Chapter 2

1K 29 7
                                    

Chapter 2.2



Sobrang busy naming lahat. Nag-request kasi si Mrs. Lee na sana matapos na ang bahay nila in 5 months. Hindi naman yun madali! Duh 5 months?! Isang bahay na napaka daming checheburetche?! Hay naku! Ewan ko nalang.

Pero dahil Class B siya, sinusubukan nalang namin. Big project na rin kasi ‘to.

“Ms. Dream, pwede ba tayong mag-meet? May gusto lang kasi sana akong ipadagdag sa stairs.” -Sabi niya sa telepono. Nasa suite ako ngayon dahil inaayos ko ang mga kaylangan nilang designs para bukas. Sobrang bangag na ako.

Ms. Dream. Binigay nila ito bilang nickname ko dahil tino-totoo ko daw ang mga pangarap nilang bahay. Ewan ko ba. Ang O-OA nila. Sinusunod ko lang naman ang description na gusto nila, eh. Pero in fairness, nakaka-flattered naman.

“OK ma’am. Saan po ba?” -Tanong ko.

“Dito nalang sa Cafe’Tea. I’ll be there in 10 minutes. Kaya mo ba?” -Ano daw?! 10 minutes?! Diyos ko! Tapos Cafe’Tea pa? Eh labas pa ‘to ng subdivision, ah? Haist!

“O-opo. Pero baka ma-late po ako ng kunti. Nasa tower po ako ngayon, eh.” -Sagot ko.

“Ah ganun ba? It’s OK. Hihintayin nalang kita doon, Ms. Dream.” -Buti nalang at mabait si Mrs. Lee. Nakaka-hassle nga lang.

Inayos ko nalang ang mga bagay-bagay na sinusubukan kong tapusin para sakanya. Pagkatapos kong maayos, bumaba na ako at pumunta sa Cafe’Tea.

Napaka-hilig talaga ni Mrs. Lee sa Cafe’Tea. Sobrang loyal na customer. Imaginin mo ha, ang dami-dami na ngang cafes at teas dito at sa labas ng subdivision, doon pa talaga sa maliblib na lugar ang gusto na.

Pero hindi ko naman siya masisisi. Napakasarap naman kasi ng mga benta nila roon.

Sobrang sikat yun eh. Sa dami ng may paborito at gustong matikman ang mga nasa menu nila, dumadayo pa talaga.

I drive as fast as I could. Nagdasal nalang ako na sana walang nakahagip na camera sa pagpapatakbo ko. Kundi isa na naman iyong problema.

Magkakakaso pa ako dahil kay Mrs. Lee.

“Have a Cafe’Tea….” -Lumapit ako ng kunti doon sa may pintuan nila para basahin ng buo. Maliliit kasi yung kadugtong niya. Kung hindi ka lalapit, yung Cafe’Tea lang ang mababasa mo. “While waiting.” -Huh?

Napakunot nalang ako ng noo. Ang weird naman ng place na ‘to.

Para lang siyang bahay sa loob ng isang liblib na kakahuyan. May mga halaman pa nga na kumalantay na sa dingding nila, eh. Pero maganda naman ang naging outcome niya. Ang peaceful tignan.

Siguro tahimik na naghihintay yung may-ari nito. I mean, ano kaya ang inspirasyon niya para nakagawa ng ganitong business?

Ah, ewan.

Pumasok ako sa loob at agad kong nakita si Mrs. Lee na busy’ng-busy'ng umiinom ng kape.

“Ohh! You’re here na.” -Nagulat siya ng nakita niya agad ako. ‘hehe’ nalang ang naging sagot ko. “Ba’t ang bilis mo, hija? No way! Hindi mo naman siguro pinalipad ang sasakyan mo diba para makarating agad?” -Nagbabakasakali niyang saad. Napakamot nalang ako ng ulo.

“S-Syempre hindi po! Hehe. Ano ka po ba, mabilis ako kasi wala pong traffic.” -Pagsisinungaling ko. Medyo OA din kasi si Mrs. Lee minsan. Caring yan sa ibang tao, eh. Sobra.

“That’s a relief then.” -At huminga siya ng maluwag. “Anyway.. about the house.” -She opened up.

Tumango-tango naman ako sabay sabing “Yes po. Ano nga po pala yung gusto niyong ipadagdag?” -I asked shamefully ng nakaupo na ako. Ngumiti naman siya.

“Can we add a slide?”

“Slide?” -Agad na tanong ko pabalik. Medyo malakas pa nga ito eh. Paano ba naman kasi?! yung house nila gustong lagyan ng slide? Yung totoo Mrs. Lee?!

“Yes. Yes. Sa tabi mismo ng stairs. Syempre. Para may paglaruan na rin yung mga bata.” -She explained. Napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko naman kung ano na.

“Ah ganun po ba.” -Nag-isip ako kung possible ba yung sinasabi niya. And yes, pwede naman. So tumango ako. “OK. Mukhang kaya naman po. Anong klaseng slide po ba? Straight? Spiral? What?”

We talked about the designs for an half hours. Syempre dapat I-clarrify niya kung paano para wala ng magkamali. Hindi pa naman ganun kadali yung hinihingi niya.

In the middle of our closing discussion, bigla nalan tumawag si CL. Hindi ko na sana sasagutin iyon dahil busy ako pero nakita kong higit sa 20 na ang message ni Minzy at Bom.

I felt nervous in an instant.

Nagpaalam ako kay Mrs. Lee para sagutin agad ang tawag ni CL. Hindi pa man din ako nakakapag-hello, nagsalita na siya agad.

“Bom was accident!” -Nanlaki ang mata ko.

“What?!” -Sigaw ko. Bigla ko tuloy nakuha ang mga atensyon ng mga tao dito.

Sino ba ang sisisihin ko? Sobrang tahimik kaya ng lugar na to. As in mga huni ng hayop lang ang naririnig.

“S-Sorry. Sorry. Sorry po.” -Hingi ko ng tawad sakanila.

Agad kong binalikan ang tawag ni CL at tinanong kung nasaang hospital sila ngayon.

Nagpaalam na rin ako kay Mrs. Lee at sinabing emergency. Buti nalang at naintindihan niya kaya agad rin niya akong pina-alis.

“OK. OK. I’m coming. Hintayin---ayy!” -Dahil sa sobrang pagmamadali, dire-diretso nalang ako ng lakad. Sobrang lakas ng pagkagulat ko ng biglang may lalaking papasok sa Cafe’Tea.

Parang three meter hall kasi itong pasukan nila at madilim. Para siyang tunnel kaya nagulat talaga ako ng biglang may sumulpot sa harapan ko.

Actually, I have a trauma in dark places. Ayaw na ayaw ko sa mga lugar na madidilim. Bigla nalang sumisikip ang dibdib ko at hindi makahinga. Siguro dahil yun sa nangyari samin five years ago.

Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko yun namalayan. Siguro dahil sobra ang pag-aalala ko kay Bom kaya hindi ko na napansin na madilim pala ang nilalakaran ko.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at hinintay ang sariling bumagsak sa sahig. Hinihanda ko na rin ang puwet ko dahil alam kung sasakit ito dahil sa pagbagsak ko.

Pero ilang segundo ang lumipas, naramdaman kung may sumalo saakin.

Idinilat ko ng dahan-dahan ang kanan kong mata at laking pasasalamat ko nalang ng sinalo ako ng kuyang biglang sumulpot.

Tuluyan kong idinilat ang mga mata ko at tinignan siya.

Mukha siyang pamilyar.

Nanlaki ang mata niya ng nagtama ang mga tingin namin. Tinignan niya lang ako ng hindi gumagalaw.

Mukhang hindi na rin niya namamalayan na nakahiga ako sa mga braso siya.

Parang nawala ang tamang pag-iisip niya ng nakita niya ako.

Well.. Hindi ko naman siya masisisi kung nabighani siya sa taglay kung ganda. Hindi ko naman kasalanan na ganito ako. I was born this way. Spare me.

Ayaw ko namang ipagkait ang binigay ng Diyos saakin pero I’m in rush. Kaylangan ako ng kaibigan ko.

“Hey?” -Itinaas ko ang kamay ko at iwinagayway sa tapat ng mukha niya. Ni hindi man lang siya kumurap. Mukhang tutok na tutok siya sa mukha ko. “O-OK ka lang po ba?” -Hinawakan ko siya sa balikat, bigla naman siyang kumurap-kurap. Iniling-iling niya ang kanyang ulo at tinignan ako ulit.

OK? Bakit parang ang weird niya? At isa pa.. ang awkward kaya ng itsura namin. Akala mo naman contestant kami sa labanan ng poses sa ballroom.

At dahil masakit na rin yung balakang ko, “P-Pwede bang itayo mo na ko?” -I awkwardly said. Ni hindi ko rin maikapit yung kamay ko sa braso niya. Nakakahiya kasi eh. Hindi ko naman siya kilala.

“Huh?” -Wala sa isip niyang sagot.

“Ako. Itayo mo. Now na.” -Ulit ko. He snapped out in an instant. Salamat naman. “Thank you.” -I said while fixing my dress.

“San--”

“G!” -Napalingon kaming dalawa ng may sumigaw. “Nandyan ka na pala.” -Napakunot ang noo ko ng napagtanto na hindi pala yung sigaw kundi tinatawag pala nila itong lalaking nasa harapan ko.

Napatingin ako sakanya. “G?” -I repeated what the man at my back said.

G ang pangalan niya? Seriously?

“T-Tol! Tara na sa loob. Hinihintay ka na ng barkada.” -Inakbayan siya ng lalaki at hinila papasok. Pero bago sila lumagpas sa kinatatayuan ko nagsalita siya.

“Nice to si you again SD..”
-

MPITA II: Destined For You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon