Chapter 4: Hoodwinked.
{ Third Person’s POV }
Nagsipuntahan lahat sa gym. Nagulat sila dahil sa isang lalaking napaka pamilyar dahil ilang beses nang lumalabas sa telebisyon at kilala bilang ang angel of death, si Robbie Chen. Nagsiupuan ang lahat at halos magsiputukan na ang pantog ng mga babae dahil sa kilig. Ang iba naman ay nangisay na gilid samantalang napa ‘tss’ lang ang ibang lalaki.
“OMG ang gwapo talaga ni Robbie!”
“Oo nga! Gooosh! May asawa na kaya siya?”
“Ang tanda na niyan eh.”
Napatingin si Deacon sa lalaking nasa harapan at nakaupo sa may stage. Agad siyang napangiti ng makilala niya ito. Siya ang lalaking ilang beses nang naka survive sa mga massacres na naganap sa mga kaklase niya. Na excite agad si Deacon dahil sa kanyang naisip. Kilala siya bilang angel of death. Hindi lang dahil ilang beses na siyang nakaligtas sa patayan, kundi, siya ang nagdadala ng kamatayan saan man siya magpunta.
“sino siya?” tanong ni Kyra kay Ashley. Nag kibit balikat lang ang katabi nito at agad na napatingin sa babaeng kumakain ng kitkat kanina pa. tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Hi. Ako pala si Deacon.” Tuwa nitong pagpapakilala kay Kyra. Ngumiti din ito at nakipag kamay. Napangiti naman ng palihim si Deacon, gusto na niyang sabihin na matagal na niyang kilala ang kaharap niya pero naisip niyang hindi pa ito ang tamang oras.
“Good evening students! The name of the man infornt of you all is Robbie Chen, He will be one of your professors. Bago lang siya dito sa school kaya sana be good to him. Okay ba yun?” nagsitanguan ang mga babaeng studyante maliban kay Ash at Kyra. Nagsitayuan na ang iba at parang dismayado dahil akala nila kung gaano ka importante ang pagpapapunta sa kanila sa gym kahit medyo gabi na.
Inis na umirap si Krystal dahil isang napaka walang kwenta lang pala ang nangyari. Kinutuban pa siya, wala rin lang pala. Inis siyang bumalik sa kwarto niya at umirap na lang muli. Nahiga na lang siya sa kama niya at ipinikit na ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Anonymosities: New Generation
ActionA group of teenagers became the toys of the ruthless psycho-gang, Anonymosities. How would they survive the game they don't even know how to play? Cover made by: @sam09zel