Chapter 8: Distractions.

931 24 12
                                    

Chapter 8: Distractions.

 

{ Skyler’s POV }

 

Pumasok na ako sa kwarto at hindi na ako nagulat ng siya ang naabutan ko. ngumiti siya sa akin at agad akong niyakap. Alam kong alam niya na matagal ko na siyang pinagmamasdan, mula pa nung unang araw. Alam ko lahat ng plano niya....nila.  ilang linggo na ang nakaraan nang matagpuang patay si Jewel at hindi na ako nagtaka nang pumasok siya sa kwarto ko na may bahid ng mga dugo ang kamay niya.

“Grabe hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.” Ani niya nang naupo ako sa harap laptop ko. ngumiti siya at muli akong niyakap mula sa  likod. Hinalikan niya ako sa pisngi bago magsalita. Mula nung matagpuan ang bangkay ni Jewel, kinutuban na ako. Alam kong itutuloy nila ang plano. Ang larong sinasabi nila. At kailangan ko siyang maprotektahan.....protektahan laban kay Red.

“napaniwala mo si Kyra na…bakla ka.” Nanahimik lang ako. Hindi niya alam  ang totoong plano ko. Akala niya, magiging isa ako sa mga kasama nila. Pero hindi ako ganun...hindi ako traydor. Hindi ako papatay para lang sa isang laro, para sa premyo, at para makaganti. Hindi ako papatay para sumaya. Maraming pwedeng gawin para makamit ang kasiyahan. 

“Panong hindi maniniwala yun eh halos kasing liit lang ng plankton ang utak nun?” natawa siya sa sinabi ko. Sinabayan ko na lang siya sa pagtawa.  Alam kong kung maririnig ako ngayon ni Kyra ay masasaktan ko siya pero ginagawa ko ito upang mailayo siya sa kapahamakan. Upang maligitas ko siya mula sa kamay nila at lalong lalo na sa kamay ni Red.

“Isa ka ring tanga.” Nagulat ako ng bahagya niya akong hinila patayo. Isinandal niya ako sa pader at hinawakan ang kwelyo ng damit na suot ko. Hinalikan niya ako at bakas ang pagiging agresibo niya. napangisi ako at wala na akong nagawa kundi rumesponde sa bawat halik niya.

Kung ang tanging paraan parta patuloy kong ma protektahan si Kyra ay ang magkaroon ng sexual relationship sa demonyong ito, gagawin ko para sa kaibigan ko. Hinding hindi ako magsisisi.

Habang naghahalikan kami ay unti unti niyang ipinapasok sa loob ng shirt ko ang damit  niya. sinabayan ko ang ginawa niya. Kinagat niya ang lower lip ko kaya napasok niya ang dila niya. nakipag spadahan siya sa dila ko. Hinubad ko ang damit niya at ganun din ang ginawa niya sa akin. Nahiga kami agad sa kama.

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon