Chapter 21

623 23 6
                                    

[A/N: I was so damn busy and I don't know what to do! I was suppose to update last night but my laptop shut down. Badtrip diba? Buti nalang kahit di na-save, nandun pa rin yung na-type ko. Susme. Kaloka.

Anyway! Tinatamad na naman akong nag-post! Boost me guys! Inspire me! Lol. Haha.

I'll start to end this story. Enjoy :) ]







Chapter 2.21

Litong-lito ako sa mga pinagsasabi nila. Gayun pa man, isa lang ang mako-kompirma ko.

Na si Mr. Kwon ay si GD. Ang ex boyfriend ko.

Hindi ko pinahalata sa kanila na wala akong alam. I forced myself to stand and face them kahit na sobrang nanginginig ako.

Nalilito silang nakatingin saamin. Siguro dahil sa pagtawag ni Louis sakin bilang mommy.

Huminga muna ako ng malalim para sana kumuha ng lakas ng loob pero biglang nagtanong si Louis. Panira din ang batang ‘to eh no?

“What do you mean mga Tito? Mommy don’t remember anythi--” -Agad kong tinakpan ang bibig niya. Hindi niya pwedeng sabihin. May dapat muna akong malaman.

“W-wala! D-don’t mind this kid. Hehe.” -I said stupidly. Oo, for sure mukha akong stupid doon.

Kinausap ko si Louis at pinalabas muna siya. I told him to go to his room. Louis is smart at nice kaya sinunod niya ako agad.

Ng nakaalis na siya, inayos ko ang sarili ko at hinarap ulit sila.

“So..” -Umayos sila ng tayo at tinignan ako ng seryoso. “Ano? Na si Mr. Kwon ay si GD? Si GD, na ex ko?” -Tanong ko sakanila. Seryoso, sobrang nanginginig ako at kinakabahan pero pinipigilan ko lang.

Some part of my head wish that he wasn’t but my heart prays yes. Hindi ko na alam.

But all I want is the truth. Siguro mas maganda na rin ito.

Hindi sila nakaimik.

So tama ako? Tama kaya ako?

I cough and acted as if I forced a smile. “Boys come on. I know na. Just.. Just don’t deny things. Hindi yun nakakatulong--”

“Oo na. Siya nga yun. But Dara, walang masamang ginawa ang kaibigan namin.” -Depensa ni TaeYang sa kaibigan niya. Napakunot ako ng noo pero agad ko rin itong binura.

So tama nga ang hinala ko na kaya nila tinatago ang ugnayan namin ni Mr. Kwon ay dahil nakagawa siya ng kasalanan noon?

Ang tanong… Ano yun?

I remained silent. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil wala naman talaga akong alam. Nagpapanggap lang ako.

“I…” -I said as if I want to say something. Pero ang totoo wala talaga akong isasagot!

“Just hear him out.” -SeungRi.

“Things happened not because of all will.” -DeSeung.

“You and him is just a victim.” Top.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nila. Hindi naman nila sinasabi kung ano ang nangyari noon, basta ang gusto lang nilang iparating, walang kasalanan si Mr. Kwon.

At ano daw? Biktima lang din si Mr. Kwon? Saan naman?

Argh! Akala ko makakatulong sila! Mas pinalala lang nila ang sitwasyon!

Wala ng nagsalita saamin.

Hinihintay nila ang magiging sagot ko.

Now what? Ano nga ba ang dapat kong sabihin?

I sigh. A very deep one.

I need courage.

“Honestly.. I.. I don’t fully recover my memory yet.” -Pag-amin ko. I stared to them and they all look fooled. “Look, hindi ko naman si--”

“Ssshh!” -SeungRi shut me up.

“So you mean..” -Hindi matuloy-tuloy ni DeSeung ang gusto niyang sabihin. Nakaturo siya sakin habang palaki-laki ang mga mata.

Napakagat labi nalang ako at napayuko sa sobrang hiya.

“S-sorry.” -I apologized. Hindi ako makatingin ng deretso sakanila.

Napahilamos nalang sa mukha si TaeYang.

Are they mad?

Inayos ko ang sarili ko para sana humingi pa ng despensa pero biglang may sinabi si Top.

“Don’t worry. Tama lang naman ang ginawa natin.” -Saad niya na siyang ikinagulat namin. “You can’t live in lies forever. Kahit na maayos na ang buhay mo, I know na binabagabag ka pa rin ng memory loss mo.” -He stated a fact.

I can’t help but to agree. Tama siya sa lahat ng punto niya.

“All I need is closure.” -Sabi ko. “Gusto kong malaman ang lahat ng nangyari. Lahat ng mga detalye. Lahat. I want my memory back.” -I said. Almost cry.

Kapag naaalala ko yung parents ko na nakahimlay 6 ft on the ground, na wala man lang justice, hindi ako mapakali. And I will never settle.

“Thank you and sorry.” -I sincerely said. Tumango lang si Top at TaeYang samantalang napabuntong hininga naman yung dalawa.

“Sa tingin mo ba ganun-ganun nalang yun?” -Napalingon ako kay TaeYang dahil sa sinabi niya.

“H-huh? A-anong..”

“You fooled us. You should pay the prize.” -He said. Slowly walking towards me.

“Yang..” -Naguguluhang saad ni SeungRi.

Hindi niya pinansin ito at lumapit lang sakin. Ng nakatayo na siya sa harap ko, bigla akong kinabahan. Paano, napaka-seryoso ng mukha niya.

Titig na titig siya sa mukha ko. I was so nervous too. But this nervous fades away when he suddenly smirked.

What the?

“Dahil pinag-tripan mo kami, you should pay the consequences.” -He said. Napakunot naman ako ng noo.

“What consequences?” -I asked.

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Louis.

“Him.” -Turo niya sa bata.

“Him?” -I asked back. “Ano namang gagawin ko sakanya?” -Kunot noo kung tanong. Pati ba naman ‘tong bata idadamay niya sa trip niya?

Nagkibit balikat lang ito. “Since your the mommy, you should look for your child.” -He said then wink.  Narinig ko namang nagsi-ngisian naman yung mga kaibigan niya sa likod.

“What?! Bakit ako? Anong silbi niyo? Tyaka asan ba ang daddy niya?!” -Sunod-sunod kong tanong.

Ano? Gagawin ba talaga nila akong babysitter for real?! as in?!

“Wala ang Daddy ni Louis. May biglaang lakad sa states.” -Sagot ni DeSeung sa tanong ko habang papalapit sila samin. Napakunot na naman ako doon.

“Good idea yun TaeYang a.” -Ngi-ngisi ngising usap ni Top sakanya.

“Louis.. Gusto mo bang sumama kay Tita Dara -- I mean mommy mo?” -mas lalong kumunot ang noo ko.

“Teka.. Teka.. Anong--” -Hindi na ako nakapagsalita pa dahil agad na tumango-tango si Louis at nagsisisigaw sa sobrang tuwa.

“Of course Tito! I always wish to lay down beside a mommy!” -Galak niyang saad. The feels of refusing suddenly fade. Sa halip, mas nakaramdam ako ng awa kay Louis.

Is this how bad he long for a mother? Big time.

Mas na-curious tuloy ako kung ano ang problema sa pamilya niya. Naglalaro sa utak ko kung ni minsan ay nakasama ba niya ang mother niya.

“Mommy, wait me here, I’ll just pack my bags!” -Gilgil niyang paalam sakin. Wala na akong nagawa pa kundi ang tumangu-tango at sumang-ayon sakanilang lahat.

Ng nawala ang bata, sinamaan ko sila ng tingin. I can bear being a babysitter! I never imagined myself being like this!

“Come on! Bear with us! Wala kaming alam sa pag-aalaga ng bata!” -Sabi ni TaeYang sakin. Sinimangutan ko nalang siya.

“Sorry Dara. Just look for Louis OK?” -Mahinahong pakiusap naman ni Top sakin. Himala ata at siya ang pinaka-maayos kausap ngayon.

“Oo Dara. Two days lang naman eh.” -Hagikgik na saad ni DeSeung. Napalaki naman ang mata ko.

“2 days?!” -Hindi ko maiwasang mapasigaw sakanila.

What the heck!

“Come on! Akala mo naman dalawang buwan yun! Kaya mo yan!” -SeungRi cheered me up.

“Paano?! Eh ano nga ba ang alam ko sa pag-aalaga ng bata?!” -Bulyaw ko sakanila. “Saan ba kasi nagpupupunta ang ama nito?!” -Medyo inis kong tanong. Hindi ko alam kung naiinis ako dahil sa pag-iwan niya sa anak niya o naiinis ako dahil hindi ko siya makikita ng dalawang araw.

Ah, ewan.

Nagkibit balikat lang silang tatlo. Kunyari ay walang alam.

Sus! Pinag-tatakpan lang nila ang kaibigan nila. Mga ‘tol, gawain ko rin yan uy!

Ng nakalabas na si Louis dala-dala ang isang backpack, kinuha nito ni Top at binuhat.

Hinatid nila kami sa kotse.

“Behave OK? Always be a good boy.” -Bilin nila. Tumango-tango naman agad si Louis habang may malawak na ngiti sakanyang mga labi.

That made me smile. At least alam kong masaya siya na sumama saakin. Hindi naman siya makulit kaya for sure madali lang ang pag-aalaga sakanya.

Wala naman akong choice kundi ang kunin siya kaysa naman iwan siya sa mga lalaking ‘to. I don’t mean that I don’t trust them. It’s just that, it’s kinda to risky. Baka mapabayaan pa nila si Louis.

“Of course Tito TaeYang! I am always a good boy!” -Masaya niyang sagot na siyang nagpangiti saaming lahat. Totoo naman eh. He is not hard to please.

“Good.” -Ginulo ni TaeYang ang buhok niya.

Pinaandar ko yung sasakyan at nag-paalam bago umalis.

Lord, sana naman tamang choice ang pagkuha ko sa batang to.






[ SeungRi’s POV ]

“Mga ‘tol ang tatanga lang natin! Putangina!” -Napahilamos ako sa sarili kong mukha. Hindi ko rin maiwasang magmura ng sunod-sunod.

Paano, alam na ni Dara na si GD at JiYong ay iisa! Lagot kami nito kay GD pag-magkataon!

“Napaka-daldal niyo kasi!” -Sisi ni TaeYang.

“’Bat ako?! Si DeSeung kaya!” -Turo ko naman kay DS. Siya naman talaga ang may kasalanan eh!

“Don’t blame me! Si Top kaya ang unang nagtanong!” -Depensa naman niya. Napaisip ako.. Tama siya!

“Ikaw kasi!” -Sabay-sabay naming bulyaw sakanya. Napatakip nalang siya ng tenga at umirap.

“Ano ba kayo, hindi ba kayo naaawa sa tao? Mukha na silang tanga.” -Top stated a fact. Hindi kami naka-sagot.

Tama kasi siya.

Noon, ilang beses na pabalik-balik si CL dito. Lagi kaming binabantaan na wag na wag ng lumapit kay Dara. Pero ito namang si GD, walang pakialam.

Ano nga ba ang magagawa namin? Eh sa In love yung tao eh. Kaya pinabayaan nalang namin siya.

But I can’t blame CL too. Alam naman naming prino-protektahan lang niya si Dara. Ayaw niya lang ulit itong masaktan.

But for Dara’s part, this is unfair. Too unfair to agree with. Dapat malaman pa rin niya kung ano ang totoo masaya man o masakit. Yun ang totoo, eh. Ang dapat lang niyang gawin ay tanggapin iyon.

“Guys, let’s just let Dara know the truth OK? Don’t worry. Hindi naman na tayo makiki-alam eh. Tama na yung sinabi natin sakanya. That’s already a big help.” -He said. Again, tama na naman siya.

Wala na kaming nagawa pa kundi ang tumango sa sinabi niya. Wala na, eh. Tapos na.

Na kay GD at Dara nalang ang desisyon kung ano ang mangyayari.

Just believe in love.
-

MPITA II: Destined For You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon