Chapter 5

1K 18 0
                                    

Kahapon ay nagkaron ng try out sa school para sa mga gustong maging part ng volleyball at basketball team. Pilit akong pinapasali ni Khate dahil alam niyang gusto ko iyon pero hindi ako pumayag.

Pakiramdam ko kapag sinubukan ko ulit na mag laro non ay maaalala ko lang ang mga nangyari dati. Pakiramdam ko maalala ko nanaman si mommy. Gusto ko sana pero kinakalaban ako ng takot. Sana lang ay may lakas ulit ako para gawin yung bagay na gusto ko.

Saturday morning.

Dapat may klase kami ngayon. Pero nag announce kahapon yung school admin na wala munang pasok dahil first week palang naman daw namin.

Sabagay, nirerefresh palang naman kami sa mga pinag aralan namin nung high school.

Ok na din yun. Atleast makaka uwi kami ni Khate sa Cavite.

Nakain kami ni Khate ng biglang nag ring ang phone ko.

"It's dad!" excited kong sabi kay Khate pag kakita ko dun sa pangalan nung natawag.

Napangiti naman si Khate sa sinabi ko. Agad kong pinindot ang accept para sagutin ang tawag nya.

"Good morning, dad!" bati ko.

"Good morning, my princess!"

"Hello daddy!" sigaw ni Khate malapit sa cellphone. Naka loudspeak kaya naman ay rinig namin parehas ni Khate.

"Oh. Hi my angel! How are you there?" tanong ni daddy mula sa kabilang linya. How I miss his voice! Kahit ilang araw palang kaming 'di nag kikita miss ko na sya at sila Kuya!

"We're fine here. So dad, uuwi kami dyan mamaya!" masayang sabi ni Khate.

"Syempre. I really miss the both of you! Ipapasundo ko kayo dyan kay Mang Ed."

"Ok daddy."

"O sige. Mamaya nyo nalang ako kwentuhan pag uwi nyo. May meeting pa ako. Bye my princess and my angel!" sabi niya.

"Ok dad. Bye! We love you!" sabay naming paalam kay daddy.

Hindi talaga nag bago si dad. Itinuturing nya parin kaming parang baby kahit malalaki na kami. He's a person na super sweet, caring at ideal man ng mga babae.

Sobrang swerte talaga ni mommy sakanya. Sayang lang dahil nawala na si mommy. Pero kahit ilang taon ng wala si mommy, dad never tried na palitan si mom. Super stick to one! Nakwento nya din samin dati na si mommy ang kanyang first love.

Yung love story nila, super magical! Parang fairytale! Sana yung lalaking para sa akin ay yung katulad ni daddy. At sana yung love story namin, magical din!

Pero syempre, hindi muna yun yung priority ko ngayon. Pero diba, dapat ngayon palang ipinag ppray na yun. Para pag nakilala mo na yung lalaking yun, hindi ka mag aalala kase alam mong God's will na sya talaga ang para sayo.

Lord, kahit hindi po perfect na lalaki ang ibigay nyo saken. Basta yung alam ko pong will nyo, tatanggapin ko po. Ibigay nyo po yung best guy na mag ffit saken. Amen! Laging kasama sa prayer ko.

Pag katapos namin mag ayos ni Khate, saktong nag text naman si Mang Ed na nandito na daw sya. Agad naman kaming bumaba mula sa unit namin papunta sa parking lot kung saan nag park si Mang Ed habang inaantay kami.

"Hi ma'am Cassandra! Hi ma'am Khaterine!" bati sa amin ni Mang Ed pag kakita nya samin.

"Hello po Mang Ed." bati naman namin ni Khate pabalik.

Mang Ed is our family driver. Almost 7 years na din sya samin nag ttrabaho kaya malaki na ang tiwala namin sakanya. Hindi na rin sya naiiba samin dahil nga sa tagal ng panahon na nakasama namin sya.

Sumakay na kami sa sasakyan at agad itong pinaandar ni Mang Ed. Ilang oras pa ang biyahe kaya napag pasyahan kong matulog muna.

Pagkagising ko ay saktong nasa tapat na kami ng bahay. Ipapasok nalang ito sa loob bago kami bababa.

Habang ipinapasok yung kotse sa loob ng mansyon, lalo akong naeexcite na makita sila Kuya at Daddy! Ewan ko ba. Ang bilis kl silang namiss. Pakiramdam ko isang buwan kaming hindi nag kita.

Nakita ko naman na nakatayo ang dalawa kong kuya sa may pinto at nakangiti ng sobrang laki.

Haha! That smile.. nakakamatay! Buti nalang kapatid ko sila kung hindi, baka napabilang ako sa mga babaeng nag kakandarapa sakanila.

"Kuya!" sigaw ni Khate pag baba na pagbaba nya sa kotse. Yumakap sya agad kila Kuya.

"Khate, parang isang taon di nag kita? Anong kadramahan 'to?" pang aasar ni Kuya Vince nang bumitiw si Khate sa pagkakayakap sakanila.

"Hi big bros!" bati ko sakanila gamit ang malaking boses at nakipag fist to fist.

"Whoa. Cassandra! Lalaking lalaki lang ang dating natin!" natatawang sabi ni Kuya Gab.

Simula nung bata ako, fist to fist na ang nakasanayan kong salubong sakanilang dalawa imbis na yakap o kaya beso.

"Turo nyo e!" sabi ko at tumawa.

Tumawa lang sila at inakbayan kami. "Tara na't pumasok!" sabi ni Kuya Vince.

Pag pasok namin, sinalubong kami agad ng mga katulong namin. Gutom na kami kaya dumiretso na kami sa kusina. Inaantay din kasi kami nila Kuya dahil gusto daw nilang sabay-sabay kaming kakain.

"Hey! Where's dad?" tanong ko nang mapansin kong wala sya.

"Wala. Nasa office pa. Di pa daw tapos yung meeting." paliwanag ni Kuya Vince. Tumango lang ako. Sayang naman wala pa si daddy. Mamaya ko pa tuloy sya makikita.

"So, come on! Let's eat!" sabi ni Khate at itinaas sa ere ang kutsara't tinidor.

"Di halatang gutom ka no?" natatawang tanong nila kuya. Nag kaniya kaniya kaming sandok ng pagkain at nag umpisang lumamon.

Pag katapos naming kumain, pumunta kami sa sala para manuod.

"Uh. I miss this! Minsan nalang natin magagawa 'to!"  utas ni Khate.

"Oo nga. For sure magiging busy tayo sa school at sila Kuya, sa company at sa showbiz!" sabi ko.

"Oyoyoy! Pagka graduate nyo, tutulong din kayo sa kompanya no!" sabi ni Kuya Gab at tumawa. Ano bang ipinag lalaban nito?

"Wow. Akala mo naman 1 year lang yung course namin. Hello! 4 years yun oy!" pang aasar ko at tumawa. Sinamaan nila ako ng tingin.

"Oo nga. Tapos tatanda sila sa sobrang pagka stress sa kompanya." pang aasar din ni Khate kaya pinanliitan na nila kami ng mata.

Ganto lagi gawain namin pag mag kakasama kami. Puro kulitan at asaran.

"Hoy! Hindi mangyayari yan! Hindi kami papayag na kami lang ang tatanda! Isasama namin kayo!" sabi ni kuya Vince with hand gestures. Napabuhanglit nalang kami ng tawa dahil alam namin na naaasar na sila.

Kami lagi mag kakampi ni Khate pag dating sa asaran. Pero minsan, si Kuya Vince ang kakampi ko. Minsan naman, kaming tatlo tapos si Khate lang mag isa.

"Good luck nalang sainyo!" pang aasar ko ulit sabay belat sakanila at bato nung throw pillow sa sofa. Natamaan si kuya Gab kaya sinamaan niya ako lalo ng tingin.

"So ganto tayo? Pillow fight pala ha!" sabi ni kuya Gab at ibinato din yung unan sakin.

"Game!" sabi ni Khate na natawa. Nag umpisa kaming mag batuhan ng unan. Hindi namin alintana ang magulong salas.

Pag mag kakasama kami, di namin maiwasan bumalik sa pagka bata. Pero kahit mag mukha pa kaming mga isip bata, hindi ako mag sasawang gawin 'to kasama sila.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon