Chapter 20

725 11 6
                                    

Nang marinig ko ang balitang yun ay agad na binuksan ko ang laptop at naki connect sa wifi ng school. Dahil IT student ako ay pinayagan kaming makaconnect. Ang saya lang diba? LOL!

Pero back to cake love team thingy. Grabe lang. Wala akong ka alam alam na meron na palang ganun. They even made pages for us. Nakaka what the eff lang!?

"Hindi ba kayo nag tataka.. Ang aga lumabas ng news paper ng school?" saad ni Tom.

Nang hiram naman si Mj sa katabing table namin nung news paper na binabasa nila.

"Guys, look.. ang bungad na headline ng news paper natin.. 'Jake Salazar was with his rumor girlfriend, Cassandra Mendez.' Grabe!" sabi ni Mj at pinakita samin ang school paper.

Sa baba ng headline ay nasa gilid ang picture ko na pasakay sa sasakyan ni Jake.

Great! This is just so great! Hindi ko inaasahan na yung simpleng pagsakay ko sa sasakyan niya ay maheheadline sa school paper. Grabe ang dulot ng ginawa niyang pag papakilala sakin bilang girlfriend niya! Mala holliwood sa showbiz!

-

Nag mamadali akong lumabas sa library dala ang iilang mga libro. Ilang minuto nalang at mag uumpisa na ang susunod kong klase.

Sa pagmamadali ko ay hindi ko inaasahang may makakabunggo ako dahilan para mahulog ang mga librong dala ko.

"Sorry." sabi ng lalaking nakabangga ko at tinulungan akong pulutin ang mga libro.

Napahinto ako nang mapatingin ako sakanya. He looks familiar. Parang nakita ko na siya?

"Miss, eto na." sabi niya at inilahad ang mga libro.

"Uh. Thank you."

Nag lakad na siya palayo pero hindi ko parin maiwasan na sundan siya ng tingin. Napakunot ang noo ko nang tumingin siya ulit sakin at nginitian ako.

Pakiramdam ko nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan at kailangan.

"Hey. Miss, excuse me.." napalingon ako sa nag salita. Isang babaeng maganda at kasing tangkad ko lang.

"Huh?" kasabay nito ang pagtaas ng kilay ko.

"Pansin ko kasing nakatulala ka. Atsaka nag hahanap kasi ako ng mapag tatanungan. Tutal, nakaharang ka din naman dyan sa daanan kaya ikaw agad ang nakita ko." maarteng sabi niya.

Hindi ko alam kung nang iinsulto ba to o humihingi ng favor.

Tiningnan ko lang siya at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Kahit naaartehan ako dito sa babaeng to at gusto ko na siyang iwanan nalang, tinuruan naman ako ng tamang asal kaya hindi ko magagawang mang bastos lalo na't mukhang may kailangan siya.

"Uhm. May hinahanap kasi ako eh. Alam mo ba kung saan yung west building?" tanong niya.

"Actually, Miss.. West building to." sagot ko.

Napatango nalang siya. "Ah. Uhm. Miss, kilala mo ba si Jake?" nag aalangang tanong niya.

Napataas naman ang kilay ko. Heller! Ang dami kayang Jake sa mundo!

"Jake what?" taas ang kilay na tanong ko. Aba e, mabawian ko manlang siya sa maarteng pananalita niya. Parang ingglishera na nag pipilit na mag tagalog.

"Jake Salazar. You know, i'm just new here. I can't find him alone so, please help me." ayan sumabog na ang english niya. Hindi na kinaya ang tagalog XD

Biglang kumunot ang noo ko. Siguro girlfriend niya to.

"Uh. Yes, i know him." sabi ko at sinenyasan ko siyang sundan ako. Actually, mukha siyang mayaman na mataray na maarte pero mukha ding may pagka maang at.. utu-uto? Eh? Parang ganun!

Hindi naman siya tumanggi pa at sinundan niya ako. Mabilis ako mag lakad kaya halata sakanyang hirap siyang sundan ako.

Eh pano, naka heels ba naman ng pagka taas taas. Hello! School to hindi party! Teka, ba't ba ang bitter ko?

"Uh. Miss, wait lang." sabi niya habang pilit na hinahabol parin ang lakad ko para masabayan ako.

"What?" sagot ko nang hindi parin humihinto sa paglalakad.

"Hey! What's your name?" tanong niya.

"Cassandra."

"Cassandra what?"

"Cassandra Mendez."

Napahinto ako sa paglalakad nang bigla niya akong hawakan sa braso.

"Wait.. What? Cassandra Mendez?" nagtatakang tanong niya.

Nakakainis na ang kakulitan nitong babaeng to ah. Pero dahil mabait ako, pagpapasensyahan ko muna.

"Yeah!" sagot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at maarteng tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Oh. Now i know." sabi niya at nag cross arms. "So, hi. I'm Clarisse. Clarisse Gonzales." inilahad niya ang kamay niya.

Tinanggap ko naman ito at pilit na nginitian siya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis. I mean, nakakainis naman kasi pag may mga taong weird ang inaakto. Ah basta!

"Jaaake!" sigaw ni Clarisse at nag mamadaling tumakbo. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong niyakap niya si Jake. Halata naman sa mukha niya ang pagka gulat.

Nag umpisang mag bulung bulungan ang mga estudyanteng narito rin.

"Who is she?"

"Diba girlfriend niya si Cass?"

"Baka harap harapang niloloko ni Jake si Cass?"

Mga iilang bulung bulungan na naririnig ko at pinagpasa pasahan kami ng tingin.

Nag bulungan pa sila kung ipaparinig lang din pala nila.

Medyo nakaramdam ako ng inis sa mga chismosang wala namang alam sa nangyayari. Tss.

"What are you doing here?" gulat na tanong ni Jake.

"Shock huh? Dito na ako mag aaral!" maarteng sagot niya.

Dahil wala na rin naman akong business dito ay naglakad nalang ako paalis. Rinig ko parin ang ibang tsismisan ng iba. Kesyo kawawa daw ako, ipinagpalit daw, niloko. Psh. Magkakalat nanaman sila ng tsismis.

Napatingin ako sa orasan ko. Ugh! Sabi na eh! Hindi na ako makakapasok. Nakakainis. Inubos lang ni Clarisse ang oras ko! Tapos hindi manlang nag pasalamat! Kainis.

Nag lakad nalang ako palabas ng building. Hindi ko alam kung paano ko gagamitin ang oras ko kaya naisipan ko nalang na gawin ang mga paper works ko.

Habang naglalakad ay may lalaking sumigaw. "Miss, ilaaag!" napatingin ako at napansing may bola na tatama sakin kaya napaupo ako.

"Ok ka lang?" tanong ng kung sino at inilahad ang kamay niya para tulungan akong makatayo.

Tiningnan ko ito at halos lumawa ang mga mata ko nang makita ko siya.

Siya? Anong ginagawa niya dito?

Si.. Si Paul?

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon