Chapter 19: Checkmate.

638 15 6
                                    

Chapter 19: Checkmate.

 

 

 

{ Red’s POV }

 

 

 

 

“papatayin kita Alexis!” pilit kong sinisikipan ang paghahawak ko sa leeg niya para tuluyan na siyang mamatay. Galit na galit ako sa kanila at higit na sa sarili ko. hindi ko alam na ako ang may kagagawan nang lahat. Wala na akong naalala simula nang makilala ko ang Anonymosities. Hindi ko na napansin na nakalimutan ko na ang totoong mga may kasanan.

Ang gusto ko lang naman ay makamit ang higanti dahil sa pagkamatay nang kakambal ko pero tila nakalimutan ko nang ako ang may kasalanan….ako ang rason nang pagkamatay niya. Gustong gusto silang patayin para matahimik na ako! Alam kong ako ang may sala pero kung makikita ko sila ay maaalala ko lang ang nagawa kong kademonyohan.

Ang totoo kong motibo ay patayin silang lahat dahil sa ginawa nilang pact. Gusto ko silang pagtatagain nung una kong nalaman ang pact na ituturing nila akong si Kyra at kakalimutan nilang namatay siya. Hindi ko inakalang ang mga kaibigan ko mismo ang t-traydor sa akin. They made me a monster.they’re the ones who should be in hell not me.

Nagulat ako nang nahampas niya ako nang kahoy sa ulo. Natumba ako at napahawak sa ulo ko. nahawakan ko ang dugo na mas ikinagalit ko. pinaka ayoko sa lahat ang sinasaktan ako. Agad kong kinuha ang kutsilyo sa lapag at sasaksakin ko na sana siya nang masuntok niya ako.

“Hindi ka na tao Red! Isa kang demonyo!” sigaw niya. Napahawak ako sa dumudugong labi ko. dumura ako at sinipa siya sa tuhod niya kaya napaluhod siya. Sinuntok ko siya at tinadyakan sa sikmura. Kailangan ko siyang patayin para manahimik siya. Wala lang siyang magandang maidudulot kung dadakdak lang siya nang dadakdak.

“satsat ka nang satsat! Patayin na lang kita para matahimik ka!” sinunggaban ko siyang muli pero nakailag siya. Nakailang suntok siya sa akin hanggang s anaramdaman kong dumudugo na ang ilong ko. pero lahat nang sakit ininda ko dahil ang gusto ko, mapatay ko siya.

Nang nakabuwelo ako kay sinaksak ko siya sa tagiliran. Natigilan siya at napaupo dahil sa sakit at dinulot nang pagkakasaksak ko sa kanya. Napangisi ako at sinipa siya sa sikmura pero hindi ko inexpect ang pagkaksipa niya sa akin sa paa ko kaya napahiga ako sa sahig.

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon