Chapter 19

583 21 0
                                    

U n e d I t e d


Chapter 2.19



Ilang minutong katahimikan.



Wala ni isa ang nagsasalita saamin.



Tinititigan ko lang siya sa mata at ganun din siya.



"Ano?" -Tanong ko matapos ang mahabang minuto. Nakatulog na nga si Louis sa sobrang katahimikan.



He sigh. A very deep one.



"Who am I?" -He started by asking me. "I can answer that. But who am I TO YOU? Ikaw lang ang makakasagot 'non." -Mas lalong gumulo ang isip ko dahil sa sinabi niya.



Ako? At bakit naman ako? Ni hindi ko nga siya -- Teka..



"Anong.." -Gusto kung sabihin kong ano itong naiisip ko pero hindi ko kayang magsalita.



"Tama ka. Ikaw lang ang makakasagot kung sino ako para sayo. Because honestly? I don't even know who am I now." -He said sadly. Ramdam na ramdam ko na nasasaktan siya.



Pakiramdam ko nga ako yung dahilan kung bakit siya nasasaktan.



Hindi nalang ako sumagot. Yumuko nalang ako at pinigilan ang sarili kong wag umiyak.



Gulong-gulo na ako.



May part na gusto kong malaman na isa siya sa mga taong nakalimutan ko pero may takot din dahil pakiramdam ko ay sinaktan niya ako noon.



Hindi ko na alam.



Ang gulo-gulo na.



Ngayon. All I want is to know the truth. Baka kasi siya ang makapag-sabi saakin kung ano ang nangyari five years ago.



Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa alam kung bakit nangyari yun sa parents ko.



And to find that, dapat malaman ko muna ang lahat. Lahat-lahat ng detalye.



Kaya kaylangan ko siyang malaman. Kaylangan ko ang tulong niya. Ayaw kasi nila CL na sabihin sakin ang totoo.



Hindi man nila sinasabi pero alam ko na marami silang tinatago tungkol sa past ko.



Yes. Maybe they're doing this to protect me but I need the truth for my parents' justice.



"S-sorry. Gusto ko lang namang--"



"Daddy.." -Natingin kaming dalawa sa gawi ni Louis ng nagsalita siya. Kaylan pa siya nagising?



Tumayo siya habang hawak-hawak niya phone at binigay ito kay Daddy niya.



"Si Mommy po." -Agad nanlaki ang mata ni Mr. Kwon.



"What?!" -Mabilis niyang kinuha ang cellphone at sinagot ito. "Hello?" -Usap niya. "Ano?! How did you--?! What?!" -Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Hindi ko kasi marinig ang sinasabi ng asawa--I mean mommy ni Louis.



"Sh*t!" -Nagulat ako ng bigla siyang napamura.



"Sir! Nasa harap ka ng bata!" -Bulyaw ko sakanya. Tinignan niya lang ako saglit pagkatapos ay binuhat agad si Louis.



"We need to go. Let's just talk some other time." -Agad niyang sabi. Naguluhan naman ako doon.



Ganito ba siya ka-excited? Tumawag lang yung asawa niya, mang-iiwan na agad? Hay.



Ni hindi na ako nakasagot dahil agad-agad siyang umalis.



Para siyang nakatapak ng baga.

MPITA II: Destined For You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon