Chapter 8

9 1 0
                                    

Title: Jealous


Jacob Pov

Nasa canteen na kami ni Marge at bigla nalang tumakbo sila Mia samin

"Marge, nandito si Ga----" di natapos ni Mia ang sinabi niya dahil may nagsalita sa likod.

"Nandito ako" sambit ng isang lalaki sa likod namin ni Marge, matangkad siya at gwapo.

Napabitaw si Marge sa pagkakahawak ng kamay namin.. medyo na saktan ako.. bf niya ba to?

"Marge, come here" hinila niya si Marge, sino ba to? may bf na pala siya.

"teka lang" bakit parang takot si Marge, medyo naiinis ako kasi nasasaktan si Marge sa pagkakahawak sa kanya.

Hinawakan ko ang braso ni Marge at hinigit papunta sakin.

"let go of her" kahit bf siya ni Marge wala siya karapatan para saktan siya.

"and who do you think you are?" at hinila ulit si Marge papunta sa kanya.

Naghihilaan kami kay Marge, nakita ko ang mga friends namin na left and right ang tingin samin, nakatingin sila kung saan napupunta si Marge sa hilaan namin.

"teka, what's going on" isa pa tong si Thunder epal.

"bitaw na Jacob, sasama ako sa kanya" at binitawan ko na siya. Masakit, pero bakit ganun.

nag-angatan kami ng ulo nung lalaki face to face gustong gusto ko na siya sapakin.

"tara na, Gareth" so its Gareth, gago kang lalaki ka.

Tumingin pa siya ulit sakin at ngumiti ng nakakaloko..

"boyfriend niya ba yun?" rinig ko na tanong ni Thunder pero tinignan lang kami ni Mia at di sumagot.

Sinundan ko sila patago at hatak hatak niya si Marge sa guest locker room ng school. Narinig ko na sabi ni Marge.

"Gareth please"

"Marge naman eh, wag ka naman pasaway, nandito ako tapos ganyan ka, sino yun mga yun ha?" bf nga niya ata talaga to. Nasasaktan ako masyado, pero nananatili ako para pakinggan sila.

"sasabay na ako uuwi sayo mamaya" takot ang boses ni Marge.

Umalis na ako kasi nasasaktan na ako.. baka masira ang game mamaya.. bakit di ko alam na may bf na siya.

Bumalik ako sa kinaroroonan ng team, nasa gym na pala sila at naka ready na. Nilapitan ko si Mia,

"Mia, bf ba ni Marge yun?" tumingin muna siya kay Nate at saka sumagot.

"ahh, bakit di mo itanong yan kay Marge, si Marge lang ang makakasagot sayo niyan"

Ito naman si Mia, nahawa na yata kay Nate na mahilig sa palaisipan. Umalis na si Mia naghanap na ng pwesto sa audience bench, bawal kasi siya sa players bench at tumabi na si Marge sa kanya na kakarating lang.

Naupo ako sa bench at tinignan ko ang mga players. Kakarating lang din ni Gareth.

Basta di ako magpapatalo sa game na ito, natalo na ako kay Marge pero this time sa game never.

"mukhang hindi pala si Thunder ang karibal mo" bulong ni Nate sakin. Pinapainit lang ni Nate ang ulo ko..

Nagstart na ang game.

Prrrriitttttttttttttttttttttt..............

JUMP BALL...

Nag umpisa na ang laro..

The Boundaries of DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon