Chapter 34

473 12 0
                                    

Nang matapos ang huling exam namin ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Halos lahat ng mga kaklase ko ay nakahanda nang umuwi at salubungin ang pinakahihintay na sembreak. Lahat ay masaya at malalakas na pag hinga ang pinakawalan nang maipasa ang pinaka huling exam namin ngayong sem.

"Pag tayo nakalabas na sa pintong 'yan, sembreak na!" sigaw ng isa kong kaklase. Napuno ang room ng hiyawan. Maski kami ni Khate ay nakisigaw dahil sa tuwa. Kahit na alam kong hindi ko rin maeenjoy ang sembreak ay gusto ko munang magpakasaya at isiping natapos na ang isang sem... isang sem na punung-puno ng pag hihirap.

Pag labas namin sa room ay agad kong natanaw sila Jake na nakaupo sa bench. Tumayo siya nang makita ako at lumapit sa akin. Inakbayan niya ako at hinalikan sa noo. Gusto kong kiligin pero nahihiya ako dahil sa mga taong nakatingin sa amin. Hinayaan ko lang ang kamay niya sa mga balikat ko at diretso kami naglakad. Sumunod lang sa amin sila Tom, Khate, Jeron at iba pa nilang mga kateam habang binibigyan ako ng nakakalokong tingin. Inirapan ko lang sila at hindi pinansin dahil alam kong hindi nila ako titigilan sa mga tingin at ngiti nilang nakakaloko. Alam mo 'yong kapag dumaan yung crush mo tapos yung mga kaibigan mo bigla kang kakalabitin tapos ngingitian at titingnan ka na akala mo sila yung kinikilig? Ganon. Napailing nalang ako.

Nang mapadaan kami sa may soccer field ay natanaw namin ang soccer team na naglalaro. Halos tumigil sila nang mapansin kami na dumadaan sa may gilid malapit sakanila. Kita ko ang mga nag aalab na tingin nila sa basketball team na kasama ko lalo na sila Jake at Paul. Parang kulang nalang ay mabali ang mga leeg nila dahil hindi sila nagpatinag sa titigan nila habang patuloy kami sa paglalakad palayo. Nakaramdam ako ng kaba dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyayari sa pagitan nila.

"Jake.." kalabit ko sakaniya para ialis ang atensyon niya kanila Paul. Agad siyang lumingon sa akin at hinintay ang susunod kong sasabihin. "Saan tayo pupunta?" tanong ko kahit na ang gusto kong itanong ay kung bakit ganon ang tingin sakanila ng soccer team.

"Uuwi." sabi niya at lumingon kanila Jeron na nasa likod namin. Binalot kami ng katahimikan. Mga yabag lang ng mga paa namin ang maririnig. Gusto ko silang tanungin kung bakit parang nawala ang kakulitan nila simula nang dumaan kami doon pero hindi ko na nagawa dahil maski ako ay gusto ko nalang manahimik dahil pakiramdam ko ay lahat sila wala sa mood na makipag usap sa ngayon.

Pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw ay hindi natatapos ang araw ko na hindi nadadagdagan ang mga katanungang bumabagabag sa akin. Parami nang parami na parang sasabog na ang utak ko dahil sa kakaisip. Gusto kong masagot lahat iyon. Gusto kong malaman lahat ng ano, bakit, paano, saan at kailan... lahat ng tanong na patuloy akong ginugulo.

Nang makarating kami sa condo ay kinuha agad ni Khate ang susi para buksan ang pinto ng unit namin. Lahat sila ay sumama dito. Para kaming may pupuntahang liga sa isang barangay dahil sa dami namin. Idagdag pang naka jersey sila na halatang kagagaling lang sa training. Halos mapuno agad ang jeep na sinakyan namin kanina buti nalang ay walang masiyadong sakay kaya lahat kami ay nagkasya.

Nang mabuksan na ni Khate ang pinto ay nauna na siyang pumasok. Kung kanina ay tahimik at wala kang maririnig na ingay mula sakanila, ngayon naman ay halos balutin na ng kaingayan itong buong building dahil sa lakas ng kwentuhan at tawanan nila. Napapailing nalang ako dahil sa hiya para sa ibang mga tao na nasa loob ng kani-kanilang unit.

Nagpaalam lang ako kay Jake bago pumasok. Sinabi niyang may mga pag uusapan lang sila ng mga kateam niya kaya sinama niya dito. Biniro ko pa silang baka mag inuman lang sila at halos pag tawanan nila ako dahil hindi naman daw nila gawain 'yon lalo na't strict daw ang mga parents nila. Napapailing nalang akong pumasok sa loob. Naupo ako sa couch at pumikit.

"Anong meron sa soccer at basketball team? Parang may kakaiba sakanila kanina." utas ni Khate bago tumabi sa akin.

Dumilat ako at tiningnan ko siya. Alam kong napansin niya din ang tensyon na bumabalot sakanila kanina lalo na kila Paul at Jake, at natatakot ako para doon. Kahapon lang ay nag suntukan sila at siguro ay hindi parin sila nagkakaayos kaya ganun nalang ang epekto lalo na sa kaniya-kaniyang kapwa nila manlalaro at estudyante.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon