Chapter 8

716 20 7
                                    

[ Sorry Pixies ngayon lang. Sorry sorry talaga. Ewan ko kasi sa globe.. Hindi ako maka-wattpad. Buset. T__,T

Sana ma-enjoy niyo ito. <3 ]

  
   

Chapter 2.8

[ Dara’s POV ]

Napaka-weird talaga ng mga girls ko lately. 2 days ago since ng nag-usap-usap kami, 2 days na rin na hindi ako pumapasok. Nandito lang ako sa suite ko.

“Ano? Ano yung sinabi ni CL?” -Napakamot ulit ako sa ulo ko.

Nakakinis talaga yung mga taong bumubulong. Lalo na kapag hindi mo naintindihan. Ang masaklap, ayaw pang ulitin! Ugh!

Natatanga ako dahil sa huling sinabi ni CL. Hindi ko kasi talaga siya naintindihan. Nakaka-curious.

Ang sabi rin nila, nag-aalala lang daw sila dahil baka na failed ako sa client namin which sadly turns out true. Alam ko naman na concern sila dun dahil may benefits din naman sila pero hindi ako kumbinsido eh.

May iba. Nakikita ko sa mga mata nila. At dun sa actions ni Bom, mukhang may iba silang inaalala.

Alam ko connected ito kay Mr. Kwon. Hindi ko nga lang ma-puzzle out kung ano yun.

Kung paano at bakit sila mag-aalala sakin dahil kay Mr. Kwon?

“Ahh! Ewan!” -Tinakluban ko ng unan ang mukha ko. Nakakaloka talaga ang curiosity. Nakakabaliw!

Napabalikwas ako ng higa ng biglang tumunog yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag at si Paulo lang pala.

“Hell--”

“Ma’am!” -Halos mapatalon na ako sa gulat ng sumigaw siya.

“Ano?!” -Sigaw ko pabalik. “Makasigaw to!”

“S-sorry po ma’am. Pero kasi.. Ano.. Yung class A.. Ano.. Ikaw Bash..” -Utal-utal at putol-putol na sagot niya.

“Ano? Anong sinasabi mo? Ayusin mong mag-salita!” -Badtrip kong sagot. Inis na nga ako sa sarili ko, dadagdag pa siya.

“Basta ma’am. Pumunta ka nalang po dito. Urgent!” -Napatigil ako. Bigla akong kinabahan. Ngayon lang ito nangyari. Ngayon ko lang narinig na nag-panic si Paulo ng ganito.

Agad kung binaba ang tawag at nagbihin. Since nasa tower naman ako at nasa first floor lang ang office namin, mabilis lang akong nakarating.

“Bakit?!” -Nagulat si Paulo dahil sa biglaan kung pagsulpot. Kulang nalang atakihin siya sa puso.

“Ms! No way! You should see this!” -Balisang saad niya. Mukhang hindi ito naniniwala sa kanyang mga nakikita.

“Ano? Ano bang meron?” -Dali-dali akong pumunta sa may desk niya para tignan yung laptop niya.

Siguraduhin niya lang talaga na nakaka-alarma ito kundi. Hm..

Pero parang gusto kong bawiin yung sinabi ko. Sino ba kasing tao ang gustong siguraduhin na nakaka-alarma ang isang bagay? Sino?!

Halos lumuwa ang mata ko at mamula ang mukha ko dahil sa inis ng nabasa ko ang mga pinag-co-comment ng mga tao sa page namin.

Puro bash at negative lahat.

Lahat kwine-question kung bakit hindi natuloy ang class A project namin. Nagsi-commentan na rin ang mga kalaban naming subdivisions. Halatang masaya sila sa failure na nangyari samin.

Habang busy sa pagi-scroll, kinausap ako ni Paulo.

“Ms.. M-may problema pa po tayo.” -Medyo natatakot na balita sakin ni Pau. Alam niya kasi na kumukulo na ang dugo ko.

MPITA II: Destined For You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon