Chapter 17

801 12 0
                                    

Napanganga kaming lahat sa naging sagot ni Kuya Gab.

Ang sagot niya kasi sa tanong ni Ate Mich ay wala daw siyang crush.. MAHAL meron!

Aww. Mahal niya si Ate Mich? Kaya pala kahit kailan ay hindi pa siya nag kakagirlfriend at hindi nangliligaw ay dahil may mahal na siya? At si Ate Mich? Psh. Torpe Problems.

"Eh? Sino mahal mo?" tanong ko sakaniya.

"Hoy! Diba isang tanong lang dapat? Sinagot ko na ah. Wala akong crush!" sagot niya.

"Gye. Torpe Problems!" sabi ko at tumayo sa kinauupuan ko at humiga sa kama.

"Oo nga. Founder ng torpe clan yan e!" saad ni Khate at sumunod din sakin.

"Hahaha! Torpe clan!" natatawang sabi ni Kuya Vince at sumunod din sa amin.

Naiwan si Kuya Gab at Ate Mich sa may mesa. Napapakunot nalang ang noo ni Ate Mich na tila bang hindi niya alam ang pinagsasabi namin.

LOL!

Mag damag lang kaming nag asaran, nanuod ng mga palabas, naglaro, kumain at kung anu-ano pa.

Pag gising ko ay nakita ko ang kwarto namin na sobrang daming kalat. Puro balat ng pinagkainan namin, mga unang nakakalat, kumot, mga CDs, mga baso at yung dalawa kong kuya na nakahiga sa sahig. Kasama sila sa kalat!

Tapos napatingin ako sa dalawa kong katabi.. Si Ate Mich at Khate tulog na tulog pa. Sila Kuya na nasa sahig, tulog na tulog pa din!

Aha! Mapicturan nga!

-

Monday

Nairaos namin ng maayos yung report namin. Phew! Wala ng problema! Natuwa pa nga samin si Prof. Negrito dahil maganda daw ang pagkakadiscuss namin sa topic na binigay niya samin. At maganda din daw ang teamwork namin. TEAMWORK? DALAWA? Haha. Ewan! Nabobobo na ako.

Actually, si Jake naman talaga ang mas magaling at mas nakapag explain ng maayos. Tinutulungan niya nga minsan ako pagka nahihirapan akong iexplain e. Well, math yan e. MATH! Hindi ako masyadong magaling diyan.

Naglalakad ako papunta sa cafeteria. Nauna na kasi sila Khate dun e. Inayos ko pa kasi yung mga gamit ko at dumaan pa ako sa may locker room.

"Hi Cass!"

Lumingon ako sa likod para makita kung sino yun at si Tom pala.

"Oh. Hi Tom!" bati ko din.

"Punta ka sa caf? Sabay na tayo?" tanong niya.

"Sige."

Sabay kaming naglakad habang nagkukwentuhan. Tawang tawa ako sakanya dahil nag jjoke siya tapos ang corny. Pero imbes na mainis ako sa kakornihan ay natatawa ako! LOL!

"Ay. Nakalimutan ko pala yung wallet ko sa locker ko." sabi niya na ikihinto namin habang kinakapa ang bulsa niya. "Mauna ka na. Kukunin ko lang!" dugtong pa niya.

Tumango lang ako at pinanuod ko lang siyang tumatakbo pabalik sa locker room. Pero bago pa siya makalayo ay may nalaglag na papel sa bulsa niya pagka tanggal niya ng kamay niya na nasa loob nito kaya kinuha ko ang papel.

Nacurious ako kaya binuklat ko ito mula sa pagkaka tupi at may nakasulat na..

Operation:

*Make her fall

*Seduce her

*Turn her to a real WOMAN

Eh? Kay Tom ba talaga to? Sino yung 'her'?

Anong 'make her fall'? Ihuhulog? Ilalaglag?

'Seduce her'? As in aakitin? Mang aakit siya? Woah. Hindi ko mapigilan ang matawa! Nag mumukha na akong baliw dito sa kinatatayuan ko.

Tapos yung 'Turn her to a real woman'? Enedew? Ay ewan! Nakakabobo na talaga! LOL

Nang mapansin kong pinagtitinginan na ako ng mga tao ay umalis nalang ako para pumunta sa cafeteria. Mahirap na. Mapagkamalan pa akong baliw.

Hindi ko talaga maiwasang mapatawa tuwing maaalala ko yung mga nakasulat sa papel ni Tom. Sino kaya yun? Si Tom? Mang aakit? Hindi ko maimagine na ang gwapo, palabiro at ang walang matinong sinabi na si Tom ay mang aakit.

Pag dating ko sa Cafeteria ay nakita ko agad sila Khate at MJ. Mukhang kanina pa nag aantay at inip na inip na.

"Hi. Sorry!" sabi ko at nag peace sign sa kanila.

Inirapan lang nila ako. Bumili si Khate ng pagkain namin at dumating naman sila Jeron at Jake.

Si Jeron nakangiti at yung isa.. as usual, poker face.

Di rin nagtagal ay dumating din si Khate na may dala dala ng pagkain. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain.

"Hi, guys!" masiglang bati ng bagong dating na si Tom.

Muntikan ko ng maibuga yung juice na iniinom ko nang makita ko siya kaya naman nasamid ako at inubo.

"Woah. Cass, anyare?" sabi ni Tom na katabi ko habang tinatapik ang likod ko.

"Bwisit!" sabi ko nalang at inirapan siya tsaka pinagpatuloy ang kinakain ko.

Hahaha. Hindi ko mapigilang matawa. Lahat sila napapatingin sakin dahil sa inaakto ko. Kanina pa kasi ako nagpipigil ng tawa. Si Tom kase e!

"Ang saya mo ah!" si Tom habang nakain.

"Ikaw kase e, pinapasaya mo ako!" sabi ko tsaka tumawa ng malakas. This time, hindi ko na talaga kayang pigilan.

Nakakunot ang noong nakatingin lang sila sa akin na tila ay nagtataka kung bakit ako tumatawa.

"Nabaliw. Tss." mahinang saad ni Jake tsaka dire-diretsong tumayo at nakapamulsang umalis.

Problema nun?

"Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?" bulong ni Khate na rinig naman.

Matapos namin kumain ay bumalik na rin kami sa kanya kanyang klase namin. Ang awkward lang ng paghihiwa hiwalay namin dahil nag joke nanaman ng corny si Tom tapos ang itsura ng lahat ay ganito (-___-") tapos ako lang yung tumawa kaya sa pagiging ganun ay naging ganto (T____T) ang mga mukha nila. LOL! Hindi naman talaga ako sa corny na joke ni Tom natawa kundi sa nakasulat sa papel.

Alas tres palang pero wala na akong klase. Naexcuse kasi ang mga varsity para daw sa training. Alas kwatro ang labasan namin dahil yung last subject namin ay elective. Pero ok lang na hindi ko na pasukan yun, wala din namang kwenta dahil hindi din naman pumupunta yung professor namin. Once in a blue moon lang. Ok. OA.

Pag punta ko sa gym ay nandun na ang mga players. Mga basketball at Volleyball players ang magkakasama.

Kinawayan naman ako nila Tom at ng iba pang basketball players ng makita nila ako. Kinawayan ko lang din sila bilang tugon.

Nagpakilala sakin ang mga magiging kateam mates ko.

"Hi. I'm Sheela Sobremisana. Second year." bati sakin ng isang matangkad at magandang babae.

"Hi, Sheela." tugon ko.

"Ako naman si Katherine Arceo. Kath nalang." bati din sakin ng isa pang matangkad at magandang babae.

"Hi, Kath." bati ko din.

"At ako si Izabela Belonio. Izabel for short." isa pang matangkad at magandang babae.

"Hi sainyo! Cassandra Jenny Mendez nga pala. Cass nalang."

"Alam namin, Cass." sabi ni Kath.

Ha? Kilala nila ako.

"Kilala ka namin. Girlfriend ka ng sikat na athlete e." sabi ni Izabel nang mapansing kumunot ang noo ko.

Eh? Girlfriend ako ng isang sikat na athlete? Sino?

"Huh? Sino?" tanong ko sakanila.

"Wag kana mahiya. Alam na ng lahat na girlfriend ka ni Jake Salazar." sabi ni Sheela.

Dang!

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon