Chapter 15

895 12 0
                                    

Saturday.

Kakagaling ko lang sa huling klase ko. Half day lang kami ngayon dahil Saturday.

Nakakatamad! Bakit pa kase may pasok tuwing sabado dito e? Saturday must be rest day!

E teka. Hindi pala pwedeng mag rest ngayon dahil gagawa pa pala kami ng report ni kumag.

"Teka lang, Khate. Pupuntahan ko lang si Jake. Tatanungin ko kung pano yung sa report namin." paalam ko kay Khate.

Naglalakad na kasi kami palabas ng AU para umuwi. Gutom na din kasi kami dahil hindi pa kami nakakapag lunch.

"Ge. Antayin nalang kita sa may soccer field." sabi nya.

Naglakad na ako papunta sa.. Teka! San ko nga ba hahagilapin yun? Hindi ko alam kung nasang lupalop ng school ang kinaroroonan nun. Sa laki ba naman nito e!

Naglalakad lakad nalang ako nagbabaka sakaling may makasalubong akong kakilala ko na alam kung nasaan sya.

Aha! May cellphone naman ako. Ba't di ko kaya iteks diba? Nung nalaman kong sya pala yung tumawag na may bomba daw ay syempre sinave ko yung number para pag gantong emergency ay mateteks ko sya. Don't get me wrong! Alam kong may iba kayong naiisip! :P

To: Kumag

Nasan ka?

Tineks ko na sya habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko agad.

From: Kumag

Bakit?

Ano ba yan! Kailangan pang tanungin kung bakit! Pwede namang sabihin agad kung nasan sya. Gutom na ako oh!

To: Kumag

YUNG TUNGKOL SA REPORT! SABIHIN MO NALANG KUNG NASAN KA DAHIL GUTOM NA GUTOM NA AKO! Mahabang reply ko na naka all caps pa para naman alam nyang naiinis na ako.

Siguradong magagalit yun sakin si Khate kapag natagalan ako dahil alam kong gutom na gutom na din yun.

Tumunog ulit ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan.

From: Kumag

Hulaan mo! :P

Ugh! Nang iinis pa ata lalo to e! Nababanas na ako sa lalaking to! Pag nakita ko to, mapapatay ko talaga to!

Dahil hindi na ako nakatiis ay tatawagan ko nalang. Kung bakit ba naman kasi kailangan mag report pa kami e! Kaya ko naman sana mag isang gawin yun kaso ang daya naman kung ako lang yung gagawa dahil parehas naming parusa yun. Ano sya hilo?

Naka ilang ring lang at sinagot na nya agad.

"Hoy! Pano yung report? Saan natin gagawin yun? Nasaan ka?" sunod-sunod na tanong ko sakanya. E pano gutom na talaga ako e. Kumakalam na ang tyan ko.

"Pwede isa-isang tanong lang? Mahina ang kalaban." natatawang sagot nya.

"Sabihin mo nalang kung nasan ka para mapag usapan natin kung saan tayo gagawa!" sabi ko.

Ok. Habaan ang pasensya. Patience patience patience..

"Kaya mo bang puntahan ang kinaroroonan ko?" tanong nya.

"Saan nga?" kalmadong tanong ko. Kaya ko pang mag pasensya. Kaya pa!

"Nasa mars ako e! Hahahaha!"

HDJAKSJIAJSJAKOAIAIAOSILAKSKSLAKASKAKSJSJAOOA! WELL, OK. HINDI KO NA PALA KAYA!

"Argh. What the hell! I'm so damn hungry! You, dope! I'll kill you!" sabi ko habang pumapadyak padyak.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon