***CHAPTER ELEVEN***

78 3 0
                                    

ANG tagal na pinangarap ni Christine na marinig ang salitang iyon mula kay Chance. I love you... I love you... I love you... Ang sarap isipin nang paulit-ulit ang mga sinabi nito sa kanya. Pero alam niyang hindi tama. Siguro nga nagsasabi ito ng totoo. Maaaring mahal na nga siya nito. Pero hanggang kailan? Paano kung magkamali na naman siya at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay mapahamak na naman si Euvelyn nang dahil sa kanya? Sisisihin na naman siya nito? Pagsasalitaan na naman siya nito nang masasakit na salita? Bigla-bigla na namang mawawala ang sinasabi nitong love ngayon? Pagkatapos muli na naman siyang masasaktan?

She've had enough. Punung-puno na ng sakit ang puso niya. Kailangan muna niyang maitapon ang lahat ng sakit bago siya tumanggap ng panibago na naman. Yeah, she's not afraid to love and to feel pain again. It's part of living, afterall. She just needed some time to accept things, gather her thoughts, heal wounds and rise up. She'd lik to take her time... to take things one step at a time. Matatag naman siguro siyang babae. Siguro nama'y makakaya niyang bumangon, di'ba?

Ano ang nangyari nang hapong iyon na nag-I love you ito sa kanya? Did it made any difference? Sorry to disappoint you, but no. Iyak lang siya nang iyak n'on kasi sa loob-loob niya, gusto niyang sugurin ito ng yakap. Gusto niyang sabihin dito na mahal pa rin niya ito at gusto niyang mag-proceed na sila sa next level. Pero hindi maaari. Hindi na tama. Magiging unfair na siya sa sarili niya 'pag ginawa niya iyon. Hindi naman sa nag-iinarte siya, nagdadrama, nagpapakipot or whatever you want to call it. Ang tawag niya sa ginagawa niya ay self-respect. Hindi lang siguro basta-bastang respect sa sarili kundi pagmamahal na rin sa sarili. Kasi paano siya magiging effective sa pagmamahal sa ibang tao kung hindi niya magawang mahalin ang sarili niya sa tamang paraan, di'ba?

"Ang haba rin ng hair mo, noh?" ani Leah habang kumakain sila ng banana cue sa canteen bandang alas-tres ng hapon. Hindi kasi pumasok ang teacher nila sa last subject dahil may sakit raw ito at hindi rin naman nag-iwan ng activity. Pinasabi lang na mag-advance study raw sila at magkakaroon sila ng long quiz 'pag balik nito. Well, bilang mga tipikal na highschool students, hindi nila iyon gaanong ikinabahala. Hindi sila nag-advance study. Instead ay lumafang na lang sila.

"Ha?" Hinawakan niya ang kanyang buhok na bagaman lagpas-balikat ay hindi naman masyadong mahaba kompara sa buhok ng iba.

"Gaga, 'wag kang literal."

"Eh hindi kita gets, eh." Pinagkaabalahan na lang niyang nguyain ang kinakaing banana cue.

"Ang haba ng hair mo kasi ngayo'y ikaw naman ang hinahabul-habol ni Chance. Para akong nagbabasa ng wattpad story, gurl. Isipin mo, parang kailan lang, ikaw 'yong baliw na baliw sa kanya. Naaalala mo 'yong binigyan mo siya ng gift 'tapos nagpa-marriage booth ka sa kanya? At, syempre, sino ba naman ang makakalimutan 'yong ginawa mong panghaharana sa kanya na bentang-benta! Sinabayan mo pa iyon ng pagtatapat mo ng undying love mo para sa kanya. O di'ba, ang saya?"

Tila gusto niyang umorder ng mainit na sopas at ibuhos iyon sa mukha ng matalik niyang kaibigan. Heto nga siya't nagmo-move on na, walang pakundangan naman ito kung mag-throwback ng mga katangahan niya. But she has to admit na naging masaya din naman siya habang ginagawa ang mga katangahang iyon.

"Kalimutan na lang natin iyon, best."

"Sigurado ka na ba talaga diyan sa 'Operation: Move on' mo, gurl? Ayaw mo na ba talagang bigyan ng isa pang chance si Chance? Pagbigyan mo na lang kasi. Para saan pang Chance ang naging pangalan niya, di'ba? Give him a chance na lang to prove his worth."

Parang kailan lang ay ito ang nag-uudyok sa kanya na itigil na ang ka-gagahan niya, ah. Bakit parang nag-iba yata ang ikot ng mundo? Nagayuma ba ito ni Chance? Oh, well... buo na ang pasya niya. Not even her bestfriend can change it.

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon