Hindi siya makapaniwalang kaya nitong gawin sa mga kaibigan nila.

“p-please...i’m still not sure kung tama nga ang narinig ko pero for the mean time....sila ang prime suspects ko.”malungkot na saad ni Ashley. Niyakap lang siya ni Walter habang si Kyra ay hindi na mapakali nang nagsimula nang magalisan ang mga bus. Hindi siya mapakali lalo pa’t napakaraming ideya ang pumapasok sa isipan niya.

May umakyat na lalaki kaya napatingin silang lahat. Nakatakip ang sombrero sa mukha nito pero makikitang may mga sunog na parte ang mukha nito. Nagbigay kilabot ang mukha nito sa iilang mga kasama nila Kyra sa bus pero hindi sila nagpatinag

 “I hope na makakauwi kayong lahat safely.” Bumaba na siya at ilang sandali lang ay naka alis na lahat nang bus maliban sa kanila. Inaantay nila ang driver ngunit wala pa ring dumadating. Nagsimula nanamang kabahan si Ashley. Napatayo siya kaya napatingin sa kanya ang iba.

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon