Chapter 5: Wrongdoers.

1.2K 29 10
                                    

 Chapter 5: Wrongdoers.

 

 

 { Lance’s POV }

 

 “This is bullshit! we should call the police!” napapraning na sigaw ni Winter kaya kahit kami ay hindi na namin alam kung ano ang gagawin. Masyado nang madilim at sigurado akong kami ang pagbibintangan pag tumawag kami ng mga pulis. Masama na nga ang pakiramdam ko nagkaroon pa ng ganitong pangyayari. Tsaka sinong hayop naman ang gagawa ng ganito at sa loob pa ng school namin?

“And tell what? Hello mamang pulis, may natagpuan kaming patay and guess what, hindi namin alam kung sino ang gumawa. You won’t arrest us right?! Ano ganyan sasabihin mo?!” inis na sigaw sa kanya ni Hans kaya halos mag away na ang dalawa ng biglang sumigaw si Kyra na halos ikinatahimik naming lahat. Lahat kami napatingin sa kanya ng lumabas ang mga salitang yun sa bibig niya.

“SHUT THE FUCK UP! WALA TAYONG MAHIHITA KUNG MAG AAWAY KAYO! PUTA!” nagulat kami ng suntukin niya si Winter bigla sa mukha kaya napaupo ito at nagpanic ng dumugo ang ilong niya. Napabuntong hininga na lang ako saka nag isip nang maaaring gawin. Hindi ko talaga inaasahang ang mga nakikita ko lang dati sa horror movies ay nangyayari ngayon sa amin.

“Yan! Buti naman at nanahimik kang gaga ka.” Pang iinis pa ni Ashley kay Winter kaya inirapan lang siya nito at humikbi na lang dahil na rin siguro sa sakit ng suntok sa kanya ni Kyra. “L-let’s hide this body.” Kabadong sabi ni Shin sa amin. Nagkatinginan muna kami bago isa isang tumango. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin namin pero sa tingin ko naman hindi niya ito isusuhestyon kung ikakapahamak lang pala namin.

Kaming mga lalaki ang humatak sa katawan habang ang mga girls ang nagsilbing ilaw sa daan namin. Akay akay ko pa si Deacon sa likod ko kaya medyo nahirapan kami sa paghatak sa patay. Nang maabot namin ang may di kalakihang ilog sa ibabang parte ng mini forest ay doon namin ipina anod ang katawan. Ibinaba ko si Deacon at nagpahinga kami. Matagal naghari ang katahimikan bago nagsalitang muli si Alexandra.

“W-we should  really make a pact about this…” sambit muli ni Alex sa pangatlong beses. Napabuntong hininga si Alexis at agad na humarap sa kanya. “what pact?” kuryus niyang tanong. Nagsilapitan na ang iba sa amin kahit sila Winter at Jewel. Hindi ko alam kung seryoso ba sila sa mga pinagsasabi nila. Kung ano ano na ang naiisip ko dahil sa mga nangyayari sa amin ngayon. Hindi kaya, nagkatotoo na ang mga horror movies?

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon