Chapter 9

912 16 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, nag aantay na dalawin ng antok.

Pero pano naman ako dadalawin ng antok kung ang saya saya ko at hindi ko makalimutan ang nangyari kanina.

Pfft. Hindi ko mapigilang hindi matawa.

*Flashback*

Naka pwesto na ang lahat at nakahain na rin ang ibang pagkain sa mesa.

Nandito pa ako sa kusina dahil hinahanda ko pa ang soup na niluto ko.

This is it! sabi ng isipan ko na natutuwa sa gagawin ko.

Now, Jake, it's your time to pay.

Nilagay ko sa tray ang mga soup na nakalagay sa maliit na bowl para mabilis ko itong madala sa mesa at mabigay sakanila isa-isa.

Well, mukha akong waiter dito pero duh, who cares? This is my house and i will do what i want. Just this night. I will make this dinner...fun.

"Hey! Here's the soup." sabi ko habang inaabot sakanila isa-isa ang soup.

"It looks delicious, sistaaah!" maarteng saad ni Ate Mich habang pumapalakpak pa.

And yeah. Sister ang tawag nya samin ni Khate. Actually, 'sistaaah' pala. Gusto nya daw kase talaga magkaron ng kapatid na babae. Gusto nyang sya daw ang mag aayos dito, sya ang mag aalaga, sya ang mag iipit ng buhok, etc. At dahil sya ang panganay, dati hiniling nya daw na sana mag karoon sya ng baby 'sistaaah' kaya ng mabuntis ang mommy nya, natuwa sya at pinagdasal na sana babae ang dinadala nito. E kaso nalungkot sya nung malaman na lalaki ang gender ng kapatid nya. At ayun nga, dumating ang pesteng Jake sa mundo.

"Akala ko di mo trip ang pag luluto? Anyare?" nag tatakang tanong ni Kuya Gab.

"Baket masama? Gusto ko lang ipagluto si Ate Mich." sarcastic pero nakangiti kong sagot kay Kuya Gab. At talagang diniinan ko yung pangalan ni Ate Mich.

Nanahimik nalang sya at binigyan ako ng masamng tingin.

And hell yeah! Hindi ko talaga trip ang pagluluto kahit na marunong ako at madaming alam lutuin. Ewan ko ba. Basta ayoko lang. Ang boring kase para saakin at nakakatamad.

"Ang sweet ni Sistaaaah!" tuwang tuwa na si Ate Mich.

Nabigyan ko na lahat pero si Jake, hindi pa. Nananahimik lang sya at nag aantay lang na abutan ko. Gutom na ata.

Tumingin ako sakanya at napatingin naman din sya saakin. Blangkong ekspresyon ang ibinigay ko. Sya naman biglang nag smirk.

Tss. Sige smirk ka pa dyan! Tingnan natin kung makaganyan ka pa mamaya!

Binawian ko sya at nag smirk din ako. Nag taka sya sa inakto ko at napakunot ang noo.

Hah! Akala nya ha!

Bumalik ulit ako sa kusina para kumuha ng soup. Dalawang soup pa ang kukunin ko..

Saakin at sakanya.

Bumalik ako sa table ng may ngiti. Inilapag ko sa harap nya ang bowl na may soup. Masarap itong higupin lalo na't mainit at umuusok-usok pa.

Naupo na rin ako sa mesa at inayos ang sarili ko.

Katabi ko sa kanan si Ate Mich at nasa kaliwa ko sa Khate habang kaharap ko naman ang mokong.

"Ok. Let's pray." dad.

Si daddy ang nag lead sa prayer at pagkatapos ay inumpisan na namin kumain.

Hindi ko maiwasan ang mapatingin kay Jake dahil hinihintay ko kung hihigupin nya na ba yung soup.

Hindi pa nya ginagalaw ito.

Kumain muna ako dahil sa totoo lang ay kanina pa ako nagugutom. Gusto ko na ngang kainin yung mga pagkain kanina sa kitchen. Pero damn! Hindi pwede! Kaya eto, PG ang peg ko.

Natigilan ako, kami sa pag kain ng...

"CRAAAAAAAAAP! IT'S SO HOT!" sigaw ni Jake.

Nataranta naman kami.

"Dude, hot talaga yan. Umuusok pa nga o!" Kuya Vince said sarcastically.

Pfft. Na misunderstood ni Kuya. May katangahan din to. Sisigaw ba yan ng ganyan kung nainitan lang!?

"I MEAN THIS IS SO DAMN HOT AND SPICY!" saad nya at uminom ng tubig tapos nilabas pa ang dila at pinapaypayan pa gamit ang kanyang kamay. Namumula naman ang mukha nya.

"Pfft. So epic." I murmured.

Natatawa ako. Sobra! Pero kailangan kong pigilan dahil mapag hahalataan ako at malagot ako kay daddy. Konti nalang sasabog na ako sa pagpipigil ng tawa

"Paano umanghang yung soup? Hindi naman maanghang yung akin ah!" -Kuya Vince.

"Yung akin din hindi!"

"Ito rin hindi naman."

Sunod sunod nilang sabi. Dang! Yun lang!

Tiningnan naman ako ng masama ni Jake. Kulang nalang ay patayin nya ako sa tingin nya. Grabe lang sa talim.

"It's your fault!" sabi nya.

Tumingin naman ako sa likod ko.

"Tanga! Ikaw!" sigaw nya. Aba makatanga to a! Malay ko ba kung may tao sa likod ko!

"Jake!" saway sakanya ni Tito Richard.

"Cassandra, explain!" seryosong sabi ni daddy.

Jeez. I'm dead! Anong sasabihin kong palusot? Ugh.

"What now?" nakatingin lang sila saakin na tila nag aantay ng ekplenasyon ko.

"Uh. I.. S-Sakin po dapat yun. Sorry." turo ko sa soup at napayuko ako.

"Oh. So ibigsabihin napag palit mo yung saakin at sayo?" tanong ni Jake. Halatang hindi sya naniniwala dahil bakas sa tono ng pananalita nya.

"Y-yeah!" sagot ko.

"O yun naman pala. She didn't mean it." tito Richard.

Phew! Nakahinga ako ng maluwag.

Pero medyo nakokonsensya ako. I lied, sakanilang lahat. Ang tanga ko naman kase! Pero baket sya, nag sinungalin din sya sa harap ng maraming tao noon. Kaya bagay lang sakanya yan!

"But dad-" naputol ang sasabihin nya.

"She said sorry, right? Just accept it!" tito Richard.

"Oo nga, bro! Di naman sinasadya. OA nito." Ate Mich.

"Tss. Fine!" halatang napipilitan sya.

E di wag kang maniwala! I don't need to please you!

Pagkatapos nun, nag usap lang sandali sila daddy at umuwi na din sila Tito Richard. Balak pa nga dapat mag sleep over dito ni Ate Mich kaso may pasok na bukas kaya hindi pwede. Sinabi nalang namin na next weekend nalang para mas mapag handaan din namin.

*End of flashback*

Di ko parin makalimutan! That was so epic!

Dahil sa hindi ako makatulog, naisipan ko muna mag online sa facebook.

Tumitingin tingin ako sa news feed at nag babasa ng kung ano ano.

May nakita akong selfie ng isa sa mga nakilala ko sa facebook.

Aba maganda din naman pala sya. Pero syempre, I'm prettier than her! Boom!

Pero syempre joke lang. Di naman ako mayabang at mataas ang tingin sa sarili.

Minsan talaga may time na pag bored ka tapos may mga nasasabi ka. Minsan pa nga kinakausap mo ang sarili mo o kaya nag iimagine ka ng kung ano anong kahibangan.

Wooh! Ayan na! Nakakaramdam na ako ng antok. K. Logout na. May pasok pa bukas. Mag uumpisa nanaman ang hell days.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon