Chapter 22

775 14 1
                                    

"Mine!" sigaw ni Sheela habang sinasalo ang bola galing sa kabilang court.

Wednesday ngayon kaya naman pagka galing sa kanya kanya naming klase ay dumiretso na kami dito sa gym para mag training.

"Go sexy, go sexy, go sexy, sexy Cass!" sigaw ni Tom mula sa bench.

Sira ulo talaga.

Inaantay kasi nila kaming matapos dahil sila naman ang gagamit nitong gym para makapag practice dahil mauuna ang laban ng mga basketball players kesa saming mga volleyball players sa darating na November.

Ganito pala talaga sa mga malalaking university. Matagal pa bago ang laban ay puspusan na ang training para daw hindi nag rrush.

"Ok guys, pahinga muna kayo." utas ni Coach A habang pumapalakpak.

Sabay sabay kaming umupo sa bench para mag pahinga. Kinuha ko ang lagayan ng tubig ko atsaka nilagok ang laman nito.

Lumapit si coach kila Jake at kinausap sila. Pagkatapos nun ay sabay sabay silang nag tayuan at nag stretching dahil sila naman ang susunod na mag ttraining. Isang game nalang at matatapos na din kami.

"Kapagod no?" sabi ni Isabel habang nakasandal sa bench at nakapikit.

Tumango lang ako bilang tugon kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita.

Pakiramdam ko kinabukasan ay sasakit ang buong katawan ko. Hindi din kasi ako nakapag warm up ng maayos dahil ginugulo ako ng sira ulong si Tom kaya imbes na makapag warm up ay nakipag tawanan at nakisakay lang ako sa mga corny jokes niya.

Ang sarap niya lang puntahan din ngayon sa pwesto niya at guluhin siya sa ginagawa niya. Pero dahil pagod ako ay hindi ko muna gagawin yun.

"Announcement.." sabi ni coach.

Lumapit kaming lahat sakanya para marinig ang sasabihin niya.

"Makikilala niyo na ang team captain niyo." sabi niya.

Ngayon ko lang napansin na hindi ko pa pala nakikilala ang team captain namin. Mukhang interesting.

"Umalis na kasi ang dating team captain natin pagkatapos ng huling laban.. nangibang bansa." paliwanag sakin ni Kath.

Napatango lang ako sakanya.

Ang alam ko ay ang ibang players dito sa AU collegiate women's varsity volleyball team ay mga dating varsity din sa high school branch ng AU kaya madali lang silang nakapasok dito.

"Papalitan na pala talaga si Stella." bulong ng kateam ko na second year.

"Malamang. Anong gusto mo? Antayin natin na bumalik siya? Syempre papalitan talaga." sagot naman ng isa pa naming kateam na second year din ata.

"Coach, fourth year po?" tanong ni Sheela.

Agad namang umiling si coach. "No. First year."

Nag umpisang mag bulung bulungan ang mga kateam mates ko.

Weird. Kadalasan naman ang mga kinukuha bilang team captain ay yung mga nasa higher level at magagaling talaga. Pero bakit sa first year sila kukuha? Hindi ba parang unfair sa mga matatagal ng part ng team?

"Padating na daw siya." sabi ni coach at itinago ang cellphone sa bulsa niya.

"Uh. No. Nandito na pala siya." nakangiting sabi niya habang nakatingin sa pintuan ng gym.

Sabay sabay kaming napalingon sa kadadating lang naming team captain. Nalaglag ang panga ko ng maaninag ang isang pamilyar na mukha na papalapit samin.

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon