"Mahal ko si Chance! Mahal na mahal! Handa akong matuto ng witch craft para mahalin rin niya ako. Kaya ko siyang pakasalan sa kahit saang simbahan at sa kahit sinong judge pa. Chochop-chopin ko ang sinumang mangahas na mang-agaw sa kanya! Pramis!"
Minsan tumitibok ang puso natin para sa isang taong mahirap abutin. Yu'ng tipong Starbucks siya, Tablia ka lang. Faber Castel siya, Panda ka lang. Penshoppe siya, ukay-ukay ka lang.
Para bang ang hirap niyang abutin. Kahit ano'ng akyat mo ng hagdan, hindi mo pa rin magawang hawakan maski ang kalingkingan niya.
"He loves me, he loves me not?!"
Siya si Christine. Ang babaeng wagas kung magmahal. Lahat ay kaya niyang gawin para sa kanyang crush. Eh ano'ng magagawa niya? In love siya. Errr...scratch! She's not just simply and plainly in love. She's damn obsessed with him!
Pero paano siya nito magagawang pansinin? Isa lang siyang normal na estudyante ng eskwelahan nila. Habang ito nama'y tinitiliang campus hearthrob, miyembro ng dance club at varsity player. Oh, sa'n ka pa?
Sa ka-gwapohan at kasikatan nito, maraming nakapaligid na mga babae dito na 'di hamak na mas maganda at sikat kompara sa kanya.
Pero may isang bagay naman siyang magiging advantage.
GUTS!
May sangkaterba siyang guts at handa siyang lunukin ang pride at kahihiyan masungkit lang ang puso nito.
And she succeed.
Hindi lang siya bastang minahal nito. Sa kanya na halos umikot ang buong mundo nito. He'd loved her more than anything in this world. She was able to conquer his heart. She owned it all for herself.
"Chance... I'm sorry... I'm so sorry..."
Ano'ng nangyari? Bakit niya ito nagawang pakawalan 'gayong ito naman ang matagal na niyang pinapangarap?
Paano kung sa muli nilang pagkikita'y magiging komplikado na ang mga bagay-bagay? Paano kung 'embis na mawala ang pagmamahal niya dito'y mas lalong tumindi pa ang epekto nito sa kanya? Paano kung mas lalo lang niya itong minahal.
Higit sa lahat... paano kung may iba ng nagmamay-ari ng mundo nito?
Someone better than her. And someone who deserves him better.
Babawiin pa ba niya ang taong mahal niya kung sa umpisa ng storya ay siya naman ang nang-iwan at nanakit?
Sapat na bang dahilan yu'ng mga titig, halik at yakap nito para umasa pa siya?
Minsan darating yu'ng panahon na mababalot ka nalang pagsisisi. Ang daming what ifs at should have beens. Yu'ng tipong gusto mong gawing parang pelikula ang buhay mo kung saan pwede mo pang i-rewind. O 'di kaya'y gawin mong MS Word kung saan pwede mo pang i-erase ang mga pagkakamali mo at iwasto iyon.
But you can't. You've went on with your journey without him by your side. You left him at the starting point. Now, can you go back to square one and chase after him again?
Is it possible to make...
A Step Backwards?