Chapter 13

888 15 7
                                    

"You know what? The more you ignores me, the more i adore you."

"And you're the girl I'm looking for." dagdag pa nya.

I was dumbfounded by his words.

Nakatingin lang ako sakanya na wari'y iniisip kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi nya.

Nakatingin lang din sya saakin na walang reaksyon ang mukha.

Seryoso ba sya? Ano'ng ibig nyang iparating sa sinabi nya?

Ilang minuto din kaming ganun ang posisyon.

dug dug dug..

What the heck!? Ano ba to? Please.. tulong! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mamamatay na ata ako.

*Kriiing*

Natauhan kami pareho nung biglang nag ring yung bell.

Dali dali akong tumayo at pinagpagan ang damit ko.

"Ah. S-sige. Mau-mauuna na a-ako." pautal utal na sabi ko sakanya at dali dali na akong nag lakad papunta sa klase ko.

Salamat sa bell! Saved by the bell nanaman ako!

Hanggang sa paglalakad ko ay hindi ko parin makalimutan yung nangyari kanina at para akong tanga na nagsasalita mag isa.

"Aray!" nasambit ko nalang nang may nabunggo ako.

"Sorry, Miss. Hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo e." mayabang na saad ng nakabunggo sakin.

Aba ha! Ako pa ang hindi natingin sa dinadaanan ko ha? Kapal.

"E kung hindi ako natingin sa dinadaanan ko, pano ka pa kaya? Mabubunggo ba ako sayo kung natingin ka din sa dinadaanan mo?" mataray kong sabi sakanya.

"Oo nga, pare."

"Nga naman. Tama naman si Ateng Chix."

Rinig kong sabi ng mga kasama nya. Mga anim sila e tapos nakasuot pa sila ng uniform ng varsity. Soccer players ata sila.

"Tss. Sa susunod kase, mag iingat ka. Di mo ako kilala." bulong nya malapit sa tenga ko at dire-diretsong naglakad kasama yung lima pang lalaki.

"As if I care!" sigaw ko sakanya.

Bwisit! Sayang ang kagwapuhan mo kung sobrang sama ng ugali mo! Mamatay ka na! Joke.

Dire-diretsong naglakad nalang ako sa hallway. Hindi pinag aaksayahan ng oras ang mga ganung tao.

Baket kaya ganun? Pinagpala nga sila ng kagwapuhan pero hindi sila pinagpala ng kabaitan?

Sabi nga nila, walang taong perpekto. Kahit gaano pa kaganda ang panlabas na anyo ng tao, meron at meron kang makikitang ibang bagay na hindi mo magugustuhan. Maaaring hindi sa pisikal na aspeto, pero maaring sa ibang aspeto.

Ano daw? Ano bang pinagsasabi ko?

Sakto lang ang dating ko sa room. Wala pa ang professor namin pero nakita ko na nandun na si Khate.

Nilibot ko pa ang paningin ko at nakita ko si Jake. Agad akong umiwas ng magtama ang mga mata namin.

Sht. Hindi ko naman alam na kaklase ko pala to ngayon.

Agad na umupo ako sa tabi ng upuan ni Khate. Nasa likod ko naman ang kumag.

Saktong dumating ang professor namin at nag umpisa ng mag discuss.

Nawala ang atensyon ko sa nagsasalitang professor namin nang may papel na bumagsak sa upuan ko mula sa likod.

Tiningnan ko ang papel at may naka-drawing na bomba tapos may nakasulat na 'BOMBA!'

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon