Chapter 17: Escape.

725 22 12
                                    

Chapter 17: Escape.

 

 

 

{ Lance’s POV }

 

 

 

Hindi ko alam kung paano namin nagawang makatakas sa hawak ng mga knights. Letse lang talaga! Hindi ko inakalang sila ang mga punyetang gumawa nito sa amin! Hawak ko si Alexandra habang tumatakbo kami kahit hindi kami pamilyar sa lugar.

Takbo lang kami nang takbo hanggang sa napunta kami sa madilim na parte. Base sa paningin ay parang abandoned school ang kinalalagyan namin. Maraming sirang gamit at napakalawak nang lugar. Hinila ko na lang si Alex papasok sa isang kwarto.

“Asan tayo?!” kabado niyang tanong. Hindi ko alam pero napakarami nang lamesa. Isang lumang bodega siguro ang kinalalagyan namin. “hindi ko alam! Maghanap na lang tayo nang maaari nating gamitin panglaban.” Nagsimula akong maghanap ng mga maaari naming gamitin laban sa kanila. kutsilyo...lapis o kahit toothpick pa yan basta magagamit.

“may nahanap ka?” tanong niya. Napangiti na lang ako nang makita ko ang isang kahon na puro kutsilyo. Hinatak ko ito palabas at ipinakita kay Alexandra. Nakipag apir siya sa akin at naghanap na lang muli ako nang mga pwede pang gamitin.

Nangangamoy malansa sa loob pero hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy lang sa kakahanap. Napunta ako sa isang stock room. Sarado ang pinto kaya binuksan ko ito para mas maiging hindi ko na lang pala ito binuksan. Tumambad sa akin ang isang bangkay na dinadaga na. parang matanda ang bangkay at sinadyang ilagay dito.

Napapikit na lang ako at hinatak palabas ang bangkay. Hindi ko na tinawag si Alexandra dahil baka matakot lang siya kung makita ang bangkay. Nang makapasok ako sa stock room ay halos nakapunta na rin ako sa langit nang makakita ako nang iilang flashlights.

“nakita ko ito doon. Tara na at baka makapasok sila dito.” Umalis na kami at itinago ang kahon nang kutsilyo incase na makabalik kami sa cafeteria na ito.

---------

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon