Chapter 2

1.4K 25 0
                                    

Papunta na ako sa susunod kong klase. Naiirita ako dahil hindi ko akalain na mapag titripan ako ng isang lalaki. Tapos malalaman ko pang siya pala yung gustong-gusto ni Khate na si Salazar! Wth! Ganong tao ba ang gusto ng mga kababaihan ngayon? Mayabang at akala lahat ng gusto makukuha? Kung akala niyang dahil sikat siya ay lahat ng tao ay susundin siya, pwes, hindi ako!

Asa sya. Sa dami ng tao dun sa canteen, ako pa talaga? As if naman na mag papatalo ako sakanya kaya inunahan ko na sya. Siya tuloy ang napag tripan.

Flashback

Naupo na ako at pumwesto sa bakanteng mesa dala dala ang mainit at mabangong shabu shabu. Paborito ko ito kaya naman nang makita kong may nag titinda dito ay agad akong bumili.

Nasa kalagitnaan ako ng pag kain ko nang biglang may umupo sa harapan ko. May kasunod pa siyang dalawang lalaki pero hindi ko pinansin.

"Hi." sabi niya. Tiningnan ko siya pero nakita kong nagulat siya nang makita ang nakayuko kong mukha kanina.

Hindi ko siya pinansin at ibinalik ang atensyon sa kinakain ko.

Pansin kong tumatawa ang dalawang lalaking kasama niya dahil kita ko ito sa peripheral vision ko.

"Miss, anong pangalan mo?" tanong niya. Nag angat ulit ako ng tingin pero inirapan ko lang siya. Nag iba ang itsura niya na panigurado ay naiinis na. Ano bang problema nito? Kung naiinis siya, pwes, naiinis din ako dahil sa pang iistorbo niya. Nakain ako. Ayaw ko pa naman nang iniistorbo ako kapag ganitong gutom at nakain lalo na ng paborito kong pagkain.

Tumikhim siya at nag salita. "Hindi mo ba ako kilala? Jake Salazar nga pala." sabi niya na halatang napipikon na. Napipikon din ako kung alam niya lang.

"Oh? Tapos?" sabi ko at tumayo para umalis.

Mag sasalita pa sana siya pero hindi na niya naituloy dahil tumawa bigla ang mga kasama niya. Iniwan ko sila don na halata sa mga mata niya na nag aalab sa galit. Ang yabang niya. Ano ngayon kung si Jake Salazar siya? Napalitan ang iritado kong mukha ng ngiti. Balak niya sigurong pag tripan ako. Well, hindi ako ang napag tripan kung hindi siya.

End of flashback

Medyo nakakairita nga kase sa klase halos siya ang bukambibig. Wala naman akong magawa. Alangan naman pagalitan ko mga kaklase ko. Baka sabihin pa nila bitter ako.

Well, sabi nga nila, wala pang nag ttry na kalabanin siya sa school, lalo na ang pahiyain, dahil nga sikat sya at maraming may gusto sakanya. Natatakot din sila na baka magantihan sila nito at pag tripan tulad nung ginagawa nya nung high school palang siya.

High school palang daw yun, pilyo na. Dahil na din sikat at mayaman ang kanilang pamilya. 'Yan ang mahirap kapag kilala, e. Lumalaki ang ulo at yumayabang.

E teka? Baket ba kase ako nag aaksaya ng oras sa kaka-kwento tungkol sakanya?

E narinig ko lang yang mga impormasyon na yan tungkol sakanya, dahil nga sa klase ay sya ang bukambibig.

"Oh Cass, akala ko ba dun tayo mag kikita sa canteen?" sabi ni Khate na biglang sumulpot.

Inirapan ko siya at nagpamewang. Isa pa 'tong babaeng 'to na dahilan ng pagka irita ko. Pag hintayin ba naman ako dun sa cafeteria. Ayan tuloy muntik pa akong mapag tripan. "Ang tagal mo kaya! Kanina pa ako nag aantay dun! San ka ba nanggaling na babae ka?" sigaw ko sakanya.

"E kinausap pa ako ni Sir Alvin. May pinagawa lang. E baket ba parang ang init ng ulo mo?" tanong niya.

"E kase nga ang tagal mo!" reklamo ko. Buti nalang kahit papaano ay nabusog ako sa kinain kong shabu shabu. Dahil kung hindi ay hinila ko na siya at binatukan sa sobrang inis.

"Sorry naman. E baket ka naman bigla umalis? Di mo manlang ako inantay. Gutom na ako o!" utas at ngumuso. Umirap lang ako sa kawalan at hinila siya sa sulok na walang masiyadong dumadaan na tao. Kwinento ko sakanya kung baket bigla akong umalis doon. Pagkatapos kong ikwento ay para nanaman siyang kinukuryente sa kilig.

"OMG Cass! Ang swerte mo!" siya na sumisigaw habang inaalog ako.

"Ano!? Swerte? Swerte ba yung ganun!?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Sana pala mas inagahan ko ang punta dun! E di sana nakita ko pa sila ng harap harapan! OMG!"

Sa sobrang inis ko ay binatukan ko siya ng mahina para mag tigil sa kahibangan niya. Bwisit na to. Kung alam ko lang na ganito pala magiging reaksyon nya, e di sana hindi ko nalang kwinento.

"Oo nga e. Sana mas maaga kang dumating para sana ikaw nalang pinag tripan." utas ko at nag umpisa nang mag lakad paalis doon.

"Oo nga. Maganda yun!" sabi niya na ikinahinto. Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ko sakaniya. Seriously, Khate? Paano ako nagkaroon ng baliw na kapatid tulad nito?

Ewan ko ba dito sa babaeng to at patay na patay sya dun sa mga 'yon. Nakakairita. Kung sakanya lang sana nangyari yung nangyari sakin dati, nako. Sigurado maiintindihan nya ako kung baket ayaw ko sa mga katulad nila.

"Hoy! Cass! Tulaley ka nanaman!" utas niya. Nakalabas na kami ng building kaya naupo muna kami sa bench na nakita namin.

"Ha? Sorry." sabi ko at nagkamot ng ulo.

"Tss. Tara na nga ate." sabi niya at tumayo. Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Wow! Ate? Seriously, tinawag nya akong ATE!?

Tiningala ko siya. "Khate, paki sampal nga ako." sabi ko na nananatili paring nakaupo sa may bench.

"Ha? Baket?" nag tatakang tanong niya.

"E kase tinawag mo akong ATE, e. Totoo ba to Khate?" pinag diinan ko ang word na ATE. Napabuhanglit naman siya ng tawa at tiningnan ako.

Alam ko naman na totoo 'to. E kaso, after 1232343434 years, ay ngayon nya lang ulit ako tinawag ng ATE. 

"Ewan ko sayo. Baket naman kase nag karon pa tayo ng isang taong agwat. Pwede namang kambal tayo o kaya mas matanda ka saken ng 2 years o 3 years para naman mas feel kong Ate kita." sabi niya at tumawa ulit. Pati ako ay natawa na rin dahil sa sinabi niya.

"Ewan ko din. Masyadong malandi magulang naten. Pag labas ko, sumunod ka agad. Di manlang pinaabot ng 2 years pataas bago ka binuo. Excited masyado." I joked and she laughed.

Tumayo na ako at hinila na siya para mag lakad. At ayun nga, nag kwentuhan nalang kami nang nag kwentuhan hanggang sa makapunta sa susunod na klase namin. Di na sya nakakain dahil nakalimutan nya daw. Hanep e. Kung ako nyan, makalimutan ko na ang lahat, wag lang ang pagkain.

Pagkatapos ng klase ay agad din kaming lumabas ng room. Nag mamadali din si Khate dahil kanina pa daing nang daing na nagugutom na daw siya.

"Buti maaga tayo pinalabas. Gutom na ako e." sabi ni Khate.

"E? Nag lunch ka naman diba?" nagtatakang tanong ko.

"Oo. E kaso nagutom ako bigla e." sabi niya.

Hindi naman siya gutumin kaya nagtaka ako. Dati ako lang ang ganito. Masyado kase yan maalaga sa pangangatawan nya. Ayaw nya daw tumaba. Kaya minsan, kahit gano nya kagusto ang pagkain, pinipigilan nya dahil natatakot syang tumaba. Naiingit nga sya saken dahil kahit ano daw gawin kong kain, di ako nataba. Samantalang sya, ang bilis tumaba.

Well, iba talaga pag pinanganak kang sexy. Joke!

"Tara uwi na tayong condo?" tanong niyang may halong ngiti sa mukha.

"Dala tayo foods?" biro ko at humagalpak ng tawa.

"HA-HA-HA-HA. Tara na nga! I-Vhong Navarro kita dyan e!" sabi niya.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon