Chapter 12

903 18 1
                                    

"Hoy! Tayo na't kumain!" sigaw ni Mj na nasa kitchen.

Nakaupo ako sa may couch habang nag aaral dahil baka mag karoon kami ng short quiz bukas. May pagka GC (Grade Concious) pa naman ako.

Syempre, kailangan mag aral ng maigi para din sa kinabukasan. Naks!

"Oo. Susunod na!" sigaw ko din pabalik sakanya.

Siya ang nag luto ngayon. Pinilit namin sya ni Khate na sya na ang mag handa ng pagkain namin. Tutal, makikitulog naman sya dito e. Kaya no choice sya kundi magluto.

Akala mo ibang tao e. Pinsan naman namin!

"Hoy! Kakain ba kayo o itatapon ko tong mga pagkain na to?" sigaw nya ulit.

"Are you nuts!? Eto na nga o!" sigaw ko ulit pabalik.

Tumayo na ako para kumain. Takot ko nalang na baka totohanin nya yun no!

Bumaba na rin si Khate galing sa kwarto nya at dumiretso na kami sa kitchen.

"Oy boy! Congrats pala ha!" sabi sakin ni Mj pagka upo ko.

Boy talaga? Mukha ba akong boy? Pati ako dinadamay sa katibuan e.

"Congats?" takang tanong ko habang nag sasandok ng pagkain.

"Diba varsity ka na? Naks! Ayieee. Kenekeleg."  pang aasar nya.

"Kinikilig? Bakit ako kikiligin? Varsity naman ako dati?"

"E syempre iba na ngayon. College ka na e atsaka sa dream school mo pa." biglang singit naman ni Khate sa pag uusap namin ni Mj.

"Pwede ba.. Mamaya nyo na nga ako kausapin! Nakain yung tao e!" mataray kong sabi sakanila.

"Woah. Easy lang boy. Mananahimik na." sabi ni Mj

Ayoko pa naman na iniistorbo ako pag nakain. Napaka dadaldal e. Ang sarap lang pag babatuhin ng kutsara't tinidor.

Pagkatapos namin kumain ay kanya kanya naming niligpit ang mga pinagkainan namin at nagsi puntahan na kami sa kwarto namin.

Si Khate at Mj ay magkasama sa kwarto ni Khate at ako naman ay mag isa lang dito sa kwarto ko. Ayoko kase ng istorbo lalo na pag nag aaral ako dahil siguradong puro kadaldalan lang ang gagawin niyang dalawang yan.

After 2 hours.. kow yown! Natapos na ako mag aral. Actually, sa 2 hours na yun, pang tamad parin para sakin yung ganung oras ng pagrereview. Dati kase pag nag aaral ako, 4-5 hours ang inaabot ko sa isang subject. Sinisigurado ko kase lagi na kahit isang impormasyon ay wala akong makakalimutan. Sabi ko nga e, may pagka GC kase ako.

Matutulog na sana ako nang biglang mag ring ang cellphone ko kaya napabalikwas ako sa kama ko.

Bwisit! Malapit na akong managinip tapos biglang mauudlot! Wth!

Tiningnan ko kung sino ang natawag pero number lang ang nalabas. Malamang hindi nakasave dito sa contacts ko.

"Hell yeah! Sino ka?" sagot ko sa kung sino mang impakto o impakta na natawag sakin ng gantong oras.

"Pfft." rinig kong parang nag pipigil ng tawa ang nasa kabilang linya.

"Hey! Who the hell are you!?" tanong ko.

"Mag tago ka.. may bombang nakatanim sa ilalim ng kama mo. Pfft." pag iiba ng boses ng nasa kabilang linya.

Pakiramdam ko hindi lang nag iisa tong natawag sakin e. Parang madami sila.

Sa sobrang inis ko ay inend call ko nalang at pinatay ang cellphone ko.

Bahala sila sa mga life nila!

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon