Chapter 37

414 9 1
                                    

Nang bumukas ang elevator at makitang may mga taong nakatayo sa labas nito ay agad kong itinulak si Jake na nasa harapan ko. Inayos ko ang sarili ko na parang walang nangyari.

Pumasok ang mga tao at agad sumara ang pinto ng elevator dahilan para tumahimik ang buong paligid.

Awkwardness overload.

Rinig ko ang bahagyang pag tawa ni Jake na nasa gilid ko. Kinurot ko siya ng mahina sa tagiliran kaya napaatras siya at muntik na niyang matapakan ang nasa likuran niya. "Tsk. Behave." Mahinang sabi ko at inirapan siya.

Kung hindi sana kami naabutan ng mga taong ito sa ganong posisyon ay hindi siguro ako nakakaramdam ng hiya ngayon.

Bwisit kasi! Ano bang trip nitong baliw na lalaking 'to? Nawala tuloy bigla ang antok ko!

Nang huminto ang elevator sa pang sampung palapag ay agad kong hinila si Jake na bumaba doon. Malalim ang pag hinga ko nang tuluyang makaalis kami doon dahil pakiramdam ko ay hindi ako masyadong nakahinga dahil sa sobrang katahimikan at hiyang dinanas ko habang nasa loob ako.

"Take it slow, babe." bahagyang humalakhak siya at binagalan ang lakad.

Tumalim ang tingin ko sakaniya. "Heh! Bwisit ka!" sabi ko at binilisan ulit ang lakad. Narinig ko ang pag tawa niya sa likuran ko.

"I really like you that way." sabi niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong may nag lalarong ngiti sa mga labi niya.

Hinatid niya lang ako sa unit ko at nag paalam tsaka umalis at bumalik sa unit niyang katapat lang naman ng akin.

Ilang minuto akong nakaupo sa couch habang hinihintay ang kapatid ko para makapag pahinga na kami pareho. Maya maya ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Khate. Pabagsak siyang umupo sa tabi ko.

Sandali ko siyang tinitigan pababa sa t-shirt na suot niya. "Saan galing 'yang t-shirt mo?" tanong ko na sa damit parin ang tingin.

Nilingon niya ako. "Pinagawa ko." sagot niya at umupo nang maayos. "Kilala mo si Elijah? Yung fictional character sa kwento ni Jonah?" umiling ako sa tanong niya. "Siya ang nag sabi nitong mga salitang nasa t-shirt ko. Yun nga lang ay ang saktong sinabi niya ay 'Love is war. I am your soldier' at hindi ganito." tinuro niya ang damit niya at bahagyang tumawa.

Tumango lang ako. Sandali kaming natahimik bago ko naisipang mag salita muli nang may maalala. "Kamusta date niyo ni Jeron?" nakangiting tanong ko.

Agad na lumingon siya sa akin at nasundan ng nakakabinging tili niya ang buong unit. "Hindi mo alam kung gaano ako nag pigil na mag hysterical sa sobrang kilig kanina!"

Inubos namin ang oras sa buong gabing iyon sa pag kukwentuhan tungkol sa nangyari sa buong mag hapon na kasama namin ang dalawang lalaking iyon hanggang sa dinalaw kami ng antok. Naikwento ko din sakaniya ang tungkol kay Tom at katulad ng naging reaksyon ko ay ganon din ang sakaniya. Pinili namin parehas na hindi makealam kanila Tom at Mj dahil alam naming mas makabubuting sila mismo ang aayos sa problema nila. It's their story anyway. Nandito lang kami para sumuporta at hindi makialam.

Kinabukasan ay ang tumutunog kong cellphone ang gumising sa akin. Tinawagan ako ni daddy para i-good luck sa laban namin mamayang hapon. Yes! Ngayong araw na ang labang matagal naming pinag handaan. Hindi ako nag abalang intindihin ito kahapon dahil sinabi din sa amin ni coach na ibibigay nila ang oras sa amin kahapon para kalimutan muna ang laban at mag relax, and I just did what he said.

Sunud-sunod na mga tawag pa ang natanggap ko mula kanila kuya, ate Mich, at sa mga pinsan at kaibigan ko para lang sabihing good luck at galingan ko sa laban namin.

Nakangiti akong bumangon sa kama ko dahil sa suportang ibinibigay nila sa akin. First game namin ito. At bukod sa excited ako ay may halong kaba din akong nararamdaman dahil alam kong may media na mag pi-feature sa game namin. Well, isa ang AU sa mga prestihiyosong unibersidad sa pilipinas, plus ang unibersidad na makakalaban namin ay ganon din kaya hindi na nakapag tataka na may media doon.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon