Chapter 16: Revelation.

782 23 18
                                    

Chapter 16: Revelation.

 

 

 

{ Third Person’s POV }

 

 

 

Dinala silang lahat sa ospital kabilang na ang mga knights na malubhang nasugatan. Idineretso sa morgue nang ospital ang mga pawns at knights  na namatay. Halos lahat sila ay nawalan ng malay pwera sa isa lamang. Isang taong hinding hindi makakalimutan ang bangungot na nagkatotoo.

“P…papatayin ko talaga y…yung Red na iyan..” hinihingal na saad ni Kyra sa kanyang sarili. Nagtataka na ang ibang mga nurse na kasama niya dahil kanina niya pa kinakausap ang kanyang sarili. Ang iba ay kinabahan na pero inintindi na lang dahil baka dulot ito nang stress at traumang nangyari sa kanila sa loob ng House of Mirrors.

Agad na sumulong si Ethan sa ospital at pinuntahan si King. Wala naman itong masyadong  galos o sugat, konting pahinga lang ay magiging okay na siya. Dahan dahang pumasok si ethan sa loob nang kwarto at kinailangan pang magpanggap na si Robbie Chen para lang papasukin ng mga pulis.

“Ano na ang balita?” deretsahang tanong ni King kay Ethan. Ngumiti lang ito at ipinakita ang larawan nang islang pagdadalhan nila sa mga pawns. Isa ito sa mga secluded islands na pag mamay-ari ng iilan sa mga mayayamang psychopaths na nakilala nila. Nirentahan nila ito para sa gagawing finale para sa pawns.

----------

{ Ashley’s POV }

 

 

 

 

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang mangyari ang patayan sa lugar na hindi ko makakalimutan. Presko pa rin sa memorya ko lahat ng nangyari nang gabing yun. Sigawan…iyakan….patayan. Unti unti nang naghihilom ang mga sugat ko pero hinding hindi mawawala ang sugat na nasa puso ko...

Pinipigilan ko ang luha kong tumulo habang nakatayo dito di kalayuan sa pinangyayarihan nang burol nang mga kaklase ko. pinili kong lumayo sa mga natitira kong kaibigan at kahit kay Kyra. Hindi ko pa rin siguro matanggap ang trayduran na nangyari.

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon