Chapter 10

1.1K 15 10
                                    

Monday morning.

Jeez. Wake up, sleepy head! Antok na antok pa talaga ako kaso kailangan gumising ng sobrang aga dahil babyahe pa kami ng ilang oras.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para mag hilamos at para na rin mahimas-masan.

Eksaktong 5 o'clock na. Aalis kami dito sa bahay ng alas sais at baka mga eight na kami makakarating dahil paniguradong traffic ngayon dahil monday. Nine pa naman ang klase ko. Kung nag kataon na mas maaga ang pasok ko, siguradong mas maaga din ang gising ko.

Ang sakit lang sa ulo dahil ang sarap ng tulog mo tapos biglang tutunog ng malakas yung alarm clock mo. Ugh!

Tahimik lang kami na nabyahe. Nakaupo ako sa katabi ng driver's seat habang si Khate naman ay nasa likod at mukhang inaantok pa. Si Mang Ed ay nag ddrive lang ng tahimik at ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana at tinitingnan ang tanawin.

"Cass." pag basag ni Khate sa katahimikan.

"Oh?" sagot ko habang nakatingin parin sa bintana.

"Sira ulo ka kagabi." natatawang sabi nya.

Ano daw? Sira ulo ako kagabi? Wth!

"Ha?" nagtatakang tanong ko.

"Yung ginawa mo kagabi." pagpipigil parin nya ng tawa. "Yung kay Jake." dugtong nya. Pero pag banggit nya ng pangalan ni Jake, hindi nya na napigilan ang tumawa.

"How did you know?" nagtataka paring tanong ko.

"Psh. Ako pa! Kilala kita! Hahaha." para po syang baliw at tumatawa parin. "Inoobserbahan kaya kita." dugtong pa nya.

Kaya pala pag alis nila Ate Mich kahapon parang gusto pa ako kausapin nitong baliw na to. Tapos napapatawa pa. E dahil siguro alam nya na napagod ako kaya di muna ako kinausap.

"Ahh. Haha! Quiet ka lang!" natatawa ko ring saad. Shet! Naaalala ko nanaman ang epic na mukha ni Jake.

"Lupet mo! Hahaha! Don't worry tayo lang makakaalam." sabi nya pero napatingin din sya kay Mang Ed. "At si Mang Ed." dugtong pa nya.

"Kayo talagang mga bata kayo." -Mang Ed.

"E kase-"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang mag ring ang cellphone ko.

Agad ko naman itong kinuha at sinagot.

"Oh hey?" walang gana kong sagot.

"Pinsaaaaan!" ay putek. Muntikan na akong mabingi sa sigaw nitong pinsan ko.

"Aray ha! Makasigaw lang wagas!" sarcastic kong sabi. "Bakit ba?" dagdag ko.

"Saan ka nag aaral?"

"Sa AU." walang gana kong sagot.

"Oh God! Dun na din ako mag aaral!" Ha? Dun sya mag aaral? O-EM-G!

"Talaga?" medyo naeexcite kong tanong. Yay! Pag nag kataon baka mag kaklase kami. Masaya to. Mwehehe!

"Oo. Oo!" excited nyang saad. "O sige. Kita nalang tayo. Text nalang kita!" dagdag pa nya.

Di na ako nakapag paalam dahil agad nya ding binaba.

"Sino yun?" ang halatang kanina pang nagtataka na si Khate.

"Si MJ." sagot ko.

"Oh. Ano daw?"

"Khate, sa AU na daw sya mag aaral!" excited kong sabi. Nanlaki naman ang mata ni Khate sa sinabi ko.

"Talaga? OMG! Ang saya nyan!" excited at pumapalakpak pa nyang sabi.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon