Chapter 1: New Generation.
{ Kyra’s POV }
Nakatayo lang ako dito sa labas ng gate ng school at nakatingin sa napakalaking karatula sa itaas. Sailview High. Kanina pa ako ngiti ngiti dahil sa wakas ay natupad ko na rin ang panaginip kong makapag aral sa prestigious school na ito. Hindi talaga ako makapaniwala na sa wakas ay natupad na rin ang pinaka hinihiling ko sa lahat na makapasok sa ganitong klase na school.....sayang wala siya.
“Iha kanina ka pa nakangiti ka diyan. Pumasok ka na nga. Para kang baliw.” Napatingin ako sa lalaking inis na nakatingin sa akin. Inirapan ko siya at dere-deretsong naglakad papasok pero bigla niya akong hinarangan. Aba at akala ko ba pinapapasok niya ako?
“kanina pinapapasok mo ako ngayon haharangin mo? Ano ba talaga plano mo sa buhay manong? naka hithit ka ba? Kung oo, sige sikreto lang natin.” Bigla niya akong binatukan. Aba nahihimasa si manong ah! Tinaasan ko siya ng kilay at nag cross arms sa harap niya. wala pang nakakabatok sa akin no! Kahit mga kapatid ko o parents ko! Aba at siya ang first? Ewww.
“ch-check ko lang kung may i.d ka miss.” Naka ngiti niyang sabi. Natawa na lang ako ng makita ang kanyang kulang kulang na ipin. Ipinakita ko sa kanya ang i.d ko at nanlaki ang mata niya. Agad niya akong pinapasok ang sinarado na ang gate. Napangiti siyang muli at nagkamot kamot pa sa ulo niyang walang buhok.
“Ikaw pala yan Ms. Vincento. Di ka man lang nagsabi. Hehe. Sigurado po akong inaantay ka na sa loob. ” Ngumiti lang akong muli sa kanya at naglakad na ako papasok ng campus bitbit ang overload sa pink ko na maleta. Napabuntong hininga ako at napapikit para damhin ang malamig na hangin ng may tumama sa akin na bola.
“Walanjo naman yan! Akala mo hindi masakit tamaan sa ulo ah! Eh kung nasira nag beauty ko?! Anong magagawa m----“
“Sorry miss!” napairap akong nagkakamot ng ulo ko na tinamaan. Napalingon ako sa lalaki na nanghingi ng tawad. Oh my! Parang makakalimutan ko nang may kasalanan siya sa akin. He is so hot! Papak sa pawis ang yummy niyang katawan. Ang sarap dilaan---este, ang sarap tignan.
BINABASA MO ANG
Anonymosities: New Generation
AksiA group of teenagers became the toys of the ruthless psycho-gang, Anonymosities. How would they survive the game they don't even know how to play? Cover made by: @sam09zel