KAHIT paano'y may idinulot rin naman palang mabuti ang ginawa niyang panghaharana kay Chance. 'Mula kasi ng araw na iyon ay napapansin na siya nito. Hindi man niya masasabing mutual ang feeling nilang dalawa sa isa't-isa, ayos na yu'n sa kanya. Masaya na siya na naging malapit silang magkaibigan. Kontinto na siyang makasama ito paminsan-minsan. At least bonggang kilig ang pinaparamdam niya sa akin, di'ba?
Minsa'y naitatanong niya, pinapaasa lang ba niya ang kanyang sarili na posibleng mahalin rin siya nito? Pero ayaw niyang mag-isip ng negatibong bagay. Mas pinipili niyang makontinto sa kung anumang 'meron sila. Tutal ay mangyayari ang lahat sa tamang pagkakataon.
Minsan ay sabay silang mag-recess at kumain ng lunch. Lagi niya itong pinupuntahan sa classroom nito at wala naman itong angal. Ang sabi kasi nito minsan sa kanya na masaya raw ito 'pag magkasama sila. Gusto nitong maging close friends sila. Kung pwede nga lang na more than friends, eh!
"Ang galing mo talaga. Alam mo, malaki talaga ang potensyal mo na maging isang sikat na basketball player," aniya kay Chance nang palabas na sila ng covered court. Kakatapos lang ng laro nila kalaban ang kabilang school. At syempre, eskwelahan nila ang nanalo. "Ikaw naman talaga ang nagpanalo sa school natin, eh."
"Ha-ha! Hindi naman siguro. Nagtulungan kaming lahat." Nakasuot pa rin ito ng basketball uniform nito at may nakasampay na face towel sa balikat nito na dala niya. Inabutan naman niya ito ng Gatorade.
"Kuu! Pa-humble ka pa d'yan, eh. Biruin mong sa crucial part ng game, nag-three point shot ka na naman. Maniwala ka sa'kin, pambihira ang galing mo." Hindi niya ito binobola. Nagsasabi lang siya ng totoo kasi talaga namang magaling ito. He added spice to the game. He made it more than exciting. "Malay mo, maging PBA player ka soon, di'ba?"
"Sana nga mangyari ya'ng sinasabi mo, noh?"
"Mangyayari ya'n. Magtiwala ka lang sa'kin at sa kakayahan mo."
"Salamat." Bigla itong huminto at humarap sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata nila at parang huminto sa pag-ikot ang mundo niya. As corny as it may sound like, pero ganoon talaga ang epekto ng titig nito sa kanya. Parang hindi na niya nakikita ang mga bagay-bagay sa paligid niya. Dahil ang buong atensyon niya'y nakatutok lang sa poging nilalang na nakatayo sa harap niya.
"Ahhh... ehhh... C-Chance, b-bakit?"
"Salamat kasi kahit kailan ay hindi ka nawala sa tabi ko mula no'ng maging magkaibigan tayo. Hindi ko pinagsisisihan na kinaibigan kita. Kahit na noong una ay nawe-weirdohan ako sa'yo dahil sa lantaran mong page-express ng love sa akin. Pero ngayon ko lang na-realize na hindi ka lang basta-bastang fangirl o admirer ko. Isa kang totoong kaibigan."
Parang lumubo ang puso niya sa naririnig. Kahit na tungkol sa pagkakaibigan ang sinasabi nito'y ayos lang sa kanya. Siguro nama'y darating rin ang araw na hindi na lang basta-bastang kaibigan ang turing nito sa kanya. Baka naman matutunan rin siya nitong mahalin kagaya ng pagmamahal niya rito. Sana naman noh! Lord, sige na naman oh. Pagbigyan N'yo na ako. Ang tagal ko na 'tong kinukulit sa Inyo, eh.
"Best?"
Magsasalita pa lang sana siya para sabihin ditong hindi siya mawawala sa tabi nito. Pero hindi na niya iyon nagawa pa nang may isang babae ang tumawag dito. Sabay nilang nilingon ang direksyon nito at nakita nila ang isang matangkad at magandang babae. Morena ito at nakapaka-angelic ng mukha. Pang-model ang tindig nito bagaman sigurado siyang ka-edad lang nila ito. Maganda itong manamit and she walked with an air of confidence. She was definitely her total antonym.
"Best!" tuwang-tuwang bulalas ni Chance at mabilis na nilapitan ito. Nagyakapan silang dalawa nang mahigpit sa mismong harapan niya. Para siyang nanghina. Ano 'to, lokohan? Kani-kanina lang ay sobra siyang kinilig sa mga sinabi ni Chance 'tapos in a split second ay maglalaho na lang iyon bigla at mapapalitan ng sakit? Kainis na buhay to, oh!