Chapter 8

966 16 0
                                    

Sunday morning.

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Sunday kaya kailangang gumising ng maaga. It's God's day! And I'm happy to serve Him!

Pumunta na ako sa banyo para maligo. Medyo inaantok pa ako pero carry naman.

Pagkatapos kong maligo, lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba.

Nakaayos na rin pala sila Kuya, daddy at Khate. Akala ko ako na ang pinaka maaga, hindi pala.

"Good morning, munting prinsesa sa tasa na may kalabasa!" nakangiting bati ni Kuya Gab.

"Pfft" narinig ko namang pag pipigil ng tawa nila Kuya Vince at Khate.

Sunday na sunday e kung ano ano nanaman pinagsasabi. Magantihan nga.

"Good morning din, Gabriel Mendez na walang pag asa sa crush nya!" mapang asar at masigla kong bati.

"Boom panes! Hahahaha!" sabay na sabi nila Khate at Kuya Vince na humahagalpak ng tawa.

Back up lang 'tong dalawa. Hindi ko alam kung kanino ba sila kampi, e.

"Tss." yan nalang ang nasabi ni Kuya Gab. Actually, may pag asa naman sana sya kay Ate Mich e, kung hindi lang sya siguro torpe. Well, wala na din naman akong balita kay Ate Mich. E matagal ko na syang hindi nakikita. Diba nga pagkatapos nung birthday ko noon ay hindi ko na ulit sila nakita, except kay Jake. Sana nga si Sam makita ko ulit. Nasan na kaya siya? Siguro mas lalo syang gumwapo? Tapos mas naging gentleman at sweet.

"Enough. Kumain na tayo." pag aawat samin ni daddy.

Natapos kaming mag almusal at umalis na din kami agad sa bahay para pumunta sa church.

-

Jake's POV

5 PM na pala. Kailangan ko pang mag ayos dahil aalis na kami ng bahay papunta kila Jenny. Yup! Kila Jenny. I like to call her Jenny.. katulad ng tawag ko sakanya noon. It sounds unique at ang sarap niyang asarin.

Doon kase sa bahay nila mag uusap sila dad at yung daddy ni Jenny about business matters. At gusto din daw ni dad na makita ulit yung mga anak ni Tito Ric at dun na rin daw kami mag ddinner.

Naalala ko pa si Tito Ric nung birthday ni Jenny dati. It's been a long time since I saw him and his family, especially Jenny.

Hindi ko din naman akalain na si Jenny pala yung batang binully ko noon. Nalaman ko lang nung nag search ako tungkol sakanya at nakita kong anak nga sya ni Tito Ric. Sa palagay ko naman, hindi nya pa alam na ako yung pilyong bata na umaway sakanya dati. Kaya siguro itinadhana na magkita ulit kami para ituloy ko yung pang bbully ko sakanya noon. Pang bubully nga ba? My mind frowned.

Natatawa ako pag naaalala ko yung pag apak ko sakanya noon at pag bigay ko nung cupcake na maanghang.

Hindi ko alam kung bakit sa dinami rami ng tao dun, sya pa mismong birthday celebrant ang napag tripan ko. Napansin ko agad siya noon. Nagandahan ako simula nung makita ko agad siya. Nahiya lang ako kaya idinaan ko sa pang iinis ang pagpapapansin sakaniya.

Well, siguradong magugulat siya mamaya pag nakita nya ako.

But.. masaya ba ako dahil mabubully ko ulit siya? o dahil.. ok, enough!

Pagkatapos kong maligo, diretso nag bihis na ako. Maya-maya lang aalis na kami.

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba sa sala. Naabutan kong nanunuod ng TWD yung kapatid ko kaya tinabihan ko na.

"Hey, bro! Sino ka date?" tanong ni ate Mich nang mapansin agad ako.

Sa dami ng itatanong, 'sino ka date' talaga? Hindi ba pwedeng 'saan ang punta' o kaya 'bakit sobrang pogi mo?' LOL"

"Sa bahay ni Tito Ric." walang gana kong sagot.

"Really? Bakit hindi ako kasama?"

"IDK." walang gana kong sagot ulit. Malay ko ba kung ayaw kang isama ni dad. Psh.

"Sasama ako! Daaaaaaad! Sasama ako sainyo kila Tito Ric! I'll go change lang ha!" sigaw nya. ayan nanaman sa kaingayan yang kapatid ko. Pwede namang puntahan nalang nya si daddy kesa nag sisisigaw sya. Tss. Pasalamat sya mas matanda sya sakin.

Paalis na kami dito sa bahay. Buti naman maagang natapos si Ate Mich sa pag aayos nya. Kadalasan kase isang taon bago sya matapos sa pag aayos sa sarili nya. Ok OA yung isang taon.

"OMG. Makikita ko ulit sila! Lalo na si Cass! Siguro mas gumanda sya ngayon!" excited na si Ate Mich. Nag uumpisa nanaman syang dumaldal.

hindi ko sya pinansin. ingay nya e baka sakaling pag hindi ko kinausap mananahimik nalang sya.

"Kadalasan kase si Vince at Gab lang ang nakikita ko e." akala ko naman mananahimik na.

"Hey! Talk to me naman! Dad oh si Jake!" tss. Parang bata. Ang tanda tanda na e.

Dapat masaya ako ngayon e dahil susurpresahin ko si Jenny. Pero panira 'tong kadaldalan ni Ate.

-

Finally, nandito na kami! Salamat naman dahil makakawala na ako sa kaingayan ng ate ko!

Sinalubong kami ng mga katulong nila. Ang laki ng bahay nila. Mansyon parin pero iba na yung ayos sa dati.

"Hi Tito Richard, Mich at Jake!" salubong samin nung dalawang lalaki na anak ata ni Tito Ric.

Naalala ko sila pero di ko na maalala ang pangalan.

"Si Vince at Gab yan." bulong sakin ni Ate Mich. Tumango lang ako.

Bumati din kami sakanila at pinapasok na kami sa loob. Nakita ko si tito Ric at Khate pero si Jenny, hindi pa. Nag tataka din ako dahil wala ang mommy nila dito. Siguro magkasama sila ni Jenny.

"Hi Jake!" bati sakin ni Khate.

"Oh. Hey! Where's- uhm. Nothing" itatanong ko sana kung nasan si Jenny kaso wag nalang. Baka sabihin yun agad ang hinahanap ko.

"Come. Upo kayo." utas ni tito Ric.

"Tito Ric, where's Cassandra?" tanong ni ate. Buti naman tinanong nya.

"Nasa kitchen. Pwede mo syang puntahan dun. Khate, samahan mo si Michelle pumunta kay Cass." sagot niya.

Tumayo na sila at pinuntahan si Jenny.

"Ang laki mo na ah! Parang dati baby ka pa lang!"

"Oo nga po e. Hehe." rinig kong usapan nila ate at Khate. Pinakilala naman ni Dad si Ate kay Khate kaya ayun, mag kakilala na sila.

Naiwan kaming mga lalaki dito sa living room. Kinausap ko nalang sila Kuya Vince at Kuya Gab para hindi naman ako loner dito.

-

Michelle's POV

"Caaaaaaaass!" sigaw ko pagkakitang pagkakita ko kay Cass.

"Ate Mich!" sigaw din nya at niyakap ako.

Grabe. Mas gumanda nga sya. Ang gandang bata nito! Manang mana sakin! LOL!

"So ano? Kamusta?"

"Ok lang naman. Eto malaki na. Ang liliit pa kase natin nung huli tayong magkita e."

"Ayan! May mga sisters na akong girl. Ikaw at si Khate! Dapat hindi ako kasama dito e, kaso nalaman kong pupunta sila dito kaya sumama ako. I'm glad that we meet again!" eto nanaman ang kadaldalan ko.

"Kami din. Mas lalo ka pang gumanda Ate Mich!" aba napaka honest talaga nitong si Cass.

"Enebe. Hahaha!" pag iinarte ko.

"Ay grabe. May kasama na kami sa kalokohan!" isa pang magandang bata. Si Khate. Aba e kegaganda naman talaga ng lahi ng mga Mendez at lahi namin, e!

"Syempre. Hang out tayo minsan ha?"

"Sure." sabay nilang sabi.

At ayun, nauwi nalang kami sa kwentuhan at daldalan.

Nag sama-sama nanaman ang mga dyosa at ang mga magagandang lahi. Bawal ang kumontra!

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon