Chapter 16

645 25 5
                                    

[a/n: Pixxies Mianhe. Sobrang naging busy lang sa school at nawalan ng time sa pag-type. Nawalan rin ako ng load kaya di maka-update! Haha. Sana magustuhan niyo to. <3]

Chapter 2.16

3:00 AM na ng umaga pero hindi pa rin ako makatulog. Kahit anong gawin kung pikit, wala pa rin.

Hindi kasi matanggal sa utak ko yung ginawa ni Mr. Kwon.

Did he really do that for real?! For me?! Kung tutuusin nga pwede siyang mamatay eh! Kaya bakit?!

Ilang beses na ring nagpabalik-balik yung nurse at pulis dito. Nagtatanong sila kung ano yung nangyari.

Wala akong masagot dahil ang labo ng mga nangyari. Maybe because of shocked na rin siguro. Masyado kasing mabilis ang mga nangyari.

Napalingon ako sa gilid at nakita kong tahimik na natutulog si DongHae. Napangiti nalang ako ng nakita ko ang maamo niyang mukha.

Ang cute cute niya talaga. Hindi lang, gwapo pa. Ang bait-bait niya at sobrang yaman pero nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon wala pa siyang girlfriend.

Hindi kaya bakla to?

Hindi. Erase. Erase. Sobrang lalaki kaya niya kung gumalaw at manamit. Napaka-imposible naman kung bakla siya.

Tyaka sayang din pag nagkataon.

Pero mabalik tayo kay Mr. Kwon.. nag-aalala ako sakanya. Well, hindi mo naman matatanggal yun ano. Lalo na’t nalaman ko na nagkasugat siya dahil sakin.

Hindi lang basta-bastang sugat. Malaking sugat! Nakaka-guilty lang.

Hindi ko naman siya ma-contact dahil nasira yung phone ko. Hindi ko rin naman kabisado ang number niya.

Yung mga girls ko naman hindi ko matawagan dahil baka mag-alala lang yung mga yun sakin at bigla pang umuwi. Pamurnada pa ang mga lakad nila.

Tyaka OK lang naman ako eh. At least kunting sugat lang ang natamo ko at walang pilay.

Laking pasasalamat ko lang talaga kay Mr. Kwon.

**

Dumating ang umaga at hindi ko namalayan kung papaano ako nakatulog.

Basta nagising nalang ako ng may narinig akong nag-uusap dito sa tabi.

“So you are Mr. Kwon?” -Wala akong narinig na sagot pero siguro ay tumango ito dahil narinig kong napatawa sa saya si DongHae. “Thank you for what you’ve done. Hinding-hindi ko yun makakalimutan.” -Galak niyang saad.

“Wala yun. I just did what I think is the best.” -Sagot naman niya.

I remained like I am still sleeping. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at gusto kung makinig sa usapan nilang dalawa.

“I heard na natamaan ka daw? Wasak ata yung Lambo mo. Hindi ka ba nagpagamot??” -Tanong niya.

“No. I’m fine. Hindi na ako nakapagpagamot pa dahil hinahanap na ako ng anak ko noon.” -He proudly said. Sobrang love na love talaga niya si Louis.

Maybe his passion is to risk his life for others.

“What?! May anak ka na?!” -Gulat na tanong ni DongHae sakanya. Gusto ko siyang batukan sa naging reaksyon niya. Baliw talaga ‘to!

I just heard Mr. Kwon laughed.

“Wow.” -He unbelievably gasped. “Maybe you should really do check-up. Baka kung ano pang mangyari sayo. Don’t worry, bilang pasasalamat, ako na ang bahala sa gastos mo. And about the car? I’ll buy a new one. Yung latest.” -Biro niya. Sabay naman silang nagtawanan.

MPITA II: Destined For You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon