Chapter 29

621 12 0
                                    

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at parang nabato ako. Hindi ako makakilos habang buhat buhat ako ni Jake. Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari ang mga ganitong sitwasyon. Yung tipong babagal ang takbo ng oras at hindi ka makakakilos agad.

Napanganga ako sa sinabi niya. Double meaning ba yun? Nahulog ako sakanya as in literal? O nahulog ako sakanya as in nainlove? Kung ako sasagot niyan sa sarili ko, siguro nga. Pero wala paring kasiguraduhan kung masasalo niya talaga ako mula sa pagkakahulog ko sakaniya. Ang kailangan ko nalang gawin ay mag ingat dahil baka matuluyan ako at sa bandang huli ay masaktan lang. Ayaw ko ng maulit ang nangyari dati. Nahulog ako, umasang may sasalo sa 'kin, pero sa bandang huli ay nasaktan lang ako.

Madaling magmahal, oo. Pero yung katotohanang minsan hindi kayang ibalik sa 'yo ng taong mahal mo ang pagmamahal mo para sakaniya, mahirap.

Mahirap umasa, dude. Mahirap! Kaya yung mga paasa diyan, mamatay na kayo! Joke!

"Are you okay?" biglang tanong niya.

Bumalik ako sa ulirat. Gumalaw ako para ibaba niya ako. "Uh. Oo." sabi ko nang hindi tumitingin sakaniya.

"Buti nasalo kita at hindi ka tuluyang nahulog at nasaktan." sabi niya.

Double meaning ba ulit yan? Sana nga. Kasi baka kapag tuluyan akong nahulog sayo at hindi mo ako sinalo, baka masaktan lang ako. Kaya Cass, kung ayaw mong matuluyan at masaktan, iwas iwas din minsan ha? Wag puro landi. Sabi ng walangyang utak ko. Ang sama ng utak ko. Puro landi? Masama bang mag kacrush? Crush lang ba? Tanga ka? Kakasabi mo palang na baka nahuhulog ka na, diba? Ang galing talaga ng utak kong mag basa ng utak.

Ay tanga nga! Malamang utak yan! Mababasa niyan talaga ang sarili niya!

"O-oo nga. Thank you." sabi ko at tumalikod na ako sakaniya. Hindi ko na kasi kayang mag panggap na okay ako.

"Ikaw talaga! Sinabihan na kita!" salubong sa akin ni Khate habang nakapamewang siya.

Tss. Ikaw na po ang ate!

Siguro kung nasa tamang sitwasyon lang kami ngayon ay tiningnan na niya ako ng nakakalokong tingin at inasar na niya ako dahil sa pagkakasalo sa akin ni Jake. Pero hindi, e. Alam kong mainit din ang ulo nito ngayon dahil muntikan na akong mapahamak. Kung bakit ka ba naman kasi isa't kalahating tanga! Lecheng utak!

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig dahil hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Jeez.

"Ang tigas tigas kasi ng ulo mo. Ang dami dami namang upuan dyan!" utas ni Khate habang nag huhugas ng kamay sa lababo.

"Oo na. Sorry na." sagot ko habang binabalik ang tubig sa ref at umirap sa kawalan. Kung wala lang siguro akong kasalanan sa nangyari ay kanina ko pa 'to binatukan! She only cares for you! Damn! Kinakalaban talaga ako ng bwisit kong utak. I know. Alam ko naman yun. Kasalanan ko kasi hindi ako nakinig sa kapatid ko. Paano nalang pala kung hindi dumating si Jake. Ano ako ngayon? Siguro para na akong batang umiiyak kung hindi niya ako nasalo. Thanks to him!

Maayos naming natapos ang pag lilinis. Madami kaming ginawang pag babago kaya naman pakiramdam namin ay bagong dating lang namin ulit dito. Umaliwalas din ang paligid dahil sa pag papalit namin ng ibang kulay ng kurtina pati na rin ang mga punda ng unan at mga kumot. Winalisan at pinunasan din namin ang bawat sulok nitong unit para mas masarap lumanghap ng hangin.

Nag paalam din agad si Jake nang natapos kami. Para nga akong tangang iwas nang iwas sakaniya tuwing lumalapit siya sa akin. Nakakaramdam kasi ako ng kaba kapag nalapit siya. Tapos kapag dumidikit naman siya, nakukuryente naman ako. Haru! Ano ba 'to? Ano bang meron sa katawan ng lalaking iyon at kung anu-ano ang nararamdaman ko? Natatakot na tuloy ako sa pwedeng mangyari sa akin kapag hindi ko siya nilayuan.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon