Chapter 28

535 12 3
                                    

A new day again. I smiled. Nanatili akong nakahiga sa kama. Tinatamad pa akong tumayo. Okay, 5 more minutes tsaka ako tatayo dito.

Napag planuhan pa namin ni Khate na lilinisin namin itong buong kwarto namin dahil wala din naman kaming pasok. General cleaning, kumbaga.

Habang nakahiga at nakatulala sa kawalan, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. I had a conversation with that weirdo Jake about staying away from Paul. That was confusing, dude! And aside from that.. Shit! My smile widened. Niyakap ko siya. And he hugged me back. Ang sarap niyang yakapin. Ang sarap niyang amuyin. Ang sarap manatili habang buhay sa ganong posisyon.. wait, what am I doing? Napatigil ako sa pag ddaydream ko, until I realized I was hugging my pillow tightly.. crazy lady, here.

Geez. Jake! Why are you making me crazy like this?! Hindi naman ako ganito dati ah! Ugh. Aaminin kong gusto ko na nga siya, but liking someone is different from LOVING someone, right? So, I think I like him And I'm starting to lo- Okay, enough of this crazy idea, shithead. Ugh. Now I'm calling myself a shithead? This isn't normal anymore.

Hindi ko inaasahan na magugustuhan ko ang lalaking iyon. Okay, let's just say.. crush. Crush ko na nga ata siya. Gusto kong tanungin ang sarili ko kung bakit siya pa, pero hindi ko rin naman masasagot. Siguro dahil na din sa taglay niyang kagwapuhan. Sino ba naman kasing babae ang hindi magkakagusto sakaniya? Well, oo, kinain ko lang yung mga salitang sinabi ko noon na hindi ko siya magugustuhan. Hindi ko na uulitin yun. Hindi na ulit ako mag sasalita ng tapos.

"Caaaass! May bisita kaaa!" rinig kong sigaw ni Khate mula sa ibaba.

Really? This early, huh?

Dali dali akong tumayo papuntang banyo para mag toothbrush at mag hilamos. Bumaba ako. Sinalubong ako ng nakangiting si Khate. "You look puzzled." she said with grin. I ignored her.

Binuksan ko ang pintuan para malaman kung sinong bisita ang sinasabi ni Khate. And to my surprise, I saw Jake standing there.

Oh hell, speaking of Jake.

Tiningnan ko siyang maigi na wari'y tinatanong kung anong ginagawa niya dito. But he just gave me the same expression like before.. as usual, poker face. Gusto kong sabihin sakaniya na, pupunta punta ka dito ng ganito kaaga tapos bibigyan mo ako ng ganyang ekspresyon? Anong trip mo? Tss. Kung pwede lang, e.

Now, what are you doing here?

"Hi.." aniya. "Jenny." he said and manage to smile.

Bumilis nanaman bigla ang tibok ng puso ko. Shit! Napalunok ako sa kaba. Please, stop doing this to me.

"Uh-" natigil ako sa sasabihin ko nang sumigaw si Khate. Oh, Thank God!

"Yung cellphone mo!"

Kinuha ko ang cellphone ko at bumalik sa kinatatayuan ko kanina. Tumatawag si Tom? Nangunot ang noo ko. Ano nanamang trip nito?

Sandali akong tumingin sakaniya bago sagutin. I raise my hand. "Wait." I mouthed.

Umirap sa kawalan si Jake. Well, that's cute. I grinned.

"Ano?" tanong ko nang sagutin ang tawag ni Tom.

"Tulungan mo 'ko." sabi niya.

Nag panic ako dahil sa sinabi niya. Napansin naman niya ang naging ekspresyon ko kaya nag tatakang tiningnan niya ako na wari'y inaantay ang mga sasabihin sa kausap ko sa telepono

"Tulungan mo ako, Cass. Nasa presinto ako." dagdag niya.

Mas lalo akong kinabahan. Bakit naman siya nasa presinto? Ano namang ginawa niya?

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon