Chapter 35

438 13 0
                                    

First day of second sem. Nagkukumahog nanaman ang mga estudyante papunta sa kani-kanilang classroom.

Nang parehas na kaming makapasok ni Khate sa loob ng university ay sabay naming tinahak ang daan papunta sa west building para na rin hanapin ang room namin sa oras na iyon. Nakasalubong pa namin ang mga ilang kakilala namin at nakipag batian sakanila.

Naging busy ako sa buong tatlong linggo dahil sa pag hahanda sa darating na laban namin. Nakakapagod pero masaya at masasabi kong kahit hindi kami nakapag pahinga ay naenjoy parin namin ang sembreak dahil sa araw-araw ay sila Tom ang kasama ko na laging umaaliw sa amin tuwing may training kami. Nakakatuwa dahil marami ang mga araw na magkakasama at nakakapag bonding kaming magkakaibigan at dahil don ay mas nakilala ko pa sila.

Nag paalam sa akin si Khate nang makita na niya ang room niya para sa oras na 'yon. Nag hiwalay kami ng landas at hinanap ko din ang room ko.

Hindi na kami mag kaklase ulit ni Khate ngayong sem dahil mas nauna akong nakapag enroll sakaniya. Araw-araw akong nandito sa eskwelahan nung sembreak kaya agad akong nagpaenroll para sa amin ni Khate pero hindi pumayag ang staff ng school kung hindi siya mismo ang mag papaenroll sa sarili niya. May mga form pa kasing dapat fill up-an at pirmahan. Ang nangyari ay late enrollee siya dahil sa katamaran niyang pumunta dito.

Halos mapatalon ako dahil sa gulat nang may humila sa akin sa may gilid ng isang room. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Paul.

"Paul?" utas ko. Ngumiti siya at napakamot sa ulo.

"Uh, papasok ka na? Hatid na kita." sabi niya. Tumango ako at nag patuloy ulit sa pag lakad paakyat ng hagdan. Susme! Akala ko kung ano! I murmured.

Nag sorry sa akin si Paul noong nakaraang linggo dahil sa pag aaway nila ni Jake. Tinanggap ko ito, syempre. Pero hindi ko alam kung nagkaayos ba sila o kung anong dahilan ng pag aaway nila dahil wala naman siyang nabanggit sa akin. Hindi na ako nag lakas loob na tanungin pa dahil mas magandang kalimutan nalang iyon. Sa palagay ko naman ay nagka ayos ayos na sila maski ang kani-kanilang kateam dahil wala ng tensyon tuwing nagkikita o nagkakasalubong sila.

Wala na ring ilangan sa pagitan naming dalawa dahil inalok niya akong maging kaibigan niya ulit. Pumayag ako dahil magkaibigan lang naman. Wala namang kaso sa akin yun dahil kinalimutan ko na rin kung anong meron sa amin noon.

"Magkakilala pala kayo ni Clarisse?" tanong ko sakaniya. Agad niya akong nilingon pero agad ding nag iwas ng tingin sa akin.

"Ah, oo. Dito ko lang din siya nakilala." sagot niya na hindi nakatingin sa akin. Tumango lang ako.

Hinatid niya ako hanggang room at nang makapasok ako sa loob ay umalis din agad siya.

Sakto lang ang dating ko dahil agad ding dumating ang professor namin para sa subject na 'yon. Dalawang oras ang klase namin sakaniya kaya nang matapos iyon ay pumunta na kami ng mga kaklase ko sa computer lab para sa dalawang oras pa naming klase bago ang break.

Kasama ko ang mga kaklase ko noong first sem na kaklase ko ulit ngayon. Yung iba ay tinatanong kung bakit hindi ko na kaklase si Khate kaya ikinukwento ko sakanila ang dahilan.

"Yung pumalit daw na prof sa programming natin ay terror." utas ng kaklase kong si Hana.

"Hala, malala kay sir Negrito?" tanong ni Aby.

"Ewan ko lang. Pero si sir Negrito kasi medyo baliw, e." natatawang sagot ni Hana. Nag tawanan kami dahil sa sinabi niya.

"Baliw nga. Lagi kaming pinag iinitan." natatawang sabi ko.

Tinungo namin ang complab na tumatawa dahil sa mga naalala naming pangyayari nung first sem lalo na kapag napag uusapan si sir Negrito.

Nang makapasok kami sa lab ay nag hanap kami ng mauupuan. Pinili naming umupo sa may unahan para mas makapag focus kami sa discussion.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon