Chapter 3

1.1K 21 0
                                    

Pag dating na pag dating namin sa condo, dumiretso na agad si Khate sa kusina para mag luto. Gutom na gutom na daw kasi sya. Maski ako gutom na din.

Hindi bago 'to sakin, dahil lagi naman akong gutom. Pero sya? Yun ang bago.

Dumiretso na ako sa kwarto ko. Aayusin ko lang yung mga gamit ko na hindi ko pa naaayos habang maaga pa at hinihintay yung pagkain.

Dahil bored ako ay binuksan ko muna yung TV para naman may mapagtuonan ng pansin habang nag aayos.

Wala akong nagustuhan sa kahit anong palabas na lumabas sa screen kaya napag pasyahan kong ilipat nalang ito sa sports channel.

Paglipat ko ay basketball game. Sino ba yung nag lalaro? Tanong ko sa isipan.

Nang tiningnan ko ito ng maigi ay napansin kong AU high school branch ang nag lalaro laban sa ibang school. Nag iniy ang ulo ko nang itutok ang camera sa isang pamilyar na lalaki kaya naman ay pinatay ko nalang ang TV.

Mas okey ng wag na lang manuod kesa ang makikita ko lang naman sa screen ay yung Jake. Diba?

Pag katapos kong ayusin yung gamit ko, bumaba na agad ako para kumain. Naabutan kong nag aayos si Khate ng lamesa. Nilagay niya doon ang mga pagkaing niluto niya at mga plato namin at kubyertos.

Nag angat siya ng tingin sa akin. "Sakto. Luto na 'to!" utas niya at kumuha ng baso at inilapag ito sa lamesa.

Pumwesto na ako at naupo. "Gutom na ako. Ano ba yang niluto mo?" tanong ko sakaniya.

"Adobo." sagot niya.

Napatitig ko sa adobo at napangiti. "Aw. Paborito ko." sabi ko at agad na nag sandok ng kanin at ulam.

Paborito ko talaga ang adobo. Nakakamiss din kumain nito. Matagal na akong hindi kumakain nito simula nung namatay si mommy.

Kumakain lang kasi ako dati ng adobo kapag sya ang nag luluto. Pero ngayon, wala na sya, e. Matagal noon bago ako naka recover sa pag kamatay ni mommy. Ang hirap kasi tanggapin na wala na siya. And worst, ako pa ang dahilan ng pag kawala niya.

Umupo si Khate sa harapan ko at tinitigan ako. "Cass, do you miss her?" biglang tanong sakin ni Khate.

Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Agad ko naman itong pinunasan.

"Hmm. Yeah." sagot ko at sumubo para mawala ang pagiging awlward ng paligid.

"Ako din. Sorry kung ipinaalala ko pa sya sayo. Sinubukan ko lang din mag luto ng adobo. Baka kase kumain ka na ulit nito." sabi niya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Nginitian ko siya.

"Ok lang. Syempre kakainin ko yan. Luto mo yan e!" pilit na ngumiti ako sakaniya.

"Talaga?" masayang tanong niya.

"Ano ka ba! Oo nga. Atsaka kailangan ko na din tanggalin yung lungkot ng pagkawala ni mommy. Pag tuwing kakain ako nito, iisipin ko nalang yung happy memories na kasama ko sya." utas ko at nag umpisa ulit sumubo. Nag sandok na rin siya ng kanin at ulam para sabayan akong kumain.

Nakakatuwa si Khate. Kahit kelan talaga, super caring nyan. Hindi yan sumuko sa pag intindi saken.

Parang siya nga ang ate ko e. Mahal na mahal ko talaga 'tong kapatid ko kahit na may pagka aning-aning.

"Busog." nag burp ako pagkatapos kumain.

"Halata nga, e" sabi niya nang napapailing.

"Ako na mag huhugas." utas ko at tumayo na para mag umpisa nang ligpitin ang mga pinagkainan namin.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon