Chapter 9

699 23 6
                                    

Chapter 2.9

[ SeungRi’s POV ]

Halos masapak ko na si Top dahil sa bunganga niya.

Tama ba kasing sabihin niya yun?! Sa harap mismo ni Dara?! Haist!

Napakamot nalang kami ng ulo ni DeSeung.

“K-Kilala niyo ako?” -Napalaki ang mata ko. Sinasabi ko na nga ba! Pahamak talaga si Top!

“Syempre naman--” -Agad na tinakpan ni DeSeung yung bunganga niya.

“S-syempre hindi. HAHAHAHAHA! Diba pre? Di natin siya kilala. Diba?” -Napatango-tango nalang ako ng ulo dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kanina.

“O-Oo naman! HAHA!” -Pinilit kung tumawa. “Nag.. Nagpakilala ka kasi kanina kaya ano.. kaya kahit papano kilala ka na namin.” -I lied.

Pinag-cross ko nalang yung dalawa kung daliri at nagdasal. Malalagot pa kami kay GD nito eh!

Nawiwirduhan man, tumango-tango nalang siya. Buti nalang at hindi na siya nagtanong pa.

Pinaupo muna siya ni DeSeung at binigyan ng maiiinom. Umalis kaming tatlo at iniwan namin siya dahil baka kung ano na naman ang masabi namin.

Few days ago, nalaman namin ang balita na ang Ms. Dream pala na sumisikat dito sa Pilipinas ay si Dara. Nalaman din namin na sila pala yung may-ari ng sikat na Elite Subdivision dito. Akala namin umalis na sila ng bansa noon.

Hindi kasi namin sila mahagilap kung saan. Tinago siya ng mga kaibigan niya. Maging sila ay hindi nagparamdam.

Dahil doon, naisipan muna naming umalis at pumuntang ibang bansa. Magbabakasyon lang sana kami doon noon pero di nagtagal, naisipan naming mag-stay.

Hanggang sa last year, pumunta kami dito para magpatayo ng sari-sarili naming business. At itong Cafe’Tae, isa to sa mga business naming lima na kami lahat ang may-ari.

Dito kami nag-I-stay lahat. Mas maganda kasi dito kaysa sa syodad. At least dito sariwa, presko at masarap ang hangin. Malaya kang makakapag-isip. Tahimik. Yun kasi ang naging buhay namin mula noon. Damay-damay na. Hindi naman namin magawang maging masaya dahil nagdaramdam yung isang kaibigan namin.

“GD!” -Nag-angat siya ng tingin saamin. Mukhang busy kasi siya sa pagbabasa. Na naman. Lagi nalang yan ang ginagawa niya. Nag-aaral. Walang katapusan.

“Nandito si Dara!” -Takot na takot na saad n DeSeung. Akala mo naman isa siyang drug dealer na nahuli ng pulis.

Hindi nagsalita si GD. Tumango lang siya. Pero nakita ko ang paggalaw ng bibig niya.

Isang ngisi.

Ano na naman ang plina-plano niya?

[ GD’s POV ]

Finally dumating na rin siya. Ang tagal kung naghintay. Umabot pa ng dalawang araw.

OK talaga ‘tong tactic na sinabi ni TaeYang. Panalo.

Actually, si TaeYang talaga ang bumili ng Class A sa elite sub. Ginamit niya lang ang pangalan ko. Nung una hindi ko naman alam na sa 2ne1 yun eh. Basta ang sabi niya, gift niya lang daw sakin.

Yun pala, nalaman na niya na sila Dara ang may-ari non. Nalaman ko lang noong hindi inaasahang magkabungguan kami sa harap ng Cafe.

Gulat na gulat talaga ako ‘non. Yung tipong para akong nakakita ng multo.

Tuwang-tuwa pero may kaba pa rin akong nararamdaman. Ang sakit lang na hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako maalala. Ni hindi na nga ata niya ako mamukaan eh.

MPITA II: Destined For You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon