Chapter 31

381 13 0
                                    

Shit, Jake! Shit!

Halos mag wala ang puso ko dahil sa narinig ko mula kay Jake. Gusto kong maniwala pero may parte sa akin na natatakot sa mga pwedeng mangyari. Totoo bang nangyayari 'to?

"Hey!" utas niya nang hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

Damn! I don't know what to do now! Nananaginip ata ako.

"Jake, sampalin mo nga ako." utos ko sakaniya.

Bahagya siyang napahalakhak na nagpakunot sa noo ko.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" nakangiting tanong niya.

Tumagilid ang ulo niya at tiningnan akong maigi mula sa mata hanggang sa bumaba sa labi ko. Lalong kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko ata kaya ang mga titig niya.

"N-nananaginip ata ako?" kinakabahang sagot ko.

Kung nananaginip nga ako, malamang ay hindi na ako magising dahil sa heart attack. Damn! Hanggang sa panaginip ang galing niya paring pabilisin ang tibok ng puso ko!

Lalong lumaki ang ngiti niya sa labi. Nanginginig ang mga tuhod kong umatras dahil sa paglakad niya papalapit sa akin.

Nang wala na akong maatrasan ay unti-unti niyang nilapit ang mga mukha niya sakin at naramdaman ko ang pag lapat ng mga labi niya sa labi ko. Kusa nalang akong napapikit at lalong nanghina ang mga tuhod ko. Nagusot ko na ang damit niyang mahigpit kong hinahawakan dahil sa sobrang kaba.

Nang bumitiw siya sa pagkakahalik sa akin ay bahagya kong iminulat ang mga mata ko. Masiyadong naging mabilis ang mga pangyayari na napanganga nalang ako. "Now, tell me, nananaginip ka ba?" nakangiting tanong niya.

Napahawak ako sa mga labi ko. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ng lalaking 'to. Confirmed, hindi ako nananaginip!

"Ba-bakit mo ako hinalikan?" kinakabahang tanong ko.

"Para patunayang hindi ka nananaginip."

"Pero sabi ko sampalin mo ako!" utas ko. Hindi ko rin siguro kakayanin kung sampalin niya ako. Baka suntok ang maiganti ko kung nagkataon.

"Why would I do that? I won't let that happen to my girl." sagot niya.

Shit lang, Jake! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa lahat ng ginagawa mo sakin! I thought.

Kahit na kinakabahan ay pinilit kong maging maayos sa harapan niya. Ayaw kong makita niyang nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa kaba. "Jake, hindi ngayon April 1 para i-april fool mo ako." sagot ko. Umiwas ako ng tingin sakaniya. Natatakot akong baka bumagsak nalang ako bigla dahil sa bigat ng mga titig niya.

"Look, Jenny, I'm serious. I like you.. noon pa. Simula mga bata pa tayo." sagot niyang nakapag pabalik ng mga mata ko sakaniya.

What? Simula mga bata pa kami!? Gagawin ata talaga akong baliw ng taong 'to. Hindi ko na talaga alam kung maniniwala pa ako sa mga nangyayari sa paligid ko.

Noong mga bata kami-unang pagkikita namin sa birthday ko, kung anu-ano ang pinaggagawa niya sakin. Ngayong college, nagkita ulit kami.. pero hindi naging maganda ang muling pagkikita namin, pinakitaan niya agad ako ng mga bagay na ikaiinis ko sakaniya.. and then dad told us about Tito Richard and that's when I discovered that the boy who bullied me before and Jake is the same. Wow! Ang galing diba? Note the sarcasm.

Tapos syempre, mas nainis ako sakaniya. Malaman ko ba naman na siya pala yung kumawawa sa akin dati, birthday ko pa! Umisip ako ng paraan para makaganti. Nakapag sinungalin pa ako just to get my justice. Tapos yun, after that night.. nung gabing pag hihiganti kuno, nag umpisa siyang maging weirdo. Seryoso minsan pero nag papakita ng mga sweet gestures. Minsan akala mo nag seselos na ewan. And I told my self na patibong lang lahat. Gusto niyang gumanti. Kasi ganun ang set up namin diba? Gagantihan niya ako, gaganti ako, ganun kami forever. Gantihan ang peg.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon