Chapter 1

1.9K 32 0
                                    

"Hoy Cass! Gumising ka na oy!" sigaw ni Khate habang inaalog alog ako.

Medyo napuyat ako kagabi dahil sa pag aayos ng mga gamit na dadalhin dito sa condo. Buti nalang ay tinulungan ako ng mga kapatid ko. Yun nga lang, imbes na mapabilis ang pag aayos ay mas lalong tumagal dahil sa kakulitan nila. Kaya nang makarating kami dito mismo sa condo ay madaling araw na.

"Hmm. Mamaya na pwede?" sabi ko at inalis ang mga kamay niyang nakahawak sakin.

Tsk. Natutulog yung tao e.

"Anong mamaya!? Mamili ka! Babangon ka dyan at maliligo? o ako mismo ang mag papaligo sayo dyan sa kama mo!?" pananakot niya.

Dali-dali naman akong napatayo sa sinabi ni Khate. Takot ko nalang na baka totohanin niyang buhusan ako dito sa mismong kama ko ng tubig!

"Eto na nga o! Ito naman! Excited masyado!" sabi ko at kinuha ang mga damit na susuotin ko. Inabot ko ang tuwalya at nag lakad papuntang banyo.

"E yun naman pala e! Dalian mo na! Baka gusto mong ma-late tayo sa unang araw ng klase naten!?"

"Oo na. Oo na. Tss." nakasimangot kong sabi.

Siya lang naman ang kapatid slash bestfriend ko.. Mas matanda ako sakanya ng isang taon. Pero kung umasta, kala mo sya ang mas nakatatanda!

Pinag bibigyan ko na lang kase isang taon lang naman agwat namin. Hayyy. Wala naman akong choice! Alam ko naman na hindi ako titigilan nyan! Pero syempre kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan! Syempre, kapatid e.

Pag tapos ko maligo at mag bihis, bumaba na ako para mag almusal.

Pababa palang ako amoy ko na ang niluluto ni Khate.. lalo tuloy akong nagutom!

"O! Tapos ka na pala!" sabi niya nang mapansin akong pababa ng hagdan.

"Ay hinde! Di pa ko tapos! Maliligo pa nga lang ako e!" I said sarcastically.

Tinangnan niya ako ng masama at inirapan kaya naman ay nag peace sign ako sakaniya.

Aww. Kung nakakamatay lang yung tingin nyang yun, malamang kanina pa ako namatay!

"Joke lang naman." sabi ko habang napapakamot sa ulo.

"Tss. Kumain ka na nga lang! Umagang umaga nang iinis ka! - sabi niya sabay lapag ng pag kain sa mesa.

Hindi na ako nag salita pa. Dumiretso ako sa lamesa at umupo. Nakahanda na ang mga plato at kubyertos kaya naman ay diretso lamon nalang ang ginawa ko.

Pag katapos namin mag almusal, umalis na din agad kami para pumasok.

10 minutes lang naman ang biyahe mula condo hanggang school.

Napag pasyahan nila daddy na mag condo nalang kami malapit sa may school para hindi mahirapan sa araw araw na biyahe.

Malayo pa kase ang bahay namin sa school dahil taga Cavite pa kame.

Ayaw naman ni Daddy na bumiyahe kami mula Cavite hanggang Maynila araw-araw dahil daw siguradong mapapagod lang kami. So, they decided nga na mag condo nalang kami tapos uuwi kami tuwing weekends at walang pasok.

Well, wala namang problema samin yun. Yun nga lang, tuwing linggo lang kami mag kakasama-samang pamilya dahil tuwing sabado ay may pasok din kami.

Mahirap din pero at the same time, natututo kaming maging independent. Well, that's the advantage!

As the time goes by, di ko napansin na nandito na pala kami. Tumigil ang jeep sa tapat ng school at bago ako makababa ay marami pang mga estudyanteng nagsi babaan din. Saglit na napatitig muna ako sa kabuuan ng school habang hinihintay na makababa lahat nang dapat bumaba.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon