Chapter 13: Betrayals.

771 23 6
                                    

Chapter 13: Betrayals.

 

{ Hans’s POV }

Kahit masakit pa ang ulo ko ay pinilit ko ang sarili ko na dumilat. Gusto kong sumigaw pero nakaka putang 69 lang talaga dahil kahit anong gawin ko, alam kong walang makakatulong sa amin. Hindi na ako nagtaka nang makita kong nasa ibang lugar na kami. Mukhang napaghandaan nga ng knights ang lahat ng ito.

Napatingin ako sa gilid ko at si Kyra ang nakita ko. “Kyra ikaw ba yan?” tumingin siya sa akin at umirap pa kahit nahihirapan na siya. Hindi, si Vice ako. Nakikisali sa laro niyo, letse ka Hans.” Tang ina, nasa ganitong sitwasyon na kami, nambara pa.

 “Kyra…can you move your feet?” tanong ko sa kanya. Napairap pa siya at sinubukang maigalaw pero walang epekto. Tali ang ginamit nila sa pagtatali sa kamay namin pero kadena sa paa. May naisip ako. Pero hindi ito magiging madali.

“Don’t worry…pag nakawala ako dito papakawalan agad kita.” Sinimulan ko na ang naiisip ko. ilang beses ko na itong nakikita sa mga movies at sa tingin ko naman gagana siya. Nahawakan ko ang parte nang basag na salamin sa may likuran ko at sinubukang putulin ang tali. Ikiniskis ko ng kiniskis ang matalim na parte ng salamin sa tali.

Tagiktik na nang pawis ang mukha ko at ramdam ko na ang patuloy na pagdurugo ng kamay ko pero hindi ko na lang ito pinansin at ininda ang sakit. Kailangan kong makawala dito….kailangan naming makatakas. Hindi ako makakapayag na mapatay nila kami.

Kahit mahapdi ay pinilit ko pa ring putulin ang tali. Hindi naman ako nabigo dahil natanggal ko na nga ito. napatingin ako sa kamay ko at halos maiyak na ako nang halos lumuwa na ang mga ugat ko sa palad dahil sa lalim nang sugat na idinulot nang basag na parte nang salamin.

“K-Kyra...c-can you c-close your eyes?” masakit man pero kailangan ko itong gawin. Kailangan para makatakas kami.

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon