Chapter 15

4 0 0
                                    

Title:  Just a Moment

Marge Pov

Papalapit ng papalapit na ang contest.. kinakabahan ako although I practice a lot.. di ko pa rin maiwasan ang mag-isip.

"Marge.. what's with the sad face?" nagulat ako at biglang sumulpot si Jacob sa harap ko..

" just thinking about the contest.. kinakabahan kasi ako"

"kaya mo yan ikaw pa.. nagawa naman natin ng maayos ang sayaw natin di ba"

"oo nga, pero paano kung magbuckle ako.. di ako makasagot sa question and answer ng judges? Paano kung bigla ako madapa habang ng lalakad? Paano kung---" di ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang siya nagsalita si Jacob.

"sshhhh.... hindi mangyayari yun.. magaling ka at nandito kami susuportahan ka.." napabuntonghininga ako..

"oo nga pala, paano mo nalaman na nandito ako?" takang tanong ko sakanya kasi dito ako nagpupunta kapag gusto ko mapag-isa.. sa park ng mga grades school dito sa University kasi kapag hapon na, wala na masyadong students.

"kanina pa kasi kita hinahanap.. nagtanong ako kay Mia at sabi niya try ko daw sa park ng grades school .. dito ka daw nagpupunta kapag nag-e-emo ka" natatawang sinabi niya.

"si Mia talaga.. di naman ako nag e-emo eh.. need ko lang kasi mag isip kaya, ayun" nagkibit-balikat ako at natawang tumingin sa kanya.

"ang cute mo talaga.. halika na nga" kurot niya sa ilong ko at hinila patayo.

"masakit yun ah.. hehe.. saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"basta sumama ka lang sakin"

Sumakay naman kami sa kotse niya at nagsimula na siyang magdrive.. Medyo matagal na din ang biniyahe namin.

"Jacob saan ba tayo pupunta masyado na yata malayo ang nararating natin?"

"itatanan na kita Marge" seryoso niyang sabi.

"baliw.. seryoso ka?" nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"bakit.. natatakot ka ba?" sabay lapit din ang mukha niya. at bigla ako umayos sa pagka-upo.

"eyes on board Jacob... uwi na tayo" galit ko na sabi

"hehe.. kaw naman di na mabiro malapit na tayo sa pupuntahan natin" sabay bawi sa mga sinabi niya.

"sira ka talaga.." at pinalo ko ang braso niya.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.

"Were here" masigla niyang sabi

"wow Jacob.. how did you know this place... ang ganda" sabi ko sa kanya, kita ko ang buong city.

"you like it.. dito ako nagpupunta para marelax ako.. medyo malayo ng konti sa city, pero sulit naman"

Kumuha siya ng kumot mula sa compartment ng kotse niya.. nilatag niya ito at doon kami naupo at sumandal sa malaking puno na nasa likod namin.

"its getting late Jacob" bulong ko sa kanya.. habang nasa harap niya ako at nakayakap naman siya sa likod ko.

"yes, but let's wait.. for the cities surprise" napatingin naman ako sa kanya...

Nakita ko ang pagbaba ng araw mula sa langit at unti unting dumilim ang paligid.. nakita ko na isa isang nagsisindihan ang mga ilaw mula sa mga buildings at mga kabahayan sa city..

"wow ang ganda pala ng city kapag gabi na.." masayang sabi ko..

"you like it? Sabi ko sayo eh.. napakaganda ng siyudad... masarap pagmasdan mula sa pinakatuktok na lugar" sabay halik niya sa bunbunan ko.

The Boundaries of DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon