Chapter 12

690 20 18
                                    

Chapter 2.12

Nandito ako ngayon sa harap ng tower namin kung saan ipapatayo ang bahay ni Mr. Kwon.

Nakahanda na ang lahat, signal ko nalang para mag-umpisa ang kulang.

Huminga muna ako ng malalim. OK Dara, this is it.

“OK guys. Galingan nating lahat. Mag-ingat din tayo.” -Paalala ko. Tinignan ko silang lahat pagkatapos ay ngumiti. “OK, let’s start!” -At nagsimula na nga silang magtrabaho.

Finally.

Lahat ng mga bad comments and views ay nawala bigla. Lahat ng mga competitors namin ay nganga. Akala siguro nila babagsak na kami.

Well then sorry nalang po. You can’t crash 2ne1 that easily.

Tahimik lang akong umiikot-ikot dito sa site habang pinagmamasdan silang lahat.

I-approve-an din pala ni Mr. Kwon yung design na ginawa ko. Talagang nagustuhan niya yung bahay na gusto ko rin sana.

Kung sinabi lang niya kasi na simple at maganda ang gusto niyang bahay, edi sana hindi na kami nagka-problema pa.

Nag arte-arte kasi! Joke.

Pasalamat nalang ako dahil tapos na yun at nalagpasan naman namin. Buti nalang.

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga workers namin ng biglang nag-ring yung phone ko. Tumatawag si Mr. Kwon.

“Hello sir?” -Agad ko itong sinagot.

“Where are you?” -Tanong niya.

“Nasa site po.” -Sagot ko naman.

“Busy?”

“Nope.” -Agad at umiiling-iling ko pang sagot.

“Good. Come here at Cafe’Tea.” -Agad naman niyang sabi. Sasagot pa sana ako at magtatanong kung bakit pero wala na. Huli na. Pinatayan na niya ako.

Urgh! Medyo nakaka-inis talaga siya! Kung hindi lang talaga siya ang may-ari ng house na ‘to, hinding-hindi ko siya susundin!

Pero technically, he’s my boss! Urgh!

Nagpaalam ako kay Pau bago umalis. Buti nalang at mapagkakatiwalaan siya.

Kulang nalang liparin ko yung daan papunta doon.

Paano, kabababa palang ‘nong tawag, nag-text na agad siya ng ‘faster!’

Diba?! Napaka-demanding! Tsk.

Pagdating ko doon, nakakapag-taka lang na sabay-sabay na umaalis ang mga customers nila. Bakit? Ano kayang nangyari?

Papasok na ako ng nakasalubong ko si Mrs. Lee.

Pag ito talaga nawala, for sure dito mo siya mahahanap.

“Mrs. Lee!” -I greeted her with a smile. Tinignan niya lang ako pagkatapos ay ngumiti ng malungkot. “B-bakit po? Is there any problem?” -I asked. She looked so down. May problema na naman kaya siya sa house niya? Malapit na nga namin yung matapos eh.

Umiling lang siya at bumuntong hininga.yung napakalalim na buntong hininga. Mukhang may problema nga ito.

“Wala naman Ms. Dream. Nakakalungkot lang na magsasara daw ng maaga ang Cafe’Tea ngayon.” -Saad niya. Huminga ulit siya ng malalim pagkatapos ay nagpaalam. Baka daw kasi hindi niya kayanin.

Hinayaan ko lang siya. Super attach talaga siya sa shop na to. Sabagay, all time favorite talaga ang mga benta nila dito.

“Whoo. Ms. D.” -Napatigil ako sa pagpasok ‘nong nakasalubong ko yung mga kaibigan ni Mr. Kwon.

MPITA II: Destined For You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon