Chapter 19

790 9 3
                                    

"Ano bang nangyari?" tanong ko kila Tom pag dating ko sa unit ni Jake.

Iniwan ko sila Mj at Khate dun. Ang OA kasi nila kaya hinayaan ko nalang sila. Ako nalang ang aalam kung bakit nag iinarte yung dalawang yun.

Naka upo kami sa maliit na lamesa na kasya ang apat na tao. Pa square ito kaya magka tapat si Jeron at Tom at ako naman nasa gitna habang si Jake ay nakatayo lang at nakapamulsa habang pinapanuod lang kami.

Parang mga kriminal lang si Tom at Jeron tapos kami naman ni Jake yung kunwari imbestigador na kinukwestyon sila. Ang ewan.

"Ano na?" tanong ko ulit.

"E kase naman.. nagalit agad si Mj." unang nag salita si Tom.

Para siyang nalugi sa itsura niya. Ang sarap lang din itanong sakanya yung tungkol sa papel. Haha! Pero ngayon, seryoso at galit galitan ang peg ko kaya iwas muna sa mga ganung bagay dahil baka masira ang acting ko.

"Bakit nga? Spill it!"

"E sinabihan ko lang siya ng maganda tapos nagalit na siya.." paliwanag niya.

Halos matawa na ako sa itsura ni Tom pero kailangan pigilan. Ramdam ko naman na nag pipigil ng tawa si Jake na nasa gilid ko.

Bakit ang bababaw ng kapatid at pinsan ko?

"E bakit mo naman kasi siya sinabihan ng ganun? Alam mo naman na boom t-boom yun!" sabi ko na kunwari seryoso parin.

"Sobrang nagandahan kasi ako sakanya nung nag lalakad siya papalapit sakin tapos hinahangin pa yung buhok niya. Kaya ayun, di ko na mapigilang sabihin." aniya.

LOL! Napapa face palm nalang kami.

"Ok. Sige. Hindi maiiwasan yan." sabi ko at humarap naman kay Jeron. "Ikaw naman.. ano'ng nangyari naman sainyo ni Khate?" tanong ko kay Jeron.

"Akala niya kasi sinabihan ko siya ng tanga. Pero Cass, maniwala ka, hindi talaga siya yung sinabihan ko ng tanga. Promise!" sabi niya with hand gesture pa.

"Ipaliwanag mo.."

Flashback ni Jeron

Nasa cafeteria kami ni Khate. Kami lang dahil nauna kami dito at inaantay pa namin sila Cass.

"Ang tagal nila.." inip na saad ni Khate.

"Oo nga. Pero alam mo, crush ata ni Tom si Mj.." sabi ko para naman hindi awkward. Ang hirap mangapa ng topic kaya si Tom lang ang naisip kong pag tripan.

"Really? Bagay sila. Sayang lang dahil ano si Mj. Lam mo na. Nasusuka kasi ako pag binabanggit yung word na yun e." sabi niya.

Sayang talaga si Mj e. Chix sana kaso tibo nga lang.

"Oo nga e. Pano kung ilapit natin siya kay Tom para maging babae siya?" suggestion ko.

Nakita ko si Tom na dahan dahang papalapit samin. Nag tago lang siya sa likod ni Khate at nag mmake face kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Yeah! Great idea! Tapos magkaka inlaban sila tapos mag kakatuluyan at ayun, kasal!" kinikilig na si Khate.

Pero habang nag sasalita si Khate ay ginagaya siya ni Tom kaya bigla kong nasabihan si Khate este si Tom ng "Tanga!"

Tiningnan ko si Khate na pinanliitan ako ng mata at biglang tumayo. "Tanga? Ako tanga? Ang labo mo!" sigaw niya na nakapukaw ng atensyon.

"Khate, hin-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Bahala ka diyan! Stupid!" sigaw niya at dire-diretsong umalis.

Naiwan akong nakanganga. Si Tom naman ay tumatawa habang tumatakbo papalayo sakin. What the!?

Ang Boyfriend kong FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon