Chapter 18: The Anonymosities.

705 20 5
                                    

Chapter 18: The Anonymosities.

 

 

 

{ Third Person’s POV }

 

 

 

Kingnaka ngising tawag ni Ethan habang nakangiti. Nasa harapan niya ang King of all Kings nang larong ito kasama ang white pieces. Nasa loob sila nang monitor room at pinapanuod nilang lahat kung anong klaseng laro ang ginawa nang black pieces.

”napaka lame naman nila.” Inis na saad ni Twinkle. Hinagis niya sa gilid ang lollipop na kanina pa nakasaksak sa bibig niya at naupo na lang sa tabi ni Thunder  habang nanunuod nang munting palabas. Ang pagpatayan nang pawns at knights.


“malapit nang ma checkmate ang knights.”
Seryosong sabi ni Black sa kanila. Napangiti na lang si King habang pinagmamasdan ang lahat na naghihirap. Sigawan at iyakan ang namamayagpag sa pawns at knights.

“King, ano ba ang rason bakit mo sila isinali dito sa Anonymosities eh halos lahat sila eh beginners?” maarteng tanong ni Amethyst. Napatingin siya sa ate niyang tuwang tuwa habang pumapatay pero hindi nito maiaalis sa kanya na mas magaling pa rin siyang pumatay.

“Simple lang,” napatingin ang lahat ng whitw pieces sa kanya. Suot niya nanaman ang nakakakilabot na ngiti na nagpatayo nang balahibo ni Ethan. Tumayo na siya at lumabas kaya sumunod sa kanya ang mga knights. “Kasi magkakaibigan sila.” Naiwan silang nakatayo dun.

“Grabe, yung ate ni Mei hindi ako makapaniwalang si Red pala yun? Akala ako talaga si Kyra eh.” Napangisi na lang si Cloud sa sinabi nang kaibigan. Kilalang kilala niya si Mei at oras na malaman niya ito, manghihina siya. Alam nila ang kahinaan nang ‘kaibigan’, ang kabaliwan nang kanyang ate.

“Tara na nga. Amabaho naman dito.” Umalis na sila at iniwan na si Ethan sa loob nang monitor room.

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon