Chapter 32

420 15 0
                                    

"Tapos ayun, sabi ko oo." utas ko.

Halos magtatatalon si Khate sa sobrang kilig matapos kong ikwento yung buong pangyayari kagabi.

Hapon na nang magising ako. Bumalik din agad kami ni Jake dito sa condo pagkagaling namin sa perya at natulog. Nang magising ako ay wala na sila. Siguro'y hindi na nila ako naantay na gumising kaya umuwi nalang sila.

Kinabukasan ay umuwi kami ni Khate sa bahay dahil linggo. Iniisip ko ding sabihin kila dad na opisyal na kaming mag on ni Jake. Hindi naman istrikto si dad pag dating sa mga relasyong tulad nito basta alam namin ang limitasyon namin. Lagi niyang sinasabi sa amin na kapag papasok kami sa ganitong relasyon o kapag may nagugustuhan kami ay gayahin namin sila Nam at Shone ng crazy little thing called love. Ginawa nilang inspirasyon ang isa't isa para pag butihin ang pag aaral at para maabot ang mga pangarap nila.

Mukha lang seryoso si daddy pero mahilig din yan sa mga teen lovestory. Mas kinikilig pa nga 'yan sa amin minsan. Pero syempre kinakabahan parin ako kapag nalaman na niya ang tungkol sa amin ni Jake. Malay ko ba kung magagalit siya o hindi.

"Weak ka talaga!" sigaw ni Kuya Gab kay kuya Vince nang matalo niya ito sa tekken.

"Ako pa weak? Nakatsamba ka lang, bro. Buti dito nakakatsamba ka. E sa puso kaya ni Mich kailan?" halakhak ni kuya.

Parehas kaming humagalpak ng tawa ni kuya Vince dahil hindi nakasagot si kuya Gab sa sinabi niya. Nag apir pa kami para mas lalo siyang maasar.

"Tantanan niyo ako! Pag buhulin ko kayo dyan, e!" sabi niya at tumayo nang may kumatok sa pinto.

Halos malaglag ang panga namin nang si ate Mich ang iluwa ng pintuan. Pumasok siya kasunod si Jake dahilan para pumula ang mukha ko. Holy cow! What the hell is he doing here!?

"Hi, guys!" bati sa amin ni ate Mich. Lumapit ako para humalik sakaniya. Tiningnan ko lang si Jake na nakangiti sa akin at tumalikod agad dahil pinangungunahan ako ng hiya. Ewan ko ba. Bigla akong nahiya sakaniya. Hindi ko parin lubos na maisip na boyfriend ko na 'tong kumag na 'to!

Bumaba si dad at Khate mula sa taas at bumati din kila ate Mich.

"Hi, tito! Pumunta kami dito kasi miss ko na sila. Alam niyo naman pong once a week lang kaming nakakapag bonding especially ng girls kaya po sorry sa istorbo." utas ni ate Mich. Bahagyang tumawa si daddy at tumango.

"It's okay. Lagi naman kayong welcome dito." sagot ni daddy kaya mahinang napatili si ate at bahagyang napatalon. Halos mapailing nalang si Jake dahil sa kahyper-an ng kapatid niya.

"Girls, marami kayong ikukwento sa akin, especially you." turo sa akin ni ate Mich at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Nakuha ko agad ang mga tingin at ngiti niya sa akin. Napabuga nalang ako ng hangin dahil alam kong wala din naman akong magagawa kung hindi mag kwento. Ihahanda ko na ang katawan ko dahil na-trauma na ako kay Khate dahil halos mag pasa ang katawan ko sa mga kurot at hampas niya kapag kinikilig siya habang nag kukwento ako.

"Cass.." tawag ni daddy. Sinenyasan niya akong sumunod sakaniya sa itaas at sumunod nga ako.

"Teka lang." I mouthed. Sinundan nila kami ng tingin hanggang sa mawala na kami sa mga paningin nila.

"Yes, dad?" tanong ko agad nang makapasok kami sa opisina niya sa kwarto. Umupo kami sa maliit na table sa may malapit sa veranda bago nag salita si dad.

"May dapat ka bang ikwento?" he asked. I was expecting for this. Dad is a good observer. Kapag napansin niyang parang may kakaiba sa mga tao sa paligid niya ay inoobserbahan niya agad, especially sa aming mga anak niya. Lalo na't kilalang kilala niya kami. Syempre, tatay namin siya, buong buhay namin ay nandyan siya sa tabi namin. "Ano ang ibigsabihin ng mga tinginan at ngitiang 'yon?"

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon