Chapter 9: Elimination.
{ Shin’s POV }
Tanginang Skyler yan. Asan na ba siya? Tinawagan ko si Hans pero ang sabi niya kanina niya pa daw yun pinuntahan. Ayoko pa namang lumapit kay Deacon para lang ibigay ang manika niya at ang tanga niya rin naman kasi, bakit niya ba ito iniwan sa may pintuan nang kwarto namin nila Alexis? Anong akala niya sa kwarto namin, kwarto nila? Tss.
Papunta sana ako sa oval nang mapansin ko si Deacon na may sinigawan na babae na kasama niya. “YOU WILL SHUT UP OR I’LL STAB YOU?!” natahimik ang babae at may lumapit nanaman na lalaki sa kanila. Natigilan ako nang biglaan niyang sampalin si Dea. Bigla kong naiyukom ang mga kamay ko. Dali dali akong lumapit sa kinaroroonan nila.
Biglang napayuko sI Deacon. Hindi ko alam kung bakit biglaan na lang uminit ang ulo ko dahil sa ginawa nung lalaki na yun. “Tang ina ka bago bago nyo pa lang dito akala mo kung sino ka maka akto ah?” tinignan ko siya nang masama pero parang wala lang sa kanya. nginisihan niya pa ako na akala mo kung sino.
“wala kang pakialam.” Simple niyang sagot. Mas lalo akong nainis at agad ko siyang kinuwelyuhan. Napansin ko na biglang pumagitna ang babaeng kasama niya pero wala rin akong pakialam sa kanya. Wag siyang makialam kung ayaw niyang madamay.
“ayus ayusin mo ang pagsagot mo sa akin kung ayaw mong basagin ko yang mukha mo.” Ngumisi lang siya sa akin at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. Mas lumaki ang ngisi niya nang itulak niya ako at binanggaan. Lalo lang uminit ang ulo ko dahil sa angas niyang dala na akala mo kilala niya na talaga ako.
“siguraduhin mong kilala mo ang binabangga mo.” Umalis na sila nang kasama niya. Napatingin ako sa kanya at mas lalong humigpit ang hawak ko sa manika. Napangisi ako. “Eh kung patayin kaya kita? Tss.” Sinundan ko na lang si Deacon. Wala rin namang mangyayari kung papatulan ko yung gagong yun eh.
Nang maka abot ako sa may pintuan nang kwarto nila ay kumatok ako. Inilapag ko na lang ang manika pasandal sa pinto at umalis na. Hindi ko na hinintay na lumabas pa si deacon mula sa kwarto nila at baka magulat siya na nasa akin lang pala ang manika niya.
BINABASA MO ANG
Anonymosities: New Generation
ActionA group of teenagers became the toys of the ruthless psycho-gang, Anonymosities. How would they survive the game they don't even know how to play? Cover made by: @sam09zel