Chapter 11

982 14 0
                                    

Nag lalakad kami ngayon nila Khate at Mj papunta sa West building dahil nag yaya sila na mag lakad lakad muna habang vacant pa namin.

Nag kataon na pare-parehas kaming may vacant. Napadaan kami sa mga estudyante na nagkakagulo. Parang may tinitingnan sila sa may bulletin board.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Khate.

"Ewan. Tingnan natin." pag aaya naman ni Mj.

Sumunod lang ako sakanila at nakitingin din sa mga tinitingnan ng mga estudyante.

"Try out passers.." binabasa ni Khate yung nakasulat dun sa bulletin board.

E? Try out passers? Akala ko naman kung ano na.

"For volleyball.. Female category.." pag papatuloy pa rin nya.

Hinayaan ko nalang silang tumingin dun. Wala naman akong pakealam dun dahil hindi din naman ako nag try out.

"Angelica Reyes.. Roxanne Na.. Cassandra Jenny Mendez.. Carla-Ha!?" natigilan sya sa pag babasa.

"CASSANDRA JENNY MENDEZ!?" nag tatakang tumingin sya saakin.

"Ha? Baket?" nag tataka din akong tumingin sakanya.

"Nag try out ka?" tanong nya.

"Ha? Hindi. Baket?" balik kong tanong sakanya.

"Anong hindi? E nandyan yung pangalan mo sa mga try out passers o!" pasigaw nyang sabi.

Ano daw? Nakalagay pangalan ko dun!? Wth!

Agad ko namang tiningnan kung nakalagay nga ang pangalan ko. At pag tingin ko..

"CASSANDRA JENNY MENDEZ!? Pano nangyaring nandyan ang pangalan ko e hindi naman ako nag try out sa volleyball!" pasigaw kong saad. Napatingin naman samin yung ibang mga estudyante kaya nag peace sign nalang ako sakanila.

Hinila nila ako palayo dun at tsaka nila ako kinausap.

"E kung ganun, bakit nandun ang pangalan mo?" -Mj

"Hindi ko talaga alam. Baka nag kamali lang?" pailing iling ko pang sagot.

"Nagkamali? E whole name mo yung nakalagay dun tapos nagkamali?" sarcastic na sabi ni Khate.

"Aba malay ko!"

Hinila ko nalang sila at patuloy na kaming nag lakad. Sinabi ko nalang sakanila na hayaan nalang muna yun at wag nang problemahin. Tutal, pwede naman sigurong ipatanggal ko yung pangalan ko dun dahil hindi naman talaga ako nag try out at wala din naman talaga akong balak na mag varsity sa volleyball dahil naaalala ko lang ang nangyari dati.

--

"Sabi ko sayo mag iingat ka e. Ayan tuloy nadapa ka." nag aalalang sabi sakin ni Paul habang pinapagpag ang dumi ko sa damit.

Kababata ko siya. Siya yung anak ni Tita Flor na sikat at kaibigan ni daddy.

Si Paul, mabait siya, matalino at gwapo. Actually, kahit 13 years old palang kami ay sinundan nya na ang yapak ng kanyang mommy na mag artista.

Kaklase ko sya simula nung grade 3 palang ako hanggang ngayon na second year high school na kami.

"Sorry. Hindi ko kase alam na madulas pala dun." pag palaliwanag ko sakanya.

"Alam mo naman na ayaw kong masasaktan ang future girlfriend ko e." sabi nya na dahilan ng pamumula ng mukha ko.

Bata palang kami inamin nya na sakin na crush nya daw ako. Kinabukasan nun noong birthday ko nung sinabi nya sakin na gusto nya ako.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon