Chapter 20: Decoy.

645 16 4
                                    

Chapter 20: Decoy.

Lance’s POV

Hindi na ako magkanda ugaga nang paglaruan ni Ethan at Garnet si Ashley habang nakatali siya. Pinagsasampal, sinusugatan at dinuduraan. Lahat na ginawa nila kay Ashley. Tahimik na tulala na lang si Ashley habang sinasabunutan siya ni Garnet.

“PUTANG INA KA BITAWAN MO SIYA!” pilit akong kumakawala pero napakahigpit nang pagkakatali nila sa akin.  Napayuko na lang ako at nagsimula nang tumulo ang luha ko. nakakainis naman, naiiyak nanaman ako. Tss.

“Alam mo, dapat iniingatan ka talaga.” Tinulungan ko siyang makatayo, tanga tanga kasi kaya nadapa nanaman. Pinagtawanan niya lang ang sarili niya pero agad na natahimik nang dumugo ang tuhod niya.

“huhu mamamatay na ako! WAAAAA!” sinapok ko na lang siya kaya napapout siya. Natahimik siya pero patuloy sa paghikbi. Unang beses niya kasing matutong magbike kahit 3rd year highschool na kami. Lumuhod ako sa harapan niya at nilagyan nang band aid ang sugat.

“Yan kasi hindi ka nagiingat.” Sabi ko sa kanya. Napahikbi na lang siya muli. Ako na lang ang nagpaddle nang bike at inangkas siya. Sembreak namin ngayon at nasa probinsya nila Ash kaya dinala ko na lang siya sa may pantalan.

“kahapon pumunta ako dito, ang ganda panuorin ng sunset.” Sabi ko sa kanya. Bumaba na siya sa bike at ipinark ko muna ito. bumaba kami sa hagdan papuntang dagat at doon naupo. Dito kasi minsan nag d-dock ang mga riverboats patawid sa kabilang island.

“alam mo,” sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. Napangiti na lang ako nang magsimula nang mag kulay orange ang langit. Mags-sunset na.

“Ano?” nagkatitigan kami nang ilang segundo pero ako ang naunang umiwas nang magsimula nang lumubog ang araw. “p-protektahan kita kasi mahal kita.” Natahimik siya bigla at napayuko. Natawa na lang ako. Ayokong ipakita na nasasaktan ako.

“mahal kita bilang kaibigan! Wag ka ngang feeler!” sabi ko na lang sa kanya. Bahagya siyang napangiti at hinampas ako. Pansin mo ang pagiging pink nang pisngi niya.

“Wala naman akong sinabi ah!” pagdedepensa niya.

“eh kahit na! crush mo ako no? aminin mo na!” nagtawanan at nagkulitan lang kami hanggang sa tuluyan nang makalubog ang araw. “Promise mo yan Lance, ha? You will protect me no matter what happens.” Naka ngiti niyang sabi. ngumiti na rin ako at tumango. “promise.”

Nabalik ako sa realidad nang marinig muli ang pag-iyak na ashley, tanda na nasasaktan o nahihirapan siya. Napatingin ako at nakitang ikinadena nila si Ashley habang punong puno na ng sugat. Mas lalong kumulo ang dugo ko nang inaamoy amoy nung gagong Ethan na yun ang nasabunot niyang buhok ni Ashley.

“Putang ina mo! Humanda ka lang na makawala ako dito papatayin talaga kitang gago ka!” pero pinagtawanan lang nila ako. Hinawakan nung ethan si Ashley nang marahas sa pisngi at iniharap sa akin. Bakas ang paghihirap sa mukha niya at namumutla na siya.kailangan kong makaisip nang paraan…

“so let me guess, kami ang na checkmate?” hindi ko alam kung gagana ba ang nabasa ko na trick the killers by talking. Kailangan ko silang ma distract pansamantala habang kinakalagan ko ang pagtatali nang kamay ko gamit ang parte nanag basag na salamin na kakapulot ko lang.

“tanga ka ba, malamang. Paano kami ma c-checkmate eh nakatayo pa kami sa harapan niyo?” nakangising sagot ni Garnet. Nagtimpi na lang muna ako at nag isip nang mga maaaring sabihin. “So what’s your motive? Every killer has a motive.” Sabi ko na lang sa kanya. Ibinulsa niya ang kutsilyo at lumapit siya sa akin.

Anonymosities: New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon